Hunyo 1920
Malakas ang aking mga loob sa paggawi sa lungsod ng dayuhan. Ngunit hindi maikukumpara ang tapang at lakas ng loob ng mga taong nananatili sa kabundukan upang ipaglaban ang matagal ng hinihinging kasarinlan hindi katulad ng mga hinihingi ng mga taong nakapag-aral sa ibang bansa marahil hindi lamang sa Europa kundi sa ibang lupalop ng mundo, mula sa Ilustrado ang mga ito na wala namang hinihingi kundi ang reporma lamang sa pagitan ng kolonyal na pamamahala at sa hinihindi ng ganap na pagsasarili.
Hindi ito ang ninanais ng mga taong ito. Malaki ang pinagkaiba nila sa amin. Marami na akong nabasang aklat subalit hindi ko kailanman natutunan sa mga aklat na ang kalayaan ay hindi nababasa bagkus ito'y ipinaglalaban kahit na sino.
Batid kong ang aking meastro ay isa palang 'ilustrado', ngunit bakit nagawa niyang bumalik dito sa aming bansa samantalang maganda na ang kanilang kalagayan sa Europa. Bukod tanging napili niyang bumalik sa kanyang kinaharap na kamatayan sa sariling lupa.
Hindi kaya katulad din nito ang aking nabubuong pag-iisip sa mga oras na ito? Hindi ako pupunta ng Europa subalit para sa akin ang Maynila ay hindi lamang isang mabangis at bayan ng Amerikano, isa itong lugar na naghihintay ng pag-asa, isang mundong nakakakita at nakakaunawa, isang malaking pagkakataon ang magawi sa lugar ng inaasahan kong makakapagpabago sa aking pagkatao.
Ngunit sa tuwing maa-alala ko ang masaklap na balita na hatid namin sa aming amang napilitan ding isuko at isakripisyo ang mga bagay na sa tingin nila'y wala ng pag-asa. Ang mga Amerikano ang ngayong nakikita nilang pag-asa.
Ang malungkot na balita na aming ihahatid sa aming ama ay hindi ko batid ang kalalabasan o idudulot nito sa aking ama. Mahimbing mula sa pagkakatulog si Susan sa kabila ng may kalakasan ang alon sa gitna ng aming paglalayag hanggang sa marating ang pantalan sa dulo ng Rio Pasig, ang ilog na humahati sa malaking lupalop ng lungsod.
Mabilis kaming kumilos dahil magiging dagsa ang pagbaba ng mga produktong mula sa iba-ibang bayan at ikakalakal sa mercado dito sa lungsod.
Lubos ang pasasalamat naming magkapatid sa dating among Intsik ng aking inang.
Mga bata heto ang aking tirahan, ipagtanong niyo lang ako sa sandaling mag pagkakataon kayong bumisita at sana madala ninyo ang inyong ama upang akin naman siyang makilala; alam kong para sa akin at sa akin din mga kabansa ay hindi nasayang ang ipinaglaban ninyong mga Pilipino.
Malaki din ang aming pag-asa sa kabutihanng dala ng mga Amerikano. tuloy ang aming pananalangin sa aming Diyos gayon din naman ang mas marubdob ninyong pagkapit sa inyong Hesus. Lahat tayo ay kapwa nag-aasam ng mabuting buhay. Nauunawaan ko din ang ginawang pagpili ng inyong ama na isakripisyo at ipagkatiwala sa mga Amerikano ang kalayaan, lubos akong nagpapasalamat at walang nangyaring masama sa inyong ama.
Ang inyong ina ay labis kong aalalahanin hanggat ako'y nabubuhay at kayong kanyang mga biyaya at biyaya ko na rin at sana huwag kayong makalimot lalo na kung kayo man ay mangailangan. Ipagtanong ninyo lamang ako sa Binondo at ako ay madaling mapuntahan sapagkat kilala ako ng marami.
"Marami pong salamat alam po naming pare-pareho tayong may iisang layunin." Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng aking mga luha, magkahalong tuwa at pagkabalisa ang nadarama ko ng mga oras na iyon habang pinagmamasdan ko si Susan na walang tigil ang kanyang mga mata sa pagmasid sa paligid.
"Kuya Ramon!, Kuya! tila na-aaninag ko si Amang sa hindi kalayuan!" isang lalake ang abala sa isang sulok at nagiinspeksyon ng mga bagahe at mga produktong lulan ng kaninang bangkang aming sinakyan. Iniwan naming magkapatid dala ang isang pirasong papel na naglalaman ng sulat ng tirahan ng butihing Intsik na si Mai Lee na may buong ngiti at pagpapasalamat namin siyang nilisan.
BINABASA MO ANG
Ragasa 1898
Historical Fiction1898: Taon na inakala ng lahat ay ang pagtatapos ng pagdurusa ng marami sa nakaraang mahigit tatlong siglo sa ilalim ng pananahan ng Espanya. Mula sa pagkasawi sa laban ng mga rebolusyonaryo sa Maynila at hindi nagtagal ay ang pagsunod na pagkakagap...