Nov. 1 na po! Uso na naman yang mukha mo LOL. (ang sama ko talaga xD)
Sige na magbasa ka na and DON'T FORGET to VOTE and COMMENT.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako si Joyce at isa akong nurse sa isang kilalang hospital noon dito sa Manila, iku-kwento ko sa inyo ang aking karanasan noong ako ay nagtatrabaho pa lamang doon sa hospital na pinapasukan ko dati.
FLASHBACK
Madaling araw na nun nang ako'y utusan ni Nurse Jen na nasa 40's na ang edad ngunit hindi mo naman ito mahahalata dahil sa ganda ng kaniyang kutis.
"Joyce pwede bang kunin mo iyong mga gamot sa storage room?" tanong sa akin ni Nurse Jen.
"Aba opo naman Nurse Jen, sige po." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Salamat Joyce." sabi niya at umalis na, ako naman ay gumayak na sa storage room.
Nang nandun na ako ay dali-dali kong kinuha ang pinapakuha ni Nurse Jen at agad ko naman itong nakita; palabas na ako nun ng storage nang ako'y mapatigil dahil nakita kong hindi naka-lock ang isang cabinet doon.
kaya naman ibinaba ko muna ang kahon na hawak ko na may lamang gamot at pumunta sa cabinet para isarado sana iyon.
Nang mapansin kong may laman ito ay napatigil ako. Kaya binuksan ko pa ng maigi ang cabinet at nakita ko mula roon ang isang teddy bear, maayos pa naman siya at konting linis lamang ay magmumukha na itong bago.
Kinuha ko ito sa kinalalagyan niya, wala naman sigurong may-ari nito kase nakatambak lamang ito dito. At magpapa-alam ako kay Nurse Jen kung pwedeng akin na lamang ito.
Binuhat ko na ulit ang kahon ng gamot na pinapakuha ni Nurse Jen at yung teddy bear na hawak ko at tuluyan na akong umalis doon.
Pagkarating sa Nurse Station nilapag ko muna sa isang tabi ang teddy bear na nakita ko at pumunta kay Nurse Jen.
"Nurse Jen ito na po ang pinapakuha ninyo." sabi ko kay Nurse Jen.
"Ay salamat Joyce, sige pakilagay na lamang diyan iha." sabi niya sa akin at itinuro kung saan ko ilalagay ang kahon na hawak ko.
"Sige po Nurse Jen ako'y mauuna na po." pagpapa-alam ko kay Nurse Jen.
"Sige salamat ulit iha." sabi nya at ngumiti sa akin.
"Walang anuman po." at tuluyan na akong umalis doon.
Kinuha ko ang teddy bear na nakita ko at ito ay dali-dali kong nilinis at nang matapos kong malinis ang teddy bear ay tama nga ako maganda siya at nag-mukhang bago-bago, papatuyuin ko na lamang ito at ayos na ito.
"Trish pwede ba akong makahiram ng blower mo?" tanong ko kay Trish nurse din siya dito.
"Sure. andyan lang sa bag ko hanapin mo na lang." sabi niya sa akin at ako naman ay hinanap ang blower niya at nang makita ko ito ay agad ko itong ginamit upang matuyo agad ang teddy bear na nakita ko.
Tapos ko ng linisin ang teddy bear na nakita ko ng magulat ako sa biglaang sigaw ni Nurse Jen, buti walang masyadong tao dito.
"Joyce saan mo nakuha iyan?" tanong niya sa akin.
"Sa storage room po, nakita ko pong nakatambak lang doon kaya naisip kong kung walang nagmamay-ari ay magpapaalam po sana ako kung p-pwedeng akin na lamang po ito?" pagtatanong ko sa kanya.
"Alam mo ba na yang teddy bear na iyan ay pagmamay-ari ng isang pitong taon gulang na batang babae na may sakit na cancer noon dito sa hospital natin?" sabi nya sa akin na ikinagulat ko naman.
"Noon po?" tanong ko sa kanya.
