PATTY'S POV

2 1 0
                                    

Patapos na kami sa decorations and we are just in time. Medyo napagod ako and as usual and as normal naligo ako sa sarili kong pawis. Lumabas ata lahat ng good and bad cholesterol ko.

Finishing touches na lang tsaka dumating si Cath. So medyo nainis ako ng slight lang naman dahil hindi man lang siya napagod at nagmukhang basahan.

"Hi! Cath!, bat dumating ka pa?!"

"Your so mean talaga Patty. Dumaan pa kasi si Dad to give me my happiness"

"Happiness? You mean binigay niya sayo si Bry...."

Napatigil na ako dun kasi nasa paligid lang pala si Bryan. I got carried away, eto naman kasing si Cath makapag-term eh.

"Gaga ka talaga Patty. Muntik ka na. Syempre yung allowance ko"

"Seriously? Kelan pa nagka time si Tito Ramon para ihatid pa sayo yung allowance mo?"

"Just today. No, just kidding. Dadaan din naman kasi dito si Dad for some school donations. You know?. So ayun!"

"Taray! Yaman talaga ng BFF ko"

"Sila, hindi ako yung mayaman"

"Ganun na din yun friend. Ikaw din magmamana nun. Just give me some if you want"

Sabay tawanan kami ni Cath.

Habang nagtatawanan kami napansin kong seryosong nakatitig saken si Bryan.

"Ui!! 'bat ganyan ka makatingin. May nagawa ba akong masama sayo?"

"Sa tingin mo?"

"Wala!, kasi wala naman akong maalalang ginawa ko sayong masama para umemote ka ng ganyan"

Actually alam ko na naman na dahil yun kanina, pero ayoko namang mag feeling na sabihin na kaya siya nagagalit dahil dun. Masisira yung image ko 'noh! Haha!

"Wala nga! Sino bang may sabing may ginawa ka?"

"Eh bat nga ganyan ka?, may sakit ka ba? Problema? Sabihin mo kaya saken, why do we call each other as bestfriends if you don't want to share things to me?"

"Yes, we are just bestfriends, and that's just it!"

Sabay walk out si Bryan, I really don't understand him. First time ko siyang nakitang ganun. I mean he is really a protective bestfriend pero iba yung reaction niya ngayon. Wala nga akong problem sa lovelife pero sa bestfriend life meron. So unfair!!

WEIGHT NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon