Di ko alam kung kelan ako mag-aUPDATE pero salamat sa mga bumabasa. I love you guys !
WARNING! ANOTHER SHORT UPDATE!!
---
Yung moment na feeling mo laging may nakatingin sayo na lahat ng gagawin mo alam niya.
'Yan ang nararamdaman ni Haydn, sa bawat kilos niya raw kase ay parang may nakamasid parati sa kaniya.
Isang araw daw, habang natutulog si Haydn parang may nararamdaman siyang may nakatingin na naman sa kaniya kaya agad niyang binuksan ang kaniyang mga mata at doon niya nakita ang isang pares ng mga mata na nakasilip sa kaniyang naka-awang na pinto.
(A.N alam nyo yung patagilid na silip? yung mata niyo lang yung nakikita? Basta yun yun!)
Agad na kinabahan si Haydn "S-sino ka?!" Nagtatapatapangang tanong ni Haydn sa nakasilip sa kaniya. At tatayo na sana siya para lumapit dito pero agad naman itong nawala kaya dali daling binuksan ni Haydn ang pinto at inaasahang maabutan niya iyon pero wala na talaga.
Minsan nga habang nagpapalamig si Haydn sa tapat ng ref nila ay may nakita siyang nakasilip na naman sa kanya. patagilid na silip..... nakasilip ito sa bintana nila.
Lagi akong kinakabahan at natatakot sa mga pinaggagawa niya. Lalong-lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.. nakakatakot na.
---
Nagpapahinga ako nun mga bandang hapon dahil sa pagod at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Sa kalagitnaan ng aking pagtulog andiyan na naman yung pakiramdam na may nakatingin sayo kaya nakiramdam ako sa paligid at alam kong gabi na dahil sa mga tunong ng iba't-ibang mga insekto sa labas.
Naramdaman kong tumabi sa akin ang isang hindi ko alam kung sino o kung ano. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi nakaramdam ako ng kaba at takot gusto ko sanang malaman kung sino iyon pero napagdesisyunan kong magtulog-tulugan.
Kinumutan ako ng misteryosong nilalang na iyon at laking gulat ko ng bigla syang nagsalita sa tenga ko..... "Alam kong gising ka Haydn." at kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ay siya niya ring pagkawala.
---THE END---
BINABASA MO ANG
MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔
ParanormalIto ay mga kwentong puno ng kababalaghan. Ito rin ay pawang imahinasyon lamang ni Author at ang iba naman ay pawang katotohanan. Huwag mo ng tangkain pang basahin kung mahina ang iyong loob at baka hindi ka na makatulog. Pero kung matapang ka tara a...