Bus Station

218 4 0
                                    

Naghihintay ako ng masasakyan sa isang bus station upang maka-uwi na nag-overtime kase kaming grupo para matapos na namin 'yung pinapagawang project sa amin ng prof namin na ang deadline ay bukas na so kailangan talagang tapusin, terror pa naman 'yun.

Ilang minuto na akong naka-upo wala pa ring bus. Anong oras na? 10pm na at nakakatakot kase ako lang ang mag-isa dito na naka-upo.

Ngunit para maibsan ang nadaramang pagkatakot pinanood ko na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa aking harapan ngunit habang ginagawa ko iyon may tumabi sa aking babae naka-nurse uniform siya.

Napatingin ako sa kaniya wala na siyang sumbrero na isinusuot ng mga nurse sa ulo. Nakalugay ang kaniyang kulot na buhok na hanggang dibdib ang haba. Maputi ang kaniyang balat na akala mo'y parang patay na sa sobrang puti.

Nagtataka ako kase nakayuko siya na para bang ayaw niyang ipakita ang kaniyang mukha at itinatago niya ito sa kaniyang buhok napansin ko rin ang ilang gasgas sa kaniyang mga braso at binti. Anong nangyari sa kaniya?

Ngunit kesa naman sa takutin ko ang sarili ko ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

"Grabe naman 'yung bus na 'yun ang tagal." aniya ko sa aking sarili sabay buntong hininga.

"*hik* huhuhu..." napatingin ako dun sa nurse ng marinig ko siyang humahagulgol.

"Ate okay ka lang?" ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya sa halip mas naging malakas pa ang kaniyang paghagulgol.

Agad naman akong kumuha ng panyo sa aking bag para maipunas niya sa kaniyang mata.

Ako ay tumayo at lumapit sa kaniya pero napansin ko na habang palapit ako ng palapit sa kanya unti unti namang nanlalamig ang pakiramdam ko pero hindi ko na ito binigyan ng kahulugan pa.

"Eto ate oh." sabi ko sabay abot ng panyo sa kaniya.

"Wala na kami... ipinagpalit nya ako sa iba." nagulat ako sa biglang pagsasalita niya pero ano daw? iniwan sya? siguro naghiwalay sila ng boyfriend nya.

"B-bakit daw po?" kinakabahang tanong ko nag-iiba na kase 'yung pakiramdam ko na tila ba'y may mangyayaring masama.

"Wala na daw akong oras sa kaniya *hik* puro trabaho na lang daw ako kaya naghanap siya ng iba *hik*." umiiyak pa rin na pagkakasabi niya na nakayuko sa akin at ang kaniyang dalawang kamay ay nakatakip sa kaniyang mukha.

"Hindi naman siguro sapat na dahilan iyon para iwan ka nya.. pwede naman kaseng mapag-usapan 'yun eh." pagpapayo ko sa kanya, naku! hindi pa naman ako magaling dito.

"Wala na sya ... *hik* yung buhay ko .. wala na rin sigurong saysay kung mabubuhay pa ako *hik*." agad siyang tumayo at naglakad siya papuntang kalsada pipigilan ko na sana siya ng bigla siyang lumingon sa akin ... isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Napalingon ako sa papadaang sasakyan at nakita ko siyang napalingon dito.

Laking gulat ko ng bigla siyang tumalon at kasabay nun ay ang pagkabunggo ng kaniyang katawan sa dumaang sasakyan.

Kita ko kung paano siya gumulong papunta sa bubong ng sasakyan na iyon at ang pagbagsak niya sa lupa.

Tila nabingi ata ako sa ingay ng mga tao at ng mga sasakyan.. nanlalaki pa rin ang aking mga mata na nakatingin sa kaniyang duguan na katawan. Ganoon din siya sa akin. Dilat ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin ngunit wala na siyang buhay.

Ang daming dugo ang nagkalat sa kaniyang pwesto. Nanlaki ang mga mata ko nang may dumaan na namang sasakyan at narinig ko kung paano nabali ang kaniyang mga buto dahil doon kita ko na sa kaniyang bibig ang paglabas ng dugo ganun din sa kanyang ulo na alam kong basag na rin.

gusto ko mang alisin ang paningin ko sa kaniya ngunit wala akong magawa tila ba'y namagnet ang aking mga mata sa kaniya.

Sabayan mo pa na nakatitig sa akin ang kaniyang mga dilat na dilat na mga mata... nakakakilabot.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng daanan siya ng isang bus. Wala na... baling bali na talaga ang kaniyang katawan puno na rin ng dugo ang ito ganoon din ang kaniyang pwesto.

"Miss ano sasakay ka ba?" napatingin ako dun sa konduktor ng bus andito na pala ang kanina ko pang inaantay. Kung kanina pa sila dumating edi sana hindi ko nakita ang mga ganoong mga pangyayari.

Napatingin ako sa ilalim ng bus kung saan naandoon pa rin 'yung nurse... pero bakit ganun? hindi ba nila nakita iyong babae?

"Miss ano ba?! iiwan ka na namin." nagising ako sa reyalidad ng biglang sumigaw ang kundoktor.

"Ah e-eto na po." halos magkabulol-bulol ako habang nagsasalita at nagmamadaling sumakay sa bus at sa pinakalikod ako sumakay.

Nagsimula ng umaandar ang bus at hindi ko alam ngunit napalingon ako sa likod ko at laking gulat ko ng wala na roon ang nurse pati na rin ang mga dugo wala na rin.



A-anong n-nangyari?......




---THE END---

--------------------------------------------
Sorry for waiting... masyadong busy, ang daming pinapagawa ng mga teachers lalo na sa TLE. Porket next week wala ng pasok. -,-

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon