Matagal na akong hindi nakakapag-update dito sorry.
Bawi na lang po ako. Hope you like it.
-------------------------------------------------------------------
Naranasan mo na bang maglakad ng mag-isa sa isang napakadilim na eskinita? At alam mong delikado kung dito ka dadaan pero 'yun na lamang kase ang natitirang daan pauwi sa inyo pero hindi iyon ang iyong ikinakatakot.
Natatakot ka kase nalaman mong tuwing dis-oras ng gabi may isang lalaki na may hawak ng itak at ang mas malala pa nito pinupugutan nito ang kung sino mang makita nito.
Yan ang nangyari kay Jas.......
Late na siya sa kankyang pag-uwi dahil sa may tinapos pa sila ng kaniyang mga ka-groupmates na project.
Bumaba na si Jas sa sinakyan niyang jeep at nag-aalinlangan siya kung dadaan ba siya sa isang eskinita na madilim at hindi lamang iyon may napapabalita kase sa kanila na may isang lalake na tuwing dis-oras ng gabi ang may hawak ng itak at kung sino man ang makita nito ay pupugutan nito ng ulo.
Nag-dadalawang isip man itinuloy ni Jas ang pagdaan sa eskinita, mabilis ang ginawa niyang paglakad na para bang tumatakbo siya dahil na rin sa kaniyang nadaramang takot at kaba.
Naglalaro na rin sa kaniyang imahinasyon na baka nasa likuran na niya ito at baka kapag lumingon siya ay doon na matapos ang kaniyang buhay.
Medyo malayo pa siya sa kaniyang tinitirhan na dorm nang maramdaman niyang parang may sumusunod sa kaniya. Lalo niya pang binilisan ang paglalakad at mas binilisan pa niya ng may marinig na siyang parang isang bagay na sinasadyang isayad sa lupa.
Doon ay tumakbo na siya at nang maramdaman niya ring tumakbo rin ang taong nakasunod sa kaniya ay mas binilisan pa nya ang kanyang pagtakbo.
Natatanaw na ni Jas ang kaniyang tinutuluyan na dorm. Takot siyang lumingon dahil baka sa paglingon niya ay matapos na nang tuluyan ang kaniyang buhay pero kapag minamalas ka nga naman nadapa pa siya.
Napalingon siya sa kaniyang likuran at malapit na sa kaniya ang lalaking may hawak na itak.
Nagsimula na siyang pumikit at nagdasal na sana hindi ay pa siya mamatay dahil marami pa siyang pangarap sa buhay pero kung hanggang dito na lang talaga ang kaniyang buhay ay tatanggapin na lamang niya ito.
Napasigaw siya sa takot nang may nagpatong ng kamay sa kaniyang balikat kaya agad siyang napadilat at nang makita nya ng taong iyon agad nya itong niyakap at nagsimulang umiyak. Siya ay si George, ang matalik niyang kaibigan.
Pinatahan siya ng kaibigan na si George at nang mapagod ay tumigil na rin ito sa pag-iyak.
Napalingon siya sa likod ng kaniyang kaibigan at wala na roon ang lalakeng may hawak na itak. Nakahinga siya ng maluwag at inalalayan naman sya ni George na tumayo at ihatid na ito sa kaniyang dorm.
Kinabukasan ay tinanong siya ni George kung ano ba talaga ang nangyari at dahil sa kaibigan niya naman ito ay sinabi niya ns rin ang nangyari sa kanya. At pinayuhan ako ni George na huwag na raw akong uuwi ng dis-oras ng gabi lalo na't kung mag-isa lang daw ako. Sinabi rin nito na sabay na kaming uuwi at tawagan lamang siya kung kailangan ko raw ng tulong. Agad naman akong tumango sa kaniya.
Simula noon hindi na talaga ako umuwi ng mag-isa lalo na't kung dis-oras ng gabi.
---The End---
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
Salamat sa mga naghintay sana hindi kayo magsawa. Hindi katulad niya. Charoooot!DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔
ParanormalIto ay mga kwentong puno ng kababalaghan. Ito rin ay pawang imahinasyon lamang ni Author at ang iba naman ay pawang katotohanan. Huwag mo ng tangkain pang basahin kung mahina ang iyong loob at baka hindi ka na makatulog. Pero kung matapang ka tara a...