Chapter 12
Eli's POV
Nakaupo pa rin ako dito sa labas ng room ni Tiffany. Inilipat na siya sa private room ng mga nurse at tinitignan ulit siya ng doctor. I'm not worried anymore kasi alam kong may dinadala na siya. Nikko is one lucky bastard.
Lumabas yung doctor sa room ni Tiffany. Napatingin ako sa pagbukas ng pinto at tumayo ng makita ang doctor ni Tiffany. He smiled na parang may good news siyang sasabihin sakin.
"Asawa ka ba ni Ms. Ascuncion?" tanong sakin ng doctor. Ayoko ng magsinungaling.
"Kaibigan lang ho ako." sabi ko sa doctor.
Tumango na lang siya at tsaka tumingin sakin ng diretso pero nakangiti pa rin.
"Miss Ascuncion is pregnant. Wala pang embryo but on her 4th week, expect things a pregnant lady would do. She needs a plenty of rest at wag niyo siyang bibigyan ng sakit ng ulo." sabi ng doktor.
Ngumiti ako sa doctor at tsaka nagpasalamat. Pwede na daw akong pumasok sa room ni Tiffany. Pumasok ako at may naabutan pa kong nurse. Naisipan kong bumili muna ng pagkain habang di pa nagising si Tiffany. Ipinabantay ko muna siya sa nurse at tsaka lumabas ng room.
Congrats Tiffany...
Tiffany's POV
Arghh! Medyo masakit ang ulo ko. Asan na ba ko? Hindi amoy kwarto ni Eli to eh. Kulay puti ang kwartong to.
Tinignan ko ang kamay ko. May dextrose na nakatusok sa kamay ko. Nasa ospital ako pero bakit? Hindi naman kami naaksidente hindi ba? Ang alam ko nasa mall kami kanina pero bakit ako nandito at nasaan si Eli?
Natigil ang pagtatanong ko sa sarili ko ng may magbukas ng pintuan ng kwarto. Si Eli.
"Gising ka na pala." sabi niya habang sinasara ang pinto. May dalang mga pagkain si Eli.
"Hindi, tulog pa ko sa lagay kong to." sagot ko. Ngumiti lang siya at kumuha ng mansanas sa pinamili niya.
Umupo si Eli sa tabi ko at iniabot sakin yung mansanas. Sakto nandito siya.
"Anong ginagawa natin dito Eli?" tanong ko habang umaayos ng upo at kinuha ang mansanas.
"Wag kang iiyak ah?" sabi niya sakin. Nakaramdam ako ng tinding kaba. May sakit ba ko?
Sinubukan kong magpigil ng luha. Parang di ko kakayanin ang sasabihin ni Eli sakin.
"Tiffany buntis ka. Magkaka-anak na kayo ni Nikko." sabi ni Eli at ngumiti sakin.
Tuluyang nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Ang mga luha kong pumatak ng dahil sa sobrang saya. Wala akong sakit pero magandang biyaya naman ang binigay sa amin ni Nikko.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage
RomanceMay mga mag-ex na hindi kayang magmahal ng iba. Dahil sa nakasanayan nilang mahalin ang isa't isa. Like Tiffany and Nikko, instead of marrying someone else, their parents set an unexpected marriage for them. A marriage that can change their lives fo...