Nakakatamad magudate pero eto naguupdate pa din ako! haha
Sana magustuhan nyo ulit... :)
_______________________________________________________________________________
Scarlet's POV:
"SCARLEEEEEEEEEEEEEET!" si Danica yan, habang niyuyugyog pa nya ang katawan ko habang ginigising nya ako...
Ano na naman problema netong babae na to???
"Hindi pa ba tayo lalabas? anong oras na bumangon ka na dyan!!!" at sinisigawan pa din nya ko...
Parang magigiba yung bahay sa lakas ng boses nya eh....hahaha, nabubulabog na naman mga kapit bahay for sure...haha, teka anong oras na ba?
Tinignan ko yung cellphone ko...
"Sh*t" yan na lang ang nasabi ko at napabangon akong bigla...
Paano naman kasi, 930 na pala ng gabi, eh nung nakauwi kami mga 430 pa lang...tsk... parang nakaisang gabi na naman ako ng tulog...haha, ang dami ng text at miss calls ng barkada sa kin... kasi naman pag ganitong oras inuman na!!! hahaha... ganyan kami parang kulang ang isang araw pag di kami nakainom...hehe...
"HOY DANICA BAKIT HINDI MO KO GINISING ANONG ORAS NAAAAAAA!" Sigaw ko yan kay Danica, na nasa kwarto nya at nagbibihis na...
"HAHAHAHA... Hindi kita ginising? KANINA PA KITA SINISIGAWAN DYAN AYAW MONG BUMANGON!" Sigaw ni Danica... Adik na to, tatawa tapos bigla na naman akong sisigawan...haha...
"HAHAHAHA.... Parang hindi naman eh... babangon na ko at magbibihis na, nakauniform pa pala ako, hahaha... dalian mo!" Sabi ko...
"Oo nagbibihis na ko..." Sagot naman ni Danica...
After 5mins... Nandito na ko sa baba, hinihintay si Danica...
O diba kanina pa nya ako ginigising pero ako tong naghihintay sa kanya...haha, Kahit kelan talaga napakabagal nyang kumilos!!! Ako naman, basta nakapagpalit na ng damit okay na...haha
"DANICAAAAAAA, ANG TAGAL MOOOOOOO!" Sigaw ko...
"Eto na eto na, apurado ka naman masyado... eh bakit ba parang excited ka na naman dyan? sino sino bang nandun? :)" Sagot ni Danica habang pababa na sya ng hagdanan at nakangiti sa akin...
Ngumiti na naman syang ng nakakaloko sa kin..hahaha, lagi na lang ganito to...
"WALA! Kung ano ano na naman naiisip mo dyan... hahaha... Ang bagal bagal mo lang kasi talaga! Di ka na nag bago...hahaha" Sabi ko...
"Hahahaha... Ang defensive mo... Guilty te?haha, nagtatanong lang naman...haha"
Eto na naman yung tawanan naming walang hanggan! At walang katapusan...hahaha
Masasabi kong baliw na talaga kami ng pinsan ko...haha, maya't maya na lang kaming tumatawa eh...haha
Naglakad na kami papunta dun sa inuman... "Jam Station" yan ang pangalan ng pinagiinuman namin... Tambayan... Lalo na pag walang mapupuntahan... Ok din kasi, may live band na maliit, at ang maganda dun, sa kabilang kanto lang ng apartment namin yun...hahaha...
Lakad... lakad... lakad...
At nandito na kami sa tapat ng "Jam Station"
"Mauna ka ng pumasok at baka naghihintay na sila, dun, bibili lang ako ng yosi dito sa tindahan..." Sabi ko kay Danica...
"Sige bilisan mo, bilan mo din ako ng kendi..." Sabi ni Danica...
Nagulat ba kayo? Opo nagyoyosi ako...hehe, ewan ko ba kung kelan ako nagstart, basta nagulat na lang ako, matagal na pala kong naninigarilyo...hehe... Ang pangit sa image ko ang pagyoyosi, pero wala akong pakialam... Sabi nung ibang mga kaibigan ko, paano daw ako makakahanap ng boyfriend kung ang lakas lakas ko daw mag yosi... Sabi ko naman, ok lang, kasi diba, kung makakahanap ako ng lalaki na para sa kin at lalaking mamahalin ako, tatanggapin nya kung ano ako, at yung mga bagay na ginagawa ko... anyway...
