Chapter 3

6.9K 115 2
                                    

Chapter 3

Nikko's POV


Nandito ako ngayon sa room namin habang siya ay nasa labas. Siya mismo umiiwas sakin eh. Kakausapin ko tas bigla siyang lalayo. Ang gandang honeymoon ano? -3- Imbis na kaming dalawa yung naglalakad sa labas, siya na lang mag-isa ang naglilibot. Ba't ko ba kasi siya tinanong ng ganon!?


Umasa ako! Takte. Di na niya ko mahal?! Ni hindi niya nga muna ako pinakinggan nung gusto ko magpaliwanag sa kanya eh. Why did she gave up on me that easily? Minahal niya ba talaga ako o hindi? Ang sakit isipin!


Napaupo ako sa kama namin at tumungo. Bagong kasal kami pero ba't away agad? Hindi naman kami ganto noon eh. Ang sakit naman sa puso nito. Di ko naman masabing mahal ko pa siya dahil ayoko ng masaktan siya ng dahil sakin.


Pero kakayanin ko bang maging one-sided ang kasal namin? Should I make a move para mahalin niya ulit ako?


Tumakbo ako sa labas para hanapin si Tiffany. Ang tanga ko lang din. Sarap kong batukan no? Ba't ko ba siya pinaglakad mag-isa lalo na't madilim dito at ang laki laki ng resort na to. Dapat pala sa Paris na lang kami pumunta.


Nang makarating ako sa tulay, I saw a girl. Kulot buhok niya at di siya mukhang multo dahil maganda to. Nakayuko siya at tsaka ko lang nakita lalo ang maganda niyang mukha nang tumingala siya at tumingin sa buwan. Nakaupo siya sa tabi ng hanging bridge.


Nilapitan ko si Tiffany at umupo sa tabi niya. I saw her look at me. May pinunasan din siya sa pisngi niya. Is she crying?


"Ginagawa mo dito?" tanong niya sakin na may halong pagtataray.


"I was looking for you." sabi ko. Ba't pa ko magsisinungaling? I already learned from the past.


"hmm... Ang ganda ng buwan no?" sabi niya habang nakatingin ulit sa buwan.Tumingin din ako sa buwan para damayan siya.


"Yeah, just like you." sabi ko habang nakangiti. I looked at her at nakita kong may tumulong luha ulit sa kanya.


"Nikko... ayoko na. Stop this. Please lang itigil mo na ang pagiging sweet mo. Nakaraan na yon eh" sabi niya habang naiyak.


"What do you mean?" tanong ko sa kanya. I don't get her.


"Wag mo ng ibalik yung nakaraan. 'Di na kita mahal eh! Ano pa ba gusto mo?!" tanong niya sakin.


"I just want you to love me again kung 'di mo na ko mahal.." sabi ko while looking at her. Nang maramdaman kong na-awkwardan siya, tsaka ako tumayo at umalis para bumalik sa room namin. Ang sakit isipin na di na niya ko mahal.


Pagbalik ko sa room ay naupo agad ako sa sofa at naluha. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sakin. Di na niya ko mahal? Ayaw na niya? Marrying me was not on her wishlist? Ganun ko ba siya nasaktan? It wasn't my fault kung ayaw niya ko pakinggan. But I still f.cking love her.

The Unexpected MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon