Chapter 8

66 4 6
  • Dedicated kay HiKa
                                    

Hindi ko ineexpect na gaganahan akong magupdate!

Super natuwa kasi ako, dahil at this I just received the first comment ng story ko...

Thank You @hikariynx! 

You made me smile, that's why I dedicate this chapter to you! :)

_____________________________________________________________________________

Scarlet's POV

"Anytime my Princess." At hinawakan nya yung muka ko... Napapikit na lang ako nung hinalikan nya ako...

Yan ang nangyari sa isip ko! Ewan ko ba bakit parang namamagnet ako sa kanya at puro halik na lang nasa isip ko! Kung may lakas lang ako ng loob, ako na mismo ang hahalik sa kanya eh, (Feeling lang kasi ako na hahalikan nya ko.) Yan tuloy iba iba ako na nasasabi at naiisip.tsk.

Hinawakan nya yung muka ko... At pinisil ng medyo mahina... (Yan na po talaga yung nangyari) haha... Sorry po kung pati kayo umasa na kiniss nya ko! Wag po kayong magalit, dahil parehas lang tayong umasa, nananaginip lang pala ako ng gising!

"Sino ba naman matuturn-off sa ganito ka-cute na tulad mo?" Sabi nya.

Ok speechless ako sa ginawa nya, baka tuluyan ko na talaga syang mahalikan sa kilig this time!haha,

After mga 10seconds. Oo ganyan katagal akong di nakasagot. "Hindi ko alam eh, kasi hindi ko pa naman naramdamang maturn-off sa sarili ko." Sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ang korni ng sinabi ko, haha...ah ewan, bahala na!

"Hahahahaha, you're really funny! Ang sarap mong kausap. Thank you for making me smile." Sabi ni Brent.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sobrang kilig talaga ko, kasi naman kung ganito kagwapo yung nasa harapan mo, kahit hindi siya magsalita kikiligin ka na talaga!

"I want to have more time with you, pero kasi malelate na ko sa trabaho ko eh." Sabi nya.

Halata mong nalungkot kami pareho, kasi naman mamimiss namin yung isat-isa. Alam kong OA na naman ako, haha... Ano kami magboyfriend at girlfriend? Eh kahapon lang kaya kami nagkakilala tapos ngayon lang kami nagusap, mamimiss agad agad? 

"Sige naintindihan ko, pero..." Hindi ko na tinuloy pa yung sasabihin ko, bigla ko na lang kinuha yung polo shirt nya na hawak hawak niya. Wala na siyang nagawa dahil mabilis kong nakuha sa kanya yung polo nya, bago pa siya makapagsalita...

"Pagbigyan mo na kong labahan tong polo mo, tutal ako naman ang may kasalanan kaya  namantsahan to. Ibibigay ko na lang to kapag nagkita tayo ulit." Sabi ko.

"Sige na nga, hindi na din naman kita matanggihan. Kahit nahihiya akong ipalaba yang polo, hahayaan ko na sayo, para may dahilan pa tayo para magkita." Sabi nya.

And I gave him my sweetest smile...

"Nga pala Scarlet, ok lang bang kunin ko yung number mo?" Nahihiya nyang tanong sa kin.

"Oo naman... eto 09175673899." Kinikilig kong sagot sa kanya...haha 

"Sige alis na ko, magttext na lang ako sayo. Salamat sa breakfast." Tuluyan na syang lumabas ng bahay... Pero di pa siya nakakalayo...

"Sana maulit..." Sigaw nya nung medyo nakalayo na siya ng konti sa apartment.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Totoo pong sumigaw ako sa loob ng apartment namin, pagkasara na pagkasara ng pinto namin.

Nagulat ako dahil nakakaisang habang pa lang ako galing sa pinto, biglang bumukas ulit ito ng malakas!