"Oo noon, namatay ang batang may-ari niyan dahil sa hindi na niya nakayanan ang sakit niya. Naiwan ng pamilya niya ang teddy bear na iyan dito at sinasabi ng iba na lumipat daw ang kaluluwa ng bata diyan sa teddy bear na iyan dahil kapag nilagay mo daw 'yan sa kwarto ng kung sino mang may sakit dito sa hospital ay mawawalan na ito ng buhay dahil kinukuha daw ng laryan na iyan ang mga kaluluwa na nakukuha nya. Hindi na nga malaman kung ilan na ang nakuha nyan eh." mahabang kwento sa akin ni Nurse Jen na siya namang nagpataas ng aking balahibo.
"P-po?" wala akong masabi nakakatakot pala ang teddy bear na ito.
"Hindi naman sa tinatakot kita Joyce pero yun yung totoo, ikaw ang bahala kung gusto mo iyan. Sige sayo na tutal wala namang gumagamit niyan at nakatambak lang naman sa storage room." sabi sa akin ni Nurse Jen.
"Nga pala mauuna na ko Joyce kailangan pa ako ng pasyente ko." at umalis na si Nurse Jen.
Tahimik lamang ako, nakatulala pero natauhan ako nang makita kong umiilaw ang kwarto ni Lola Genieve ibig sabihin may kailangan siya, kaya agad-agad akong pumunta roon.
Nakita ko siyang nahihirapan ng huminga kaya dali-dali kong tinawag ang doktor upang gamutin siya. Malapit ang loob ko kay Lola Genieve parang totoong lola ko na nga siya kung tutuusin, si lola ay may sakit sa baga kaya naman hirap siyang huminga.
Nagamot na siya ng doktor kaya ako nalamang ang naiwan dito sa kaniyang kwarto. Hinaplos ko ang kaniyang mga namumuti ng buhok wala ng nag-aalaga kay Lola Genieve na kamag-anak niya ni hindi nga sya dinadalaw ng mga ito dito eh. Nakakalungkot.
Habang ako'y busy sa paghaplos ng kaniyang buhok bigla kong naalala ang kinuwento sa akin ni Nurse Jen, na kung itatabi mo daw ang teddy bear sa isang may sakit ay kukunin na nito ang buhay mo.
Napa-isip ako ayaw ko ng makitang nahihirapan si lola, ayaw ko mang gawin ito ngunit para naman ito sa kanya. Lumabas ako ng kwartong iyon at kinuha ang teddy bear at dinala sa kwarto ni lola at ito ay itinabi sa kanya.
Naiiyak ako parang pumapatay ako ng tao ngunit bago pa magbago ang isip ko ay lumabas na ako sa kwarto na iyon. Sana matamo mo ang katahimikan lola.
KINABUKASAN
Papunta na sana ako kay lola dahil oras na para sa pag-inom niya ng gamot, pero nagulat ako ng makitang andoon si Trish. Nililigpit ang higaan ni lola,
"Trish bakit mo nililigpit 'yan? nasaan si Lola Geneive?" sana mali ang akala ko, sana hindi pa patay si lola.
"Ikinalulungkot ko Joyce pero wala na si Lola Geneive." malungkot na sabi niya sa akin.
"Ha? paano? nasaan 'yung teddy bear? yung sa tabi nya?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Hindi na siya nagising Joyce at teddy bear? wala akong nakita dito." sabi niya sa akin na siya namang ikinagulat ko.
"Ha? ay sige mauuna na ako." at agad akong umalis at pumunta ng storage room kung saan ko nakita ang teddy bear pero nadismaya ako ng makitang naka-lock na ang cabinet.
*********
Di ko alam kung andun pa rin 'yung teddy bear na iyon umalis na kase ako doon matapos akong makapag-asawa ng isang doktor. Pero nagtataka pa rin ako kung yung teddy bear ba talaga ang kumuha sa buhay ni Lola Genieve o nagkataon lamang iyon?-----THE END----
BINABASA MO ANG
MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔
ParanormalIto ay mga kwentong puno ng kababalaghan. Ito rin ay pawang imahinasyon lamang ni Author at ang iba naman ay pawang katotohanan. Huwag mo ng tangkain pang basahin kung mahina ang iyong loob at baka hindi ka na makatulog. Pero kung matapang ka tara a...