Ang tagal gumana ng utak ko.., haha, ang hirap magisip ng update...
Thank You po sa mga tuloy tuloy na nagbabasa ng story ko... lalo na kay KathNieladik26, kaya dinededicate ko tong chapter ko sa kanya...
At kay @avery13joyce na laging sumusuporta sa kin!haha... THANK YOU... Basahin nyo po story nya... LAST CRY... super ganda!
Enjoy reading guys... sana suportahan nyo kahit on-going pa lang... mwah...
____________________________________________________________________________
Danica's POV
Oo guys hindi kayo namamalikmata... Totoo po itong nababasa nyo :) POV ko po ito at hindi kay Scarlet na pinsan ko...hahaha, syempre para makilala nyo din naman ako.
Ako ng pala si Althea Danica Martinez, 20 years old na ako, ahead lang ako kay Scarlet ng ilang months, pero same year kami pinanganak. Nagtataka ba kayo kung paano kami naging magpinsan eh magkaiba kami apelyido? Kasi yung mama nya at mami ko magkapatid, parehas kami ng middle name... So gets nyo na?
Ilang years na kaming magkasama sa iisang bahay ni Scarlet. Simula nung mag college kami magkasama na kami. Same school lang din kami nung elementary at high school, pero hindi pa kami ganun ka-close nun. Pero naguusap naman kami, hindi lang yung ganito ka-close.
Alam nyo ba, nakakatawa yang si Scarlet nung highschool kami, akalain nyo ba naman na pagselosan ako, hahahahaha... nakakatawa diba? close ko kasi yung boyfriend nya that time. Ang selosa lang eh...haha, Everytime na naaalala ko yun natatawa lang ako. Anyway, lets get back to the present, PAST is OVER. :)
Nandito kami sa room nagkaklase... At nagagalit na naman si mam Pascua, research teacher namin, paano naman kasi tinatawag nya yung isang klasmeyt namin, pero hindi sumasagot.
"Ms. Chua are you with me?" sabi ni mam.
F*ck! si Scarlet pala yun, hindi ko napansin, paano naman pati ako hindi nakikinig kay mam. haha.
"Sorry po mam, hindi po ako nakinig sa inyo, sobrang sama po kasi ng pakiramdam ko." Sabi ni Scarlet.
Ha? anu naman kayang nangyari sa kanya? Ok naman siya kanina. Pero ilang araw na kasi syang puyat, mga 4 days na, simula nung nagmeet sila nung Brent na yun. Wednesday na ngayon, pero gabi gabi hinihintay pa din ni Scarlet na mag text or magparamdam sa kanya si Brent pero wala pa din.
"Ok ka lang ba iha? Ano bang nararamdaman mo, dapat sinabi mo agad." Biglang bumait si mam Pascua ah. Pero ganyan naman yan, akala mo sobrang terror pero alam mong may puso din.
"Migraine po mam." Mahinang sagot ni Scarlet. Mukang masakit nga ang ulo nya. Ganyan kasi yan kapag inatake ng Migraine nya, sobrang sakit ng ulo nya.
"Ganun ba iha, mag punta ka na sa clinic para mabigyan ka ng gamot at makapagpahinga ka muna, you're excuse now." Mabait na sabi ni Mam.
"Mam samahan ko na lang po siya baka kung mapano po sya papuntang clinic." Tinaas ko ang kamay ko, at nagpaalam ako kay Mam na sasamahan ko si Scarlet, syempre pag may nangyari sa kanya konsensya ko lang talaga!
"Sige Ms. Martinez, samahan mo na si Scarlet, pero bumalik ka kaagad." Sabi ni Mam.
Pinuntahan ko si Scarlet sa upuan nya at tinulungang tumayo, at inalalayan ko siya papuntang clinic.
Nung nasa clinic na kami.
"Anong nangyari sa kanya?" Salubong sa amin nung nurse dito.
"Migraine po mam." Sagot ko.
"Nahihilo na talaga ko Danica, gusto kong humiga at pumikit." Bulong ni Scarlet sa kin.
"Alalayan mo siya papunta dun sa room na yun, at ihiga mo muna siya. Wag mo muna siyang iwan, at kukuha lang ako ng gamot para mabawasan na yung sakit ng ulo nya."
