Chapter 26
Nikko's POV
Bumaba agad ako ng sasakyan ko pagkarating ko ng Saint Lukes. Huminto muna ako sa receptionist at tinanong kung saan ko makikita yung opisina ng doctor ni Tito Harris. Tinuro nung lalaki kung saan at sinabi niyang dumaretso lang ako dun. Tinanong pa kung may appointment ako pero pinatuloy rin naman ako dun.
Kumatok muna ako at hinintay kung may sasagot.
"Come in." simpleng sabi ni Dr. Jerry.
Inayos ko muna yung damit ko at pumasok. Pagpasok ko nakayuko siya at nagsusulat ng di ko alam kung ano ba yun. Inangat niya rin yung ulo niya paglapit ko sa kanya. Dumoble tingin pa sakin at tsaka ako nginitian.
"Buenaventura! How you been? May anak na ba kayo ni Tiffany? Upo ka." tanong niya agad pagkakita sakin.
"Meron na po, kambal sila." sabi ko pagka-upo ko. Ngumiti si Dr. Jerry sakin. "Good to know. Swerte niyo. What brings you here Mr. Buenaventura?" tanong niya ulit sakin.
Pinatong ko sa mesa niya yung plastic bag na naglalaman ng gamot at receta ng doktor. Dr. Jerry looked at me with a hint of curiosity in his eyes. I asked him to look inside kaya nilabas niya isa isa yung laman. Binasa niya rin yung ibang receta. Kunot noo siyang humarap sakin.
"What is this all about Mr. Buenaventura?" tanong niya sakin.
"Tito Harris deceased yesterday in his own room." tanong ko
I saw how shocked he was nang sabihin kong wala na si Tito Harris. Doktor siya ni Tito Harris so how come di niya alam na namatay yung pasyente niya? Ano ba to? Joke?
"Harris died? H-how? Sinigurado ko na tama ang mga binigay kong receta sa kanya at sa nakikita ko sa mga binigay mong mga receta at gamot, some of them are not from mine. Look at this signature Mr. Buenaventura." sabi niya sabay pakita sakin ng receta.
"I always put a signature below my prescribed medicines for him at kalahati ng recetang binigay mo ay walang pirma. Worst, hindi ito ang binibigay kong gamot sa kanya everytime na nagpapacheck up siya sakin." patuloy niya habang tinitignan ko yung mga receta.
Tama nga hinala ko. May nagpalit nga ng mga gamot ni Tito Harris. Inabot ko sa kanya yung receta at tumayo. "Salamat po sa pagsabi ng totoo Dr. Jerry. Mauuna na po ako." sabi ko. Tumango lang siya. Papaalis na ko ng may sabihin pa siya sakin.
"Mr. Buenaventura, please send my condolences to them. I'm really sorry for their lost." sabi niya na may lungkot sa mga mata niya. Tumango lang din ako at umalis.
Sumakay ako ng kotse ko at humawak sa manibela. Pinatong ko ang ulo ko sa manibela at bumuntong hininga. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko." bulong ko sa sarili ko.
Tinignan ko ang phone ko. I sighed nang makita ko ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage
RomanceMay mga mag-ex na hindi kayang magmahal ng iba. Dahil sa nakasanayan nilang mahalin ang isa't isa. Like Tiffany and Nikko, instead of marrying someone else, their parents set an unexpected marriage for them. A marriage that can change their lives fo...