5. Pamilya Ragasa

11 0 0
                                    

Enero 1897 (Biyernes)

Butihing may ilaw ng aming 'kubo' si Ina, masipag at kapareho ng isang ibon na pumapaibabaw kasama ng mga anghel patungo sa kalangitan laban sa inilalarawan ng mga prayle sa katedral na ang babae ay dapat lamang nagsisilang ng sanggol, nagluluto ng makakain at dapat daw ay buong buhay ng mga babae ay dapat nasa tahanan at nanahimik. Isang kahangalan, Punyeta ganyan din ba kadaling sabihing ang Diyos nilang gawa sa kahoy na walang ibang alam gawin din ay dasalan ng dasalan, damitan ng mga kasuotang gawa sa ginto at perlas, habang ang marami sa aking baryo ay halos mamatay na sa pagod at gutom na halos dugo na ang ipawis sa pagbubuhat ng mga adobe sa kontruksyon sa Tulay Isabellita. 

Kasalungat sa impresyon ng aking ama sa mga Intsik ang pagkakakilala ni Ina sa mga ito, mabuti pa raw ang mga Intsik na yan masikap at masinop katulad din raw ng mga Pilipinong matiisin at matiyaga kahit ilang beses abusuhin at pagsamantalahan ay bale wala; samantalang ang mga Instik raw ay masinop katulad ng sa mga langgam- nagtatabi ng pangagailangan sa hinaharap at naghahanda na hindi nakakitaan ng aking ina sa kapwa niya Pilipino. 

Si ina ay nagtatrabaho sa isang among Intsik na taga Maynila. Ang sabi ng Intsik ay delikado na ang Maynila sa ngayon kaya nagiging mahirap na ang negosyo gawa ng sigalot na dulot ng mga bagong saltang dayuhan na balak itumba ang Espanya..

Sa araw-araw ay ugali ng aking inang na tahasang tawagin na "kakain na!" matapos agad ihain sa hapag ang pagkaing hindi lamang bubusog sa kumakalam na mga sikmura bagkus ay bubuhay sa aming pamilya ay magagalit pa siya kapag hindi ako kaagad lumapit at sumunod.

Mahirap talagang maistorbo habang nagsusulat o maging habang gumuguhit ng obra, kapag gumuguhit naman ako at bumubuhos ang mga ideya ay bigla na lamang akong tatawagin ni ina. Hinihilinh ko na pagkatapos ko kumain sana hindi kabusugan ang magpapawala sa umaapaw kong mga ideya maging sa pagsulat dahil sa ugali kong itala sa hindi tiya na mga araw at oras ang mga mahahalagang nangyayari sa aking buhay.

Mulat na aking kamalayan sa murang edad. Mainit pa rin ang umuusbong sa pagitan ng nag-aklas at umakyat sa mga kabundukan para sa hinihinging paglaya naming mga taga bayan. Samantalang gayun din ang kabilang bayan ng San Ignacio na patuloy din ang pakikiisa sa mga layunin. Sa baryo "Calla" sa Bakood ay namulat at nagkaisip ako sa mga luntiang kabukiran nito at mga matatayog na mga puno ng kawayan sa paligid nito.

Araw-araw tuwing umaga ang pag-igib namin ni ama ng tubig sa irigasyon sa bukid na siya naman naming dinadala sa bahay. Espesyal ang araw na ito, dahil sa kaarawan ni ina. Wala kaming kayang bilhin anumang mamahaling bagay o materyal para sa kanya. 

Tanging ang lumang papel at uling na panulat lamang ang tangi kong pagmamay-ari mula ng ako'y umalis sa Dapitan. Kaya naisip na handugan siya gamit ang aking mumunting kakayahan kaya laking kaligayahan niya ng ginuhit ko ang kanyang sariling imahe: katamtaman ang kapal ng kilay na hindi naman kanipisan, bilugan at maiitim na mga mata na tila may umaakit na enerhiya mula sa kung saan, at maninipis na labi, hanggang balikat ang kanyang buhok na tuwid-tuwid, lahat ng ito'y sadyang nakuha ng kapatid kong si Susan.

 Pumasyal kaming lahat sa ilog. 

Mabato at madulas kaya dahan-dahan ang aming pagbaba. Labis ang pag-aalinlangan ni ina dahil malulain siya kaya lubos ang pag-alalay namin ni ama sa kanya gayun din kay Susan. Ngayon lang namin madadala si ina ganitong klaseng kagandang lugar.

"Inay bakit ba ayaw mo rito maglaba?" samantalang halos lahat ng ka-baryo natin ay dito nagisipaglaba, mas gusto mo pang mag-igib kami ng tubig ni itay sa irigasyon sa bukid kaya gayon na lamang takot namin ni ama baka sitahin kami na tunay namang hindi makatarungan dahil ang patubig ay nagmumula sa mga kabundukan na dapat ay malaya ang kahit sinuman na makinabang.

Ragasa 1898Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon