Magsisimula na yung contest, sobrang kinakabahan na ako. Pero mas iniisip ko kung darating pa ba sa Cath. Nakakaloka nasa-stage na yung invited hosts tapos siya wala pa din?
Whats new Patty?
Biglang sambit ni Renz.
Pano kaya nalaman ni Renz iniisip ko.
"Friend kilala na kita, alam kong iniisip mo kung nasaan na o darating pa ba si Cath"
"Naks! naman! You really know me so much ah? Kahit kausap ko isip ko nakakasabay ka friend?"
"Of course! Ibang level ang katalinuhan at kagandahan ko. Bagay na bagay sa contest naten"
Sabay tawanan na parang wala ng bukas.
Nagsalita na si Loraine. Si Loraine yung invited host namin. Isang artista sa isang sikat na TV Network ang ABTV. Taray diba? Our school is really famous so kailangan sikat mga iniinvite sa mga events like this one.
Sobrang kinakabahan na ako. Pinagdadasal ko na walang magkamali,walang masira. Nasa ganung moment ako ng bigla akong bumalik s realidad. Bigla kasing may humawak ng kamay ko na sa mga oras na to ay nanlalamig na mamawis-mawis pa. Kadiri diba?
"Patty, relax, everything will be perfectly fine so as you are"
Wait? ano daw? as perfect as me?
"What? Sorry medyo maingay na kasi Bryan di ko masyado naintindihan"
Bingi-bingihan kahit dinig na dinig ko. hahaha!
"Wala, saba ko everything will be okay"
"Ahhh. Thank you bryan! You really know how to calm me down and make me feel good sa mga ganitong pagkakataon"
"Your welcome. Ikaw pa ba? You have my back sa lahat ng gagawin mo, even after you graduate,susuportahan kita sa kahit anong bagay na gagawin mo"
Na-touch ako sa sinabi ni Bryan, oo Bryan kasi lately hindi na niya ako tinatawag na Parks. May nagbago sa kanya pero okay pa din siya. Gulo diba? So eto na nga dahil lumaki puso ko sa sinabi niya bigla ko siyang niyakap and nag thank you
"Thank you Parks. For being so understanding, lovable lahat lahat na"
"Nothing to worry Patty. I am your bestfriend right?"
Iba yung dating at tono ng tanong niya. Pero sinagot ko na lang din.
"Yes. I will always be here for you as well. No matter what. Pumayat man ako at mahing FHM model I will still be your girl"
oooppppssss.... Bawi agad.
"A a a..I mean you bestfriend, right?"
Hindi na sumagot si Bryan pero niyakap niya ako ng mahigpit at alam kong hinalikan niya ako sa ulo. Ramdam na ramdam ko yung init ng hininga niya. Patay malisya na lang din ako. Kaya tinapik tapik ko na lang ng kamay ko ung balikat niya na kasalukuyang nangangalay na sa tagal naming magkayakap.
"Hoy!!! Mga walang hiya! Hindi niyo na nirespeto ang event na to, at dito pa kayo naglalampungan?"
Akala ko kung sino. Si Renz lang pala.
"Eto na magkahiwalay na oh"
"Bakit naging kayo na ba at maghihiwalay na kayo"
"Tumigil ka na nga jan, bakla ka talaga. Saang pelikula mo na naman nakuha yang mga linya mo?"
"Sarili ko lang. Walang ganung eksena sa pelikula ni Ms. Sharon Cuneta"
"Oo nga naman Patty, hindi ba pwedeng magaling lang 'tong kaibigan naten magsulat ng mga linya?"
BINABASA MO ANG
WEIGHT NO MORE
Teen FictionIn a world full of criticisms and negativism here comes a story that would give you a positive outlook in LIFE. We all have our own insecurities sabi nga nila nobody was created perfect. Almost perfect lang daw. It still different. Sa mundo where yo...