Isang araw nasa kwarto lamang si Aji ng kanilang bahay na abalang-abala sa pagbabasa ng isang istorya sa Wattpad at ang kaniyang kaisa-isang pamangkin na si Archie na anim na taong gulang ay abalang-abala rin sa paglalaro ng kaniyang kotse-kotsehan. Matalinong bata at magiliw si Archie kaya naman magkasundong-sundo sila ni Aji.
Pina-bantay muna kase ng Ate ni Aji na si Abby ang kaniyang anak na si Archie dahil may bibilhin siya sa palengke. Wala din kase ang asawa nito dahil nagtatrabaho ito at maski ang mga magulang nila Aji ay hindi rin pwede.
nang biglang...
"Tita Aji lalabas lang po ako." sabi ni Achie.
"At saan ka pupunta?" tanong naman ni Aji sa kaniya.
"Diyan lamang po tita at makikipaglaro po sa mga kalaro." magalang naman na sagot niya.
"O sige, basta huwag ka lamang lalayo ah!" mahigpit na bilin ni Aji.
"Opo tita, salamat po." at ito ay gumayak na palabas.
Nagpatuloy na si Aji sa pagbabasa. Kinikilig na nga sya eh! To the point na nagwawala na siya na parang isang baliw nang biglang mapatigil si Aji sa kaniyang narinig.
~*Screeeeeeeeech
Laking gulat niya ng makarinig siya ng parang banggaan. Oo rinig nya kahit na nasa second floor siya ng bahay nila. Dali dali itong lumabas. Napatingin siya sa labas ng kanilang gate.
"Parang may pinagkakaguluhan ang mga tao sa harap namin ano kaya yun?" aniya nito sa kaniyang sarili.
"Archie...." nagulantang si Aji ng makita si Archie na nakahandusay sa kaniyang harap. Naliligo ito sa sarili nitong dugo. Basag din ang noo nito dahil sa impact ng nakabanggang kotse sa kaniya.
"T-tulungan niyo ko... dalhin natin sya sa o-ospital." naiiyak na pagkaka-sabi ni Aji. Agad namang natauhan ang mga tao at tumawag sila ng ambulansya. At nang makarating ang ambulansya ay agad-agad nilang dinala si Archie sa pinakamalapit na hospital.
Tinawagan na rin ni Aji ang kaniyang ate ganundin ang kanyang kuya na si Jerry, asawa ng kaniyang ate.
"ANONG NANGYARI HA AJI?! ANONG NANGYARI SA ANAK KO?!" napatingin si Aji sa kaniyang ate na papalapit sa kaniya at base sa reaksyon nito ay kita mo ang galit at poot.
"Hon, calm down nasa hospital tayo." pagpapakalma sa kaniya ng kaniyang asawa.
"ANONG CALM DOWN CALM DOWN?! NASA PILIGRO ANG BUHAY NG ANAK NATIN JERRY AT KASALANAN ITO NI AJI! HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD AJI KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA ANAK KO!" nanggagalaiting sa galit na sigaw sa kaniya ni Abby.
"Kayo po ba ang magulang ng pasyente?" biglang lumabas ang doktor na gumagamot kay Archie.
"Ako po ang nanay niya." sabi ni Abby na nag-aalala na.
"Sorry po Misis... dead on arrival po ang anak niyo." malungkot na pagkakasabi ng Doktor.
"P-patay na ang a-anak ko? HINDI PWEDE! GAWIN NYO ANG LAHAT! MAGBABAYAD AKO KAHIT NA MAGKANO BASTA BUHAYIN NIYO LANG ang anak ko..." wala ng nagawa si Abby ng sinabi ng doctor na patay na talaga si Archie.
"A-ate..." tanging nasabi na lamang ni Aji.
"KASALANAN MO 'TO! DIBA SINABI KO BANTAYAN MO SIYA?! ANONG GINAWA MO? INUUNA MO NA NAMAN 'YANG SARILI MO! SIMPLENG PAG-BANTAY LANG HINDI MO PA NAGAWA!" galit pa rin na pagkakasabi ni Abby sa kaniyang kapatid.
"Hon, t-tama na." maski si Jerry ay nasasaktan din. Hindi naman niya magawang sisihin si Aji dahil alam niyang aksidente ang nangyari at walang may gusto nito.
"HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD! TANDAAN MO YAN!" 'yun lang at pumunta na si Abby kasama ang kaniyang asawa na si Jerry sa morge.
"S-sorry ate.." naiwan si Aji na umiiyak doon.
*****
Araw na ng libing ni Archie. Gustuhin mang pumunta ni Aji sa lamay ng kaniyang pamangkin ay hindi niya magawa dahil lagi siyang pinapa-alis ng kaniyang ate. Nalaman din ito ng mga magulang nila Aji at maski sila ay may tampo sa kaniya. Kaisa-isa lang naman kase nilang apo si Archie ngunit nawala pa ito.
Nasa malayo lang si Aji, nakatanaw habang unti-unti ng inililibing ang kaniyang pamangkin. Kita niya rin ang kanyang ate na nagwawala na. Dinadamayan naman siya ng kanyang asawa.
"Sorry ate.. sorry Baby..." yun lang at umalis na si Aji doon dahil baka makita pa siya ng kaniyang ate.
Nasa tapat na ng bahay nila si Aji.. dito namatay ang kaniyang pamangkin. Bumili si Aji ng kandila sa tindihan at nagtirik ito ng kandila sa mismong pwesto kung saan namatay si Archie. Nagdasal muna siya at pumasok na sa kanilang bahay.
Nasa kwarto na niya si Aji.... napaupo na lamang ito sa kaniyang kama. At doon umiyak ng umiyak. At hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya dahil sa pagod.
Madaling araw na nang maalimpungatan si Aji ng may marinig siya na parang may tumatawag sa kaniyang pangalan.
"Tita Aji..." napadilat si Aji ng makilala ang tumatawag sa kaniya.
"Baby Archie..." napa-iyak na ng tuluyan si Aji sa kaniyang nakikita. Suot pa rin nito ang kaniyang sinuot bago ito mamatay. Andoon pa rin ang biyak nito sa noo na may dugo pa.
Nabigla si Aji ng lumabas ito ng kaniyang kwarto kaya naman sinundan nya ito.
"Teka sandali Archie!" sigaw ni Aji. Huminto naman si Archie sa pwesto kung saan siya namatay.
"Wag kang mag-alala Tita Aji hindi po ako galit sa inyo at pangako ko po mapapatawad ka din po nila." 'yun lamang at bigla na lamang nag-laho ng parang bula si Archie.
"Sana Archie... sana..."
---THE END---
BINABASA MO ANG
MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔
ParanormalneIto ay mga kwentong puno ng kababalaghan. Ito rin ay pawang imahinasyon lamang ni Author at ang iba naman ay pawang katotohanan. Huwag mo ng tangkain pang basahin kung mahina ang iyong loob at baka hindi ka na makatulog. Pero kung matapang ka tara a...