Kadarating ko lang ng school. Nakita ko na si Bryan and kasama niya si Cathy. Napasmile ako bigla sa tanawing yun. Alam ko na kung anong kwento mamaya ni Cath saken. Malamang sa hindi tungkol na naman yun kay Bryan. Ang babae nga naman pag tinamaan parang tinamaan ng hard drink. Parang baliw. Buti na lang safe ako from that thing. Well wala naman kasing nagkakandarapa saken na manligaw para kabaliwan ko. Pero Si Cathy hinahabol ng maraming lalake pero iba naman yung gusto niya. How unfair is life talaga. Kelan kaya ako hahabulin ng mga lalake??!
Nasa ganong moment ako ng marinig kung may sumisigaw ng pangalan ko na para bang may sunog at ako ang bumbero.
"Patty! Patty! Patty!"
Si Renz pala. Baklang 'toh talaga.
"Oh bakit? Saan may sunog?"
"What?! "
"Pa-what? What? Ka pa jan"
"Eto naman di ka na nasanay my sexy friend, ngayon lang ba tayo nagkakilala para magulat ka na sinisigawan kita? Kakaloka ka friend, kumain ka nga baka kulang pa yung kinain mong almusal"
Sabay tawa ng malakas ang bakla.
"Hoy! Diet na ako no, tsaka morning naman, there's nothing wrong on eating a lot"
"Oo. Kasi ibi-burn naman naten yan the whole day, tama diba? Yan yung sasabihin mo? 100,000x ko na yang nadinig sayo friend"
"Bakit nag disagree ba ako? Oo na ako na! Ako na! Ang mataba! At kayo na ang sexy! "
"Oo, kami talaga ang sexy at ikaw? Ikaw? Ikaw ang bench namen!
Hahahaha!
"Hoy Renz tandaan mo yang mga sinasabi mo ngayon, dahil bukas luluhod lahat ng mga tala"
"Bongga! Sharon Cubeta ikaw ba yan?"
"Oo, si Dorina ako, at dudurugin kita! "
Naghabulan kami bigla dahil gusto ko siyang batukan. Gusto ko siyang tirisin na parang lisa. Pero mukhang ako ata ang napahamak dahil as usual nadapa ako at higit sa lahat may tao palang na witness ang katangahan ko.
Nakakagulat man pero si Tom pala yung nasa labas ng pinto ng Student Council Area. BTW nasa SCA pala kami nagkita ni Renz, suppose to be nagaayos na kami ng kakailanganin for the Search later pero nauwi lang sa walang kwentang asaran at kutyaan. Back to Tom.
"Hi Tom! "
"Hi, okay ka lang ba Patty? "
"Yeah, I'm okay, it's a normal thing for me"
"Normal thing? What do you mean? "
"What I mean is, it's normal when I get out of balance and fell off"
"Oh I see, btw I came to inform you that the search will be earlier because of some adjustment on our judges schedule, If you know what I mean? "
"Yeah I understand"
Oo alam ko dahil artista din ako. Hahahaha! Artista kasi yung mga judges naman, famous school so why not invite famous people as well diba?
"I know you do"
"It's just that I'm not that ready, yung mga ididikit kasi dun sa stage, inaayos pa ni Renz"
Biglang sabat naman si Renz, nagpapapansin sa Ultimate Crush daw niya na si Tom.
"Don't worry Tom, Kayang-kaya ko to. Lalo pa ngayon nandito ka ginanahan ang beauty kung magtrabaho"
"Hoy! Renz! Tigil tigilan mo nga paglalandi mo. Do your thing first"
"Okay lang Patty, masaya ngang kausap 'tong si Renz"
"Nakahanap ka ng kakampi, pero lagot ka saken mamaya"
"Actually madami pa talaga kaming gagawin...
Hindi ko na natapos sasabihin ko ng biglang sumabat si Tom
"Tara?"
"What do you mean? "
"Tara na, simulan na naten to para matapos na."
Sabay hinawakan niya braso ko para alalayan ako papunta kay Renz na kasalukuyang abala sa kakagupit ng mga patterns
Nasa ganung posisyon kami ng dumating si Bryan na masama ata ang gising dahil ng lingunin ko siya matapos niya akong tawagin, nakasimangot siya. Hindi maipinta ang mukha ika nga. Pero cute pa rin.
"Hi Patty, Renz, hi pare"
"Hi Pare"
"Hi Papa Bryan"
"Oh, hi Bryan, mukhang masama gising naten ah you look problematic. Sino bang nang-away sayo?"
"Wala naman. Pagod lang"
Wow! Ang ikli ng sagot niya. Himala.
Bigla namang nagsalita si Tom.
"Bry, would you like to help us?"
Sabay tingin ni Tom sa mga nagkalat na papel,gunting, karton at iba pang gamit.
"Sure, basta for Patty, I'll do everything and anything"
"Wow ang sweet naman" ani ni Renz na mukhang tuwang-tuwa sa dalawang gwapong nasa paligid niya.
"Well, that's good Bry"
"Tara na Bryan, lets do this! "
Sabay akbay at hila ko kay Bryan para makapagsimula na
Sumabat na ako dahil weird yung mga galaw ni Bryan. I know him too well. Nagseselos siya, baka nakita niya kaming ganun ka close ni Tom. Haaay! Eto talagang bestfriend ko. As if naman type ako ni Tom or other guys para landiin nila ako. Why so protective?
Yan ang lagi kung tanong sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
WEIGHT NO MORE
Teen FictionIn a world full of criticisms and negativism here comes a story that would give you a positive outlook in LIFE. We all have our own insecurities sabi nga nila nobody was created perfect. Almost perfect lang daw. It still different. Sa mundo where yo...