Ok alam kong OA sa pagkaikli yung last chapter...
Haha... kasi naman inantok ako...
Super sorry :)
Hahabaan ko na to ng konti... :)
_____________________________________________________________________________
SCARLET'S POV
"Pero ikaw mabango..." Yan ang sabi ko sa kanya, oo ako ang may sabi nyan...haha, ang landi ko lang eh... kasi naman hindi ko napigilan, ang bango bango naman kasi nya, parang naging amoy na nya yung gamit nya na pabango... Yung tipong kumapit na sa katawan sa kanya...
Ngiti lang ang sinagot nya sa kin... Hindi ba pwedeng halik na lang?haha... Tama na Scarlet at baka maglaway ka bigla dyan sa harapan nya...
"Pero ikaw ang baho mo." Singit ni Danica, Yannie, at Candice... Eto na naman yung choir... nandito na naman sila! Grabe pwede ko na silang awardan ng "Panira moment award"...
Napahiya na naman ako sa harap nya! Loko talaga yung mga yun eh...
Naghiwalay kaming dalawa, at napatingin na lang kami sa tatlong kabute na dumating... Nagtawanan na lang kami, ang awkward naman kasi...
Napansin kong namula siya dun... Ako parang nagviolet na, hindi na kasi ako makahinga, wala na ata akong oxygen sa katawan. Ganyan ang nararamdaman ko...
Bago pa ulit ako mahimatay, nagsalita na si Yannie...
"Aalis kaming tatlo... Puntahan namin si Mark, mamamatay na daw loko..haha, dadalan lang namin ng pagkain at gamot, konsensya lang natin pag may nangyari don.. "
"Hala, sobrang nalasing ba sya?teka sasama ako..." Sabi ko...
"Wag na, kaya na namin to, saka mukang kelangan mo pang bumawi dito..." Sabi ni Danica sabay turo nya kay Brent at ngumiti na naman siya ng nakakaloko.
Hindi na nila ko hinintay pang makasagot, at naglakad na sila papuntang pintuan...
"Babalik din kami agad, magbehave ka dyan Scarlet...haha" Biglang humirit tong si Candice... At sabay sabay sila tumawa habang papalabas ng bahay... Mga loka loka talaga eh...tsk, Sinundan ko sila at inilock ko yung pinto...
Kasi baka may ibang pumasok, hindi dahil gusto kong masolo tong si kuya, ay Brent pala pangalan nya...
Napansin ko na lang na nakasunod din pala siya sa kin... Nagulat ako, akala ko kasi naiwan siya sa likod...
"Huy wag ka naman nanggugulat, hobby mo ba yon?haha" Sabi ko sa kanya.
Natawa lang din siya sa reaction ko eh... :)
"You know what ang lakas ng sense of humor mo, nakakatuwa ka." Saka siya ngumiti...
"Talaga? well anyway thanks." At nagsmile din ako...
"Gutom ka na ba? Anong gusto mong breakfast?" Tanong ko sa kanya.
"Kahit ano, hindi naman ako mapili eh. Ano bang mailuluto dyan? tutulungan na kita." Sagot nya sa kin.
"May hotdog dito at canton."
"Wow perfect, paborito ko yung dalawang yun eh... Ang sarap kainin ng sabay." :)
"Talaga? favorite din namin yan dito sa bahay eh, kaya nga yan ang hindi nawawala sa groceries namin. :)"
"Tara na magluto na tayo, tulungan na kita, for sure gutom ka na din."
Hinanda na namin yung iluluto namin, medyo may konting ilangan pero, keri lang naman. :)
Natapos na naming lutuin yung hotdog, ako ang naghiwa, siya naman ang nagluto... Ang sarap lang sa pakiramdam, parang mag-asawa lang kami... Oh wait, did I just say "MAG-ASAWA". What am I thinking, masyado na yatang lumalayo yung imagination ko...tsk. "PARANG" lang naman eh, wala naman masama sa iniisip ko, pero hindi ko pa siya kilala. hmmmm...
BINABASA MO ANG
Finding what they called LOVE
RomanceThis story is about finding love...at unexpected time...unexpected place...and maybe at unexpected person... Sa story na to, kikiligin ka, maiinlove ka, at masasaktan.