"SCARLET ANONG NANGYARI SAYOOOOO?" Sigaw ni Danica na mas OA pa sa sigaw ko kanina. Nakasunod din sa kanya si Candice at Yannie,

"Wag kang OA dyan te... Pag sumigaw may nangyari agad? Pwede bang kinikilig muna? hahahaha" Sabi ko sa kanila... Totoo naman kasi, hindi lahat ng sigaw eh negative ang ibig sabihin, minsan positive din tulad ngayon... waaaaaaaah...

"Lumandi na naman tong babaeng to malamang..." Sabi ni Danica kay Candice at Yannie.

"Halata naman oh, tignan nyo kilig na kilig na naman siya." Sabi naman ni Yannie..

"Ang tanong may nangyari ba?" Tanong naman ni Candice.

"Alam nyo guys, daig nyo pa yung mga reporter sa media kung magtanong eh, hindi naman ako artista." Sabi ko habang tinataas ko yung kilay ko, at ngitian sila...

"Ulol neto, anong reporter at artista ang pinagsasabi mo dyan babae ka? malaman magtatanong kami, syempre ayaw namin mahuli sa balita." Sabi ni Danica sabay batok sa kin ng mahina, at tumawa sila tatlo...

"Aray naman, makabatok ka wagas!" Natatawang sabi ko, hindi naman kasi talaga ko nasaktan, paran expression ko lang yun, pag tuwing nagaasaran kami.

"Alam mo ikaw naman kasi Scarlet, wag mo kaming binibitin... kasi excited na kaming marinig yang kwento mo about dyan sa Brent na yan." Seryosong sabi ni Candice.

"Huy bawal seryoso tol!" Sabi ni Yannie sa kanya... Haha, oo nga naman kasi tong si Candice, nakita naman nyang naglolokohan kami, biglang babanat ng ganun... Saka kahit naman hindi nila ako pilitin magkukwento pa din ako.

Nagkulitan lang kaming apat dun maghapon, kumain, nanuod ng tv, at syempre nakwento ko na din sa kanila yung mga nangyari kanina nung naiwan kami ni Brent dito.

"Bakit hindi mo pa hinalikan ang hina mo naman!" Sabi ni Yannie, parang lalaki lang makapagcomment eh, kelangan ako agad unang hahalik?tsk.

"Gusto ko kaso, masyadong mabilis kung mangyayari agad yun... Isipin nyo guys, kakakilala lang naman kahapon, I mean parang kanina nga lang talaga kami nagkakilala, ni hindi ko pa alam yung ugali nya, kung talagang mabait ba sya or what. Hindi ko sya jinajudge ok? Ayaw ko lang magmadali. Chill lang!"

"Ayun eh, ang lalim naman nun, yan na ba ang naging epekto nya sayo? Nagiging seryoso ka na!" Sabi ni Danica.

"Oo nga, anung malay natin guys, si Brent na pala yung pang happy-ever-after ni Scarlet diba?" Sabi ni Candice.

"Happy-ever-after ka dyan, hindi na uso yun. Sabi nga ni Sarah G. Reality-Ever-After, yan na ang uso ngaun!hahaha" Pang-aasar ni Yannie kay Candice.

"Ayaw kasing lumavlife netong si Candice, puro inom ang alam!hahaha" Sabi ni Danica, na dagdag sa pang-aasar nila kay Candice...

"Yan ang sinasabi ko sayo Candice eh, sayo din babalik ang usapang to!hahaha" Sabi ko, hanggang sa nagtawanan na lang kami ng nagtawan...

Ang sarap talaga ng LAUGH TRIP kasama ang barkada. Yung pakiramdam na minsan kahit wala ng sense yung pinaguusapan nyo, tumatawa pa din kayo. :)

Sa sobrang pagod kakatawa, at dahil sa mga puyat pa kami, nakatulog kami dito sa sala..

_____________________________________________________________________________

Super happy ako dahil sa mga comments na natanggap ko :)

Kahit on-going to, sana tuloy tuloy lang yung pagbabasa nyo :)

I'll try to update almost everyday!

Thank You guys...

Please comment and vote! :)

Finding what they called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon