Part 1

16 1 0
                                    

Patty's POV

"Tay papasok na po ako. Malili-late na po ako! Sa school na po ako kakain!"

"Sige anak! Magiingat ka! Wag kang papagutom baka mangayayat ka lalo!"

"Ok po tay! Kayo din po! Love you!"

"Love you too anak!"

Oh diba halatang mahinahon kaming magusap ng tatay ko. Sweet ika nga.
Muntik na ako ma-late dahil sa kaka emote ko kagabi hindi ako agad nakagising. Nag-alarm akong 5:30 inadjust kong 6:00 hanggang nag 6:30 at ang ending 7:30 ako nakabangon at ang pasok is 8:30. So alam niyo na kung anong klaseng ligo ang ginawa ko?. Hahahaha!

Nasa classroom na ako. Puro pawis ako as usual mataba eh! Haggard na haggard look ako pagdating sa school buti na lang late si Mrs. Rivera. Hay! Kung alam ko lang di ako nagmadali at hindi ako nagugutom ngayon. Anong oras pa yung break.

Magiisang oras na wala pa din si Mrs. Rivera nagdecide na ako na kumain muna at pumunta ng canteen. Niyaya ko si Renz. Siya lang naman kasi ang hindi sakin nakakatiis.

"Patty ano ka ba baka magkasalisi tayo ni Mrs. Rivera"

"Eh hindi na talaga kaya ng tiyan ko"

"Eh kasi naman dapat diyan sa mga alaga mo mag diet din"

"Sige pa! Maginsulto ka pa. Babatukan na kita kasama ng mga posters mo ng crush mo sa kwarto mo!"

"Aba! At pano nadamay ang kwarto ko! At higit sa lahat pano nadamay ang namumulaklak kung lovelife?"

"Ewan sayo. Please join me na. Gutom na talaga ako"

"Sige na nga. Tara na. Kung hindi ka lang baboy este bestfriend ko hindi talaga kita sasamahan"

"Good. Lilibre na lang kita para tumigil ka na"

"Eh kung ganun ba naman usapan kahit umabsent na tayo dun na lang tayo sa canteen ok na saken"

"Loko ka talaga!"

Nakarating na kame sa canteen. Walang pila alanganing oras na kasi.

Umorder ako ng 1 cup of fried rice. 1 fried egg with bacon. Burger and Chocolate drink. Pumili na din si Renz. Sandwich lang at coffee sa kanya. Nahiya naman ako.

"Patty? Kelan ka ba last na kumain?"

"Anong klaseng tanong yan?"

"Basta sagutin mo"

"Eh di kagabi"

"Parang nung isang gabi ka pa kasi di kumakain. Kung maka order ka!"

Inisnob ko lang si Renz. After kung kumain tyaka lang ako na guilty. As usual. Sabi ko na naman.

Magda-diet na talaga ako!!!!

Ang walang kakupas kupas kung dialogue.

WEIGHT NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon