Sorry guys kung medyo mabagal ang update and maikli...
I'll try ny very best para habaan this time.
Gusto ko palang idedicate tong chapter na to kay @avery13joyce isa sa mga writter dito sa wattpad, na makulit pero mabait. :)
Thank you sa mga nagbabasa pa din neto :)
_____________________________________________________________________________________
Scarlet's POV
"Sorry" Sabi ng isang lalaki sa kabilang bed dito sa clinic. Parang pamilyar yung boses nya pero impossible na nandito siya. Siguro may kausap lang sa fone. Siguro feeling ko lang si Brent yun, kaya hindi ko lang pinansin.
Biglang may humawi dun sa kurtina na nakapagitan sa bed ko. Hindi ko mapigilan tignan kung sino, at nung binuksan ko yung mata ko, nagulat ako sa nakita ko.
Si Brent ang taong nasa harap ko ngayon. Si Brent na kelan ko lang nakilala, wala pang isang linggo! Nagkakaganito na ko. Ano bang ginawa niya sa kin! Yan na lang ang mga nasa isip ko nung makita ko siya.
"Sorry." Sabi niya sa kin habang nakatingin siya sa mata ko. Nakikita kong malungkot yung muka nya?
Hindi pa din ako makapagsalita. Bakit siya nandito? At bakit pa nagsosorry sa kin?
"Para saan?" Kunwaring wala akong alam.
"Dahil after nung araw na nagkita tayo, hindi na ko nagparamdam, ni hindi man lang ako nagtxt sayo. Sorry." Sabi niya
Tumawa lang ako ng papilit, "Haha, ano ka ba, bakit ka nagsosorry dyan, wala yun. Saka hindi mo naman kelangan magtxt o tumawag o magparamdam man lang. Hindi naman tayo magkaano-ano." Medyo napataray ata yung sagot ko sa kanya.
"Alam ko nakakainis yung ginawa ko, kinantahan kita, tapos nagkwentuhan tayo, at gusto kong malaman na interesado talaga ko sayo kaya ko ginawa yun."
"Talaga? Interesado? Halatang halata nga sa hindi mo pagpaparamdam." Sarcastic kong sabi sa kanya, at iniwas ko na yung tingin ko sa kanya.
Sa totoo lang kasi, nung nakita ko pa lang siya, parang nawala na yung inis ko sa hindi niya pagpaparamdam sa kin. Ayoko na siyang tignan dahil mas nanghihina ako sa kagwapuhan niya. (So ganyan ako magisip? Inis ba talaga ako?haha, tsk)
Nawala na agad agad yung sakit ng ulo ko, gamot ba siya?o di kaya doctor? kung oo, parang gusto ko ng magkasakit parati. hahaha. (Kanina lang lungkot ko, ngayon naman hyper na.!)
"Bakit ka ba nandito? Paano ka nakapasok dito sa school namin?" Yan na lang ang nasabi ko sa kanya.
"Sorry talaga Scarlet, promise I'll make it up to you, just give me one chance, para iprove sayo na gusto talaga kita. Alam ko mabilis ako masyado, kakakilala lang natin, tapos sasabihin ko na agad agad na gusto kita. Pero yun kasi talaga ang nararamdaman ko." Seryoso nyang sabi sa kin, haaaaay. parang hindi naman nya sinagot yung tanong ko. tsk! lakas makachange topic netong lalaking to.
"Bago kita patawarin paano ka nga nakapasok dito? At nakauniform ka pa? Dito ka nagaaral? Akala ko ba tumigil ka?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Pwede isa isa lang naman? Mahina ang kalaban. hehe" Ayan na po ngumiti na sya, wala na talaga yung inis ko sa kanya.haha
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Okay okay, magexplain na ko, wag mo na kong taasan ng kilay. :(" Sabi nya at nagpout pa siya! Nagpapacute ata to sa kin eh.
"Hiniram ko lang tong uniform sa kaboardmate ko na nag-aaral dito, nakwento mo kasi diba na dito ka nag-aaral, kaya gumawa ako ng paraan para makapasok dito, para mahanap ka, at para makausap ka." Pinutol ko yung sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Finding what they called LOVE
RomantikThis story is about finding love...at unexpected time...unexpected place...and maybe at unexpected person... Sa story na to, kikiligin ka, maiinlove ka, at masasaktan.