"Sige po mam." Sagot ko, at sinamahan ko si Scarlet gang makapasok sa room na tinuro ni mam.
Tinulungan ko din siyang humiga sa kama na bakante, may mga ibang studyante din kasi dito, bale 3 na sila, mukang mga Freshmen pa lang tong mga to eh. Feeling ko lang kasi hindi kita yung mga muka nila dahil may mga harang.hehe, may masabi lang ako minsan eh, haha. Habang nakapikit na si Scarlet, tinanong ko siya, alam ko kasing hindi pa yan tulog.
"Ok ka lang ba babae ka? Ano bang nangyari sayo ha? Pinapakaba mo ako. Sumakit ba talaga yang ulo mo? O tinatamad ka lang pumasok sa Research?" Sunod-sunod kong tanong kay Scarlet.
"Gago ka talaga, sunod sunod yang tanong mo, lalong sumasakit ang ulo ko eh." Sagot nya sa kin.
"Eh ano nga ba kasing nangyari sayo ha? Parang may iba sayo eh, wag mo sabihing nalulungkot ka dahil hindi nagtext o nagparamdam si Brent sayo after nung time na nasukahan mo siya?haha." Biro ko sa kanya.
Hindi siya umimik, baka nakatulog na.
"Scarlet nakatulog ka na ba?" Tanong ko.
"Oo nakatulog na ko..." Sagot nya
Adik na to, masakit na nga ang ulo, nakuha pang magbiro.
Nakatakip yung kamay nya sa mata nya, dahil kapag may Migraine sya, ayaw nya ng maliwanag, tinignan ko lang siya nung napansin kong may luha sa gilid ng mata niya.
"Huy, bakit ka umiiyak?" Pagaalala ko sa kanya.
"Crush ko lang naman siya pero bakit hinihintay ko pa yung text niya? Bakit nagfeeling pa ko na na-attract siya sa kin? Masyado akong nagpadala nung kinantahan niya ako. Tapos nung nagusap kami nung umaga, akala ko magiging ok kami sa isat isa. Pero ni isang text mula nung umalis siya sa bahay, WALA! Bakit pa niya kinuha yung number ko kung hindi rin pala siya magtetext?" Mahinahong sabi ni Scarlet pero nakikita ko yung luha niya kahit nakatakip yung kamay nya sa mata nya.
Biglang may umubo sa kabilang bed. "Cough... Cough... Cough..." Nako mukang may TB pa ata yung isang patiente dito,tsk. Anyway.
"Ewan ko sa kanya, baka naman busy lang? Di ba sabi niya nagtatrabaho siya? Super duper busy siguro?haha. Saka kung makareact ka naman te, boyfriend mo ba yun ha? Isang beses pa lang kayo nagkita, wag ka ngang magkaganyan!" Sabi ko sa kanya, pero sa totoo lang hindi ko na alam ang sasabihin ko, kasi minsan lang yan magka ganyan.
"Alam ko, ewan ko ba bakit ganito nararamdaman ko." Nanginginig pa yung boses nya habang sinagot ako.
"Pumasok ka na muna, balikan mo na lang ako mamaya, baka magalit si mam at ang tagal mo." Sabi nya ulit.
"Sige sige, sure ka ok ka lang magisa dito?"
"Oo." Matipid nyang sagot sa kin.
"Sige magtext ka kung may kelangan ka ha, pupuntahan kita dito pagkatapos ng klase. Ok?"
"Sige ittxt na lang kita." Sagot nya...
Tuluyan na kong lumabas ng clinic at bumalik ng klase, kawawa naman si Scarlet. Pero weird lang, mukang malakas ang tama sa kanya nung lalaking yun.
SCARLET's POV
Andito ako magisa sa clinic, biglang may nagsalita...
"Sorry."
_____________________________________________________________________________
Alam ko guys super bitin na naman, hmmmm... thank you sa mga nagbabasa pa din.
LOVE YOU ALL.
Please comment and vote!
BINABASA MO ANG
Finding what they called LOVE
RomanceThis story is about finding love...at unexpected time...unexpected place...and maybe at unexpected person... Sa story na to, kikiligin ka, maiinlove ka, at masasaktan.