Kama

196 5 0
                                    

Sorry po kung ngayon lang nakapag-update. Dami kong iniisip kaya sabaw ako ngayon.

Bawi na lang ako, sana magustuhan niyo.

---------------------------------------------------
Jade's POV

Mahilig talaga ako sa mga antigong mga bagay. Sa katunayan nga ay marami na ang koleksyon ko nito. Ngunit hindi ko alam na sa pagkahilig kong ito ay siya namang may mangyayaring kagimbal-gimbal sa akin.

Ako si Jade at ito ang aking istorya....
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

*engk* *engk*

naalimpungatan ako ng marinig ko ang ingay ng kama ko. bawat galaw ko kase nag-iingay ito. kaya mabu-bwesit ka talaga.

"Aish! ano ba yan! ang ingay naman nito!" Napalingon ako sa alarm clock ko at nang makitang alas-2 pa lang ng madaling araw mas lalo akong nabwisit.

"Syeteee! woooo! pagtiisan mo muna Jade. bibili ka naman na ng bago mamaya eh." aniya ulit sa sarili at bumalik na sa pag-tulog.


"Oh kuya paki-ingatan ah? sige po pakidala na lang po dito sa kwarto ko." magalang kong utos habang ginuguide sila kuya sa kwarto ko.

"Eto po kuya pang-kain nyo, salamat po." binigyan ko sila ng 200 para makapagtanghalian at pagkatapos 'nun ay umalis na rin sila. Hays! grabe halos 2,000 din ang bili ko dito ah? nga pala antique itong nabili ko dahil mura kumpara sa mga kama diyan sa mall. Okay na rin maganda naman siya dahil gawa sa kahoy kaya matibay talaga, lalagyan ko pa pala 'to ng foam. Maayos na nga.

Makalipas ang isang oras na pag-aayos dito ay 'di ko namalayang unti-unti akong dinalaw ng antok siguro sa pagod na rin.

Zzzzzzzzzzzz!

Naalimpungatan ako na para bang may nakayakap sa akin. ay baka unan ko lang yun... hmmmmm... dinama ko pa ang malambot kong unan... waaaaah! ang lambot pero bakit ang baho? kalalaba ko lang nito ah?

Doon nagbukas na talaga ako ng mga mata ko at napasigaw ako sa aking nakita....

"Waaaaaaaah! tulong-tulong! waaaaaaaah!" isa siyang babae na dilat na dilat ang mga mata, tapos nakanga-nga siya na labas ang dila. Waaaaaah! ayaw niya akong bitawan... nakayakap pa rin sya sakin!

"Waaaaaah! a-ano bang kailangan mo?" naiiyak ko ng sabi habang pilit pa ring inaalis ang pagkakayakap niya sa akin pero masyado siyang malakas kaya hindi ko magawa kaya mas lalo akong kinabahan at umiyak sa takot. Pleaseeeee! kung bangungot man 'to sana magising na ako. T.T

And with that may bigla na lang lumitaw na parang monitor sa taas, hala ano 'to? nagulat ako ng biglang may nag-play na ewan parang pangyayari ito in the past. Ito siguro yung nangyari bago siya mamatay.

Napatakip ako ng bibig sa aking nakita, yung babaeng ito ay umiiyak sa video may kasama siyanh isang lalake na tinawag niyang tatay.... wait tatay?  O.o

Doon nakita ko kung paano siya walang awang sampalin, sabunutan at bugbugin ng kaniyang sariling ama... Nagmamakaawa siya na tigilan na ito pero parang bingi ang lalake at mas nilakasan pa ang pambubogbug dito. Napahiga sa kama yung babae at 'yung tatay naman niya ay dumagan sa kaniya at sinakal siya hanggang sa malagutan ito ng hininga.... at doon natapos ang palabas.


P-pero bakit?

Tulala pa rin ako at hindi ko alam ang sasabihin sa babaeng nasa harap ko.

"Patahimikin mo na ako...." 'yun lang ang sinabi niya at bigla nalang syang nawala.

Doon napahagulgul ako sa iyak... akala ko gagawin niya rin sa akin 'yung ginawa sa kaniya ng tatay niya... akala ko mamatay na ako... akala ko huhuhuhu.... ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko.... pero gusto na niyang manahimik 'yun lang ang gusto niya. Sige kung 'yan ang gusto mo ay gagawin ko.


Kinaumagahan pinabindisyunan ko ang kama at sana matahimik na nga siya. Sana makita na nkya ang kapayapaang hinahanap niya sa piling ni Lord.

"Thank you po ulit Father." pasalamat ko at sumakay na si Father sa van nila.

Sana mapanatag na sya at sana maging ayos na rin ang pamumuhay ko.....


Sorry sa nangyari sayo at sana maging masaya ka na......




---THE END---


MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon