Chapter 14
Eli's POV
"Eli... ang sakit sakit. I trusted him again so much and t-this is where I e-ended up? Niloko niya na naman ako..." Tiffany said while crying.
Nasa may cliff kami ngayon ni Tiffany. This is where I go nang masaktan ako dahil sa kamatayan nila Mama. Nandito kami ngayon dahil pareho kaming nasasaktan ni Tiffany. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan ng dahil kay Nikko.
Pinaayos ko na sa secretary ko ang visa at passport namin ni Tiffany. I changed her name para hindi na siya mahanap ni Nikko. We'll be leaving next week. Ipagdadamot ko na si Tiffany ngayon lalo na't sinaktan na naman siya ng taong mahal niya.
"You shouldn't be crying for my stupid best friend Tiffany. Nandito ako sa tabi mo and yet you're still crying for that bastard. "
Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Kung makikisali pa ko sa iyak niya magmumukha akong bakla.
"Tiffany, nasasaktan ako. Stop crying please..." pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapayakap sa kanya. Lalong lumakas ang pag-iyak niya. She's really hurt from what she saw. Ang lakas rin kasi ng tama ni Nikko eh. He was given another chance pero anong ginawa niya?
Dapat sakin ipinakasal si Tiffany noon. Hindi sana siya nasaktan ulit kung sakin siya napunta noon.
Masaya pa rin sana siya hanggang ngayon,
Kung sakin siya ipinagkasundo noon...
Tiffany's POV
"H-hello?" sagot ko sa phone ko.
Nasa bahay na ko ni Eli ngayon. I can't go home. No, I don't to go back home sa bahay namin ni Nikko. I feel like I'm betrayed, played and all other words that can describe what Nikko did to me at the party.
He didn't do anything to stop that Giana girl from kissing him. Did he planned this? Did I do something wrong? Nagpaloko na naman ba ko?
(Laine! Oh my God! Kanina pa kita tinatawagan! Where are you?! Nandito siya sa bahay niyo. Please talk to him Lai.)sabi ni Zia.
Bumuntong hininga ako at tsaka sumagot kay Zia.
"I don't think I can Zia." sabi ko.
(Tiffany, let him explain for awhile. Please...)Pagmamakaawa ni Zia sakin.
"I-I'll try" sagot ko.
I bit my lip so I can hold my tears. Hindi ko balak kausapin siya. Ayoko siyang kausapin. It hurts me more just by hearing his voice. Paano pa kaya kung makita ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage
RomanceMay mga mag-ex na hindi kayang magmahal ng iba. Dahil sa nakasanayan nilang mahalin ang isa't isa. Like Tiffany and Nikko, instead of marrying someone else, their parents set an unexpected marriage for them. A marriage that can change their lives fo...