Sorry kung nakakabitin yung last chapter :)
_______________________________________________________________________________
Scarlet's POV:
Nagsimulang tumugtog yung bagong banda... Ang galing nila... "Payphone" yung tinututog nila...
Halos lahat ng nandun natigilan at nanunuod na sa kanila... Ang galing din kasi nung vocalist... Nakakainlove yung boses at ang GWAPOOOO!!!
Wait lang... parang familiar sya... Hindi ko maalala kung san ko sya nakita pero parang nameet ko sya somewhere...
"Danica, kilala mo ba yung vocalist? Parang nakita ko na kasi siya... Hindi ko lang maalala kung saan..." Bulong ko kay Danica... Naghihiyawan na kasi mga tao dito... Lalo na yung mga babae, OA makatili parang wala ng bukas...
Napakunot yung noo ni Danica at tinitigan nya yung vocalist... Biglang syang napangiti at at itinaas pa nya yung kamay nya na parang may naisip syang bright idea...hahaha...
"Alam ko na!" Medyo malakas nyang sagot sa kin ni Danica, habang nakangiti pa..
"Sino sya?" Napapaisip akong nagtanong sa kanya...
"Hindi ko alam kung anong pangalan nya pero..." Sagad na yung ngiti nya at binitin pa nya ako...
"Sino nga syaaaaaa?" Bulong ko sa kanya na pasigaw... haha, magulo ba? basta kasi nakatapat yung bibig ko sa tenga nya at saka ko sya sinigawan... :) kasi naman grabe makabitin eh...
"Siya yung cashier sa Yellow Cab kanina!!! Yung gwapong anghel na sinasabi mo... Habang nalaglag yang panty mo!hahaha"
Tinitigan ko yung Vocalist ng biglang lumiwanag yung stage...
Sh*t!!! OO nga!!! Siya nga yun... Bakit hindi ko agad naalala... tsk... Grabe ang gwapo nya talaga! Akalain mong napakaganda din ng boses nya?hmmmm... Super nakakainlove...
"One more fucking love song I'll be sick!" Yung vocalist yan!!!
Nakatitig ako sa kanya habang kumakanta sya... at nung sinabi nya yung line na yan bigla syang tumingin sa kin! Ako ata ang magkakasakit sa ginagawa nya! Paano ba naman kasi ngumiti pa sya! Mahihimatay na ata ako sa kinauupuan ko...haha...
Napainom ako... At napahithit sa yosi ko...haha... Kinakabahan ako eh... Nakakatunaw siya!!!
"Natulala ka na naman dyan!" Sabi ni Danica... At hinawakan nya yung lock ng bra ko...
"Manyak mo Danica!" Bigla akong nagulat sa ginawa ni Danica... Adik to...
"Chinecheck ko lang yung bra mo...baka yan naman na ang nalaglag...hahaha, kanina kasi sa Yellow Cab yung panty mo nalaglag nung nakita mo sya, ngayon naman yung bra mo nalalaglag na din dahil ngitian ka lang... mamaya nakahubad ka na dyan!hahaha" Pang-aasar nya sa kin!tsk...
"Wag ka ngang magulo dyan...makinig na lang tayo at uminom!"Sabi ko...
Naiilang na ko... Kasi kanina pa nya ko tinitignan... O nahuhuli lang nyang nakatingin ako sa kanya?aaaaaahhhhh... Nakakabaliw sya!
"If happy ever did exist, I would still be holding you like this..." Yung vocalist at nakatingin na naman sya sa kin habang nakangiti!
Hindi ko na ata kaya to... Nakakaisang baso pa lang ako pero parang nalasing na ko sa mga tingin nya...hahaha...
"Parang kanina pa ang tingin sayo nung nausukan mo kanina ah? Mukang type ka! :)" Nakangiting sabi ni Yannie na bigla na lang tumabi sa kin...
"Ano ba wag ka ngang nanggugulat dyan! Ano ba yang sinasabi mo?Nandito yung nausukan ko kanina sa labas??? ASAN???" Medyo napalakas na sabi ko kay Yannie...kasi naman nandito pala yung lalaking nausukan ko, nakakahiya!!!
"Aun sya oh! :)" Sabay turo nya sa vocalist na nasa stage...
"Ah talaga?" kalmado kong sabi sa kanya....
WHAAAAAAAAAAAAAT? Siya yun??? OMG! Hindi ko na alam gagawin ko... Napahiya na ko kanina sa Yellow Cab tapos napahiya na naman ako nung nausukan ko siya? Grabeeeee....
Hindi ko na alam kung anu pang muka ko ang ihaharap ko sa kanya... at ang lakas pa ng loob kong titigan siya!tsk...
Hindi ko namalayan na parehas kong hindi nasagot si Danica at Yannie kanina... Kasi tuluyan na kong nasemento...haha...
Natapos na yung kanta nila at nagsalita yung vocalist nila...
"Good Evening po sa lahat ng nandito ngayon sa Jam Station... Alam ko pong maraming napapaisip sa inyo kung sino kami... Kami po ang bandang "Watt Band"... First time po naming tumugtog so sana po nageenjoy kayo..." :) AT NGUMITI PA!!!
Naghiyawan at nagpalakpakan yung mga tao dito at naghiyawan pa at sumisigaw ng "MORE MORE MORE"...
Hindi ko din masisisi yung mga tao kasi ang galing talaga nila...
"Our next song is Hypnotized by Akon... and this song is dedicated to that girl on a white shirt... :)"
WAAAAAAAAAAAAAAHH... Ako ba yun? Sa kin nya dinedicate yung song?
Teka baka hindi naman ako... pero kasi ako lang naman ang nakawhite shirt dito sa table namin!
Mahuhubaran na ko sa sobrang kakiligaaaaaaaaaaaan!!! haha
Grabe nagtingin yung mga tao sa kin... At naghiyawan sila lahat at nagpalakpakan!!!
"Wooooooh! ANG HABA NG BUHOK MO SCARLET!!! Pwedeng pwede na kitang subunutan!hahahaha" Sabi ni Danica at natawanan tong mga kaibigan namin....
Hindi pa din ako makapaniwala... Nananaginip lang ba ako??? Kung oo ayaw ko ng magising! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
Sinampal ako ng mahina ni Danica sa pisngi sabay sabi...
"Hindi ka na nanaginip! Totoo to! hahaha"
"Paano mo nabasa nasa utak ko?" Sabi ko...
"Kaya nga magpinsan tayo...hahaha." Sabay tawa ni Danica...
Nagsimula na siyang kumanta at ngayon nakatitig na siya sa kin! GRABE na talaga to! Ang gwapo gwapo nya, at parang ang sarap nyang halikan!
Wait wait wait... Ano yung sinabi ko?
HALIKAN?
Erase erase erase!
Parang ang halay ko naman agad agad!haha...
"You got me so hypnotized the way your body rolling round and round..." Kumanta na siya... At yung karamihan tumayo na sa kinauupuan nila at nasayaw...
Nakakaindak naman kasi yung boses nya, pati yung kanta!
Pero ako nakaupo pa din... Parang hindi ko kayang tumayo at sobrang nanghihina ako sa sobrang kakiligan... waaaaaaaaaaaaaah...
_____________________________________________________________________________
Sorry guys bitin ulit... :)
Please comment and vote... :)
BINABASA MO ANG
Finding what they called LOVE
RomansaThis story is about finding love...at unexpected time...unexpected place...and maybe at unexpected person... Sa story na to, kikiligin ka, maiinlove ka, at masasaktan.