"Ate pabili nga po ng isang kahang Marlboro lights, saka 10pcs na maxx na red..." Sabi ko dun sa tindera...
Pagkabili na pagkabili ko pa lang ng yosi nagsindi agad ako ng isa... Parang feel ko muna magyosi bago pumasok eh...haha, kanya kanyang trip yan...
Pagbuga ko ng usok may biglang...
"cough...cough...cough..." Isang lalaki na di ko nakita agad ang itsura dahil sa usok na binuga ko..haha...
Paano naman kasi bigla bigla na lang dumaan sa harap ko... tsk... Tapos mamaya ako pa ang may kasalan...hay...
"Kuya naman kasi eh, bigla na lang dumadaan sa harapan ko, ayan tuloy nabugahan pa kita ng usok!" Medyo pahiyaw na sabi ko...
Ng biglang...
"Hoy Scarlet ang tagal mo, nandadaya ka na naman, halika na lasingan na!hahaha, mamaya ka na magpacute dyan sa kaharap mo!haha..." Sabi ni Yannie, isa sa barkada namin ni Danica...
Mabilis naman akong pumasok sa loob ng Jam Station... Iniwan ko na lang bigla yung lalaking nausukan ko, ng hindi man lang sya tinitignan...
Bago ako tuluyang makapasok sa loob, narinig kong may sumigaw...
"Miss SORRY lang naman pwede na! Ang dami mo pang sinabi!!!" Yun ata yung lalaking nausukan ko...ewan...
Sa sobrang hiya ko, nagpretend na lang akong hindi ko sya narinig, at tuluyan na kong pumasok sa loob...
Madaming tao ngayon, friday kasi... Sabagay, everyday naman maraming tao dito... Bukod sa malapit sa school at maganda ang ambiance, mura din... :) Saka ok naman service nila dito, at hindi sya kulob... Open air... May mga lilim din in case na umulan tuloy pa din ang inuman...hahaha...
"Bakit ang tagal mo sa labas? 48 years ka naman bumili!" sabi ni Danica...
Wow nagsalita ang mabagal... babarahin ko na sana sya kaso may sumabat...
"Eh paano lumalandi yang si Scarlet sa labas...hahahaha, Eto talaga nakakita lang ng gwapo nakakalimutan na tayo,...hahahaha" Pang-aasar ni Yannie...
"Paano kong lalandi, eh bigla kang umeksena kanina?hahaha" Biro ko... :) Ganyan lang naman ako magsalita, pero hindi ko naman kaya makipagflirt, hanggang tingin lang ako... AT, ni hindi ko nga nakita itsura nun, dahil nga dito kay Yannie...hmmp..
"HAHAHA, gago ka talaga!" tawa ni Candice, kasamahan namin na pinakamalakas uminom... At tama po kayo ng naiisip... babae po sya na sobrang lakas uminom...hahaha...
At nagtawanan din silang lahat... ^.^
"Tama na nga to...haha, kuya isang bucket pa nga po ng redhorse!" Sigaw ko dun sa waiter...
"Easy ka lang mamaya susuka ka na naman sa labas nyan...haha" Sabi ni Danica...
"Ako?malakas kaya ko uminom... :)" Sabay ngiti ko sa kanya...
"HAHAHAHAHAHAHA" Silang lahat yan... tsk... isipin nyo 6 kami dito, lahat sila pinagtawanan ako...nice...hmp!
"Wag mo naman ka naman nagbibiro ng ganun Scarlet!hahaha, muntik kong maibuga tong iniinom ko eh...hahaha" Si Mark yan... na tumatawa pa habang umaarte na parang nabulunan ang dating...
"Ang gulo nyo talaga kausap!!!" Sabi ko, sabay lagay ng Red Horse sa baso ko, at konting ice...
Inuman... Yosi... Kwentuhan... Asaran... Gaguhan... yan ang ginagawa namin...haha....
Natigil kami nung umakyat na sa stage yung kakanta na banda...
Napanganga na lang ako nung nakita kong...
_____________________________________________________________________________
Hahaha... sorry sa matagal at bitin na update :)
Try ko ulit magupdate mamayang gabi :)
Next time na ko magedit...haha... So pasensya na kung may mga errors :)
Please comment and vote... Thank you :)
"
BINABASA MO ANG
Finding what they called LOVE
RomanceThis story is about finding love...at unexpected time...unexpected place...and maybe at unexpected person... Sa story na to, kikiligin ka, maiinlove ka, at masasaktan.