LOVE IS NOT OVER {BTS}
JIMIN's POV
Magkatabi kami ni Kookie sa kama. Himala nga e, pinayagan niya akong tumabi sakanya. Usually kasi kapag nag-aattempt akong tumabi sakanya, sinisipa niya ko sa paalis ng kama niya. Pero ngayong gabi, di sya nagreklamo nung tumabi ako. Basta sinabihan nya lang akong tumalikod at wag humarap sakanya.
Ayos lang, basta katabi ko siya. sX4paT n4H! Hehe :)
Di ko nalang siya ginambala sa pagcecellphone niya. Inaantok na din kasi ako. Ayoko munang makipagkulitan kay maknae.
Nakapikit na ang mga mata ko, dinalaw na din ako ng antok. Pero bigla siyang nagsalita. Ewan ko, baka guni-guni ko lang yun. Medyo nahimasmasan ako.
Jungkook: Hyung?
"Hmm?" Tugon ko, pero di ko pa rin siya nililingon.
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga, saka nagpatuloy na nagsalita.
Jungkook: Matagal ko nang gustong sabihin 'to sayo. Nahihiya lang ako sayo e. Ikaw kasi, masyado kang dikit sakin...di ako makahanap ng tyempo. Pero hyung, to na talaga.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Masyado ko kasi talagang ina-admire si Jungkook. Kahit na pabebe siya masyado, kahit na nagmukha akong aso kakahabol sakanya--ayos lang. Mahal ko naman. Dahil pa nga sa pagka-"inlove" ko kuno sakanya, nauso ang MinKook. Isa sa mga ship ng Bangtan, isang unrequited love. Tangina dis.
Jungkook: Hyung, mahal na mahal kita~
At dahil sa narinig ko, di ko napagilang napatingin ako sakanya.
Akala ko magiging masaya ang gabing ito, di pala.
Akala ko ako. May kausap pala siya sa phone.
Jungkook: V hyung! Uy, ang sabi ko 'mahal kita'!
Ah si V pala. Saan kaya makakabili ng gamot napampa-iwas katangahan? Bili niyo nga ako! Hindi nalang ako kumibo. Imbes na iconfront siya, natulog nalang ako. Magkatabi nga kami ngayon, iba naman yung nasa isip niya. Iba naman yung mahal niya—at di ako yun.
Siguro kailangan ko na din talagang mag-move on kay jungkook, kahit alam kong walang "kami". Shet ang sakit.
Natulog nalang ako habang may mga luhang tahimik na umaags mula sa aking mga mata...
~~~~
V's POV
Sa gabing 'to, nagpumilit akong tumabi kay Hobi hyung. Wala lang, gusto ko sakanya eh. Hiniram ko kunyare ang iPad niya para makapag-webtoon, pero ang totoo gusto ko lang siyang makausap--madinig ang boses.
Sa ngayon, Kausap ko si Maknae sa phone.
Jungkook: Hyung, mahal na mahal kita
Hindi ako nakapagsalita agad dahil narealize ko na naka-loudspeaker pala ang cellphone ko. Tanga ko noh? Bigti na. Napansin ko namang napakislot ng kunti si Jhope hyung. Ang alam ko tulog na siya e. Kanina pa. Sayang, lalambingin ko sana kaso tinulugan ako. Okay lang naman talaga.
Jungkook: Hyung, sabi ko 'mahal kita!'
Ako: Oh okay, sige. Mahal din kita Kookieya~
Jungkook: Langyan naman, hyung! Ayusin mo. Lagyan mo ng feels. Dapat with feelings.
Ako: Arte. Psh. Mahal din kita, Kookieya with feelings.
Jungkook: Kaiyak ka, hyung! Nagpaparactice yung tao eh. Dapat kasi kapag umamin ako kay Jimin hyung, dapat kiligin siya. Gusto ko ako naman bumawi sakanya.
BINABASA MO ANG
THE PLAYLIST
Short Story[SHORT STORY COMPILATIONS by dakilangswaeg 2015] random. otps and ships. fluff. angst. bangtan