Chapter 30

3.7K 44 2
                                    

Chapter 30

Tiffany's POV

6 months later

"Hello Philippines! I'm home!" sigaw ko sa airport na di ganun kalakasan.

Ilalabas ko pa lang yung phone ko sa bulsa ko nang biglang may bumusina na Porsche 911 Turbo sa harap ko. Yung kotse ni Alice sa New Moon? Bumaba yung sexy na driver na si Irene lang pala. Di na sexy. Joke \\//

"Wow! I like your dress Tiffany! Now hop in. May gagawin pa ko. They have a surprise for you kaya ako ang inabala niyang sumundo sayo." sabi ni Irene at pumasok na sa kotse.

Tumakbo ako sa kotse ni Irene kahit nakaheels, nilagay ko yung maleta ko sa backseat niya at pumasok. Nag-seatbelt na kami pareho at nagsimula ng patakbuhin ni Irene ang kotse. No, not patakbuhin. More like paliparin. Ang bilis magmaneho nitong gagang to.

"Irene ano ba? Papatayin mo ba ko?" tanong ko sa kanya. 

She slowed down ng makarating kami sa Las Pinas. Teka...

Las Pinas?! Ang bilis talaga magpatakbo ng gagang to oh! Pero sabagay wala namang traffic. Irene looked at me at balik sa daan. "Just shut up and let me do what I'm doing, aaight?" sabi ni Irene at tumango na lang ako ng dahan dahan.

Lumiko si Irene sa daan kung saan mapupuntahan yung Fernbrook Gardens. Gagawin namin dito? Di ko naman matanong tong si Irene dahil highblood. PMS ata tong step-sis kong to eh.

Nag-park si Irene sa isang malilim na lugar. Ayaw atang mainitan yung kotse niya. Bumaba siya agad ng kotse pagkatanggal ng seatbelt. She opened my seat at kinuha yung hand bag ko sabay tanggal ng seatbelt ko. She even pulled me out of my seat at sinara yung kotse niya. Inalarm niya pa at tumakbo na kami papunta sa entrance ng fernbrook.

Ngumiti yung security guard kay Irene at pumasok na kami papunta dun sa chapel. Napansin ko habang hinihila niya ko nakagown siya yung hindi hanggang sahig. Color blue tapos strapless. Pagpunta namin sa chapel may kaparehas siya pink at yung iba blue rin. Abay ata siya eh, nahila lang ako.

Hinila pa ulit ako ni Irene papunta dun sa bride. Nakataklob yung bride ng veil pero pamilyar siya sakin. 

Nagulat ako nang tanggalin ni Irene ng dahan dahan yung veil sa buhok ni... "Hi Tiffany!" sabi ni Jade.

"Ikakasal na kayo ni Eli?" I asked. Pero di niya ko sinagot kaya hinila naman ako ni Irene papunta sa bridal car. She made me enter the car. Gulong gulo na ko.

Naglabas ng mga hairpin si Irene at mga panali. She fish-tailed my hair at ginawa itong bun. May kinuha siya spray net sa likod ng upuan ng driver at inispray sa ulo ko. Naglagay pa siya ng blue at pink colored gems na hairpin sa buhok ko. Lumabas siya at pinalabas na rin ako. 

Mas nagulat ako nang biglang lumapit sila Zia at Angelique sa amin ni Irene. Nakita kong nakadress na lang rin na katulad ng kay Irene ang kaninang naka wedding gown na si Jade at lumapit sa amin na may dalang blue na wedding gown. Strapless yung gown at may mga blue detailed snowflakes na design. Ang ganda!

The Unexpected MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon