{bts | taekook} 08 - Spring Day

169 8 0
                                    

{bts | taekook} 08. SPRING DAY



TRACK 8: SPRING DAY

TAEHYUNG:

Nakatitig lang siya sa akin, unti-unting ngumingiti. He extended his arms out to me, and when I held them, he pulled me up. Kumapit ako sa isang sanga at umapak sa katawan ng puno, paakyat papunta sa tabi niya.

When I got to him, his smile never left his lips. Dahan-dahan siyang umupo sa malaking sanga, nakalaylay sa hangin ang mga paa. He motioned for me to sit down beside him. Dahan-dahan at maingat akong umupo sa tabi niya, nakakapit sa isang malapit na sanga. I can't afford to lose my balance, because losing so means losing my life in an instant.

Napatingin ako sakanya. Perhaps, he had the most beautiful I had ever seen, shimmering under the sunset; dark orbs like galaxy, owning a few stars in them. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko nang tumingin siya sa akin at bigla siyang ngumisi. His smiles were mischievious, filled with mischief and yet sends a warm feeling in me. Hindi ako makatingin sa ibaba dahil takot ako sa matataas na lugar, pero dahil sakanya, nakapunta ako sa pinakamataas na sanga ng puno. He helped me overcome my fears.

'Di ko alam kung bakit lagi siyang lumalabas sa panaginip ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa siya nakikita sa totoong buhay. Nakakalito man at mukhang imposible, parang kwentong-bayan at alamat na hindi kailangan lang ikwento at paniwalaan.

Sinubukan kong tumingin sa ibaba, ngunit agad akong napalunok sa kaba. Parang nakatingin ako sa isang malawak at malalim na bangin. Agad akong umiwas ng tingin, napapikit ng mariin. At nang imulat ko ang mga mata ko, ilang pulgada nalang ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Taehyung," tawag niya. Bahagyang napakunot ang noo ko, 'di ko maalala na sinabi ko ang pangalan ko sakanya. There's something in voice that makes me close my eyes and linger to the sound. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ko.

"Jungkook," tugon ko, pabulong.

Narinig ko siyang tumawa at umiwas siya sa akin. His shoulders were shaking in laughters, eyes turning into moon-like crescents. Nakakahawa ang mga tawa niya, kaya kahit na naasar ako sa ginawa niya, sinaluhan ko siya sa pagtawa.

"Sana lagi tayong ganito," sabi niya saka inabot ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Naging seryoso ang aura niya at hindi ko maiwasang hindi mangamba.

Pinisil ko ang kamay niya. Sasagot na sana ako at balak na hawakan ang pisngi niya ng isa kong kamay. Hanggang sa makabitaw ako sa sanga na hinahawakan ko, at dumulas ako sa iniipuan kong sanga.

"Jeon Jungkook!" sigaw ko habang damang-dama ang paghila sa akin pababa.

"Kim Taehyung!" sinubukan niya akong abutin pero nagkadikit lang ang dulo ng hintuturo naming dalawa. Hindi niya ako naabot, hindi niya ako nasagip. At sa kada segundo ng pagbagsak ko, ang umiiyak niyang mga mata ang huli kong nasaksihan.


***


Agad akong napabangon, naghahabol ng hininga, malamig na pawis ang tumatagaktak sa noo ko. Napatingin ako sa paligid ko, nasa loob pa rin ako ng eroplano at nasa tabi ko si Jimin na alalang-alala sa akin. Inabot niya sa akin ang isang plastic cup na may tubig at pinainom ako. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, napapikit ng mariin at pinapaniwala ang sarili ko na panaginip lang ang lahat. Pero ba't ganun? Panaginip lang 'yun pero parang totoo? Naramdaman ko ang pagkirot ng kamay ko mula sa pagdaplis nito sa sanga, at bahagyang pagsakit ng likod ko dahil sa pagbagsak? Naguguluhan na rin ako.

"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking, we are now approaching Incheon International Airport. In a few moments, we will safely land on Terminal 2. Ground temperature is at 20 degrees celsius today at 8 o'clock sharp in daylight time. Please be seated, secure your seatbelts on. Our aircraft personnel will attend your needs after landing. Thank you."

Huminga ako ng maluwag. Mukhang dala ng jetlag ang nangyari sa akin kanina. Hinawakan ni Jimin ang kamay ko, "Panaginip na naman ba?" tanong niya sa akin.

Tumango-tango ako, "Mababaliw na yata ako, Chim." I tried to joke but the smile didn't even reached my eyes. Ganun din si Jimin. Siya lang ang nakakaalam sa nangyayari sa akin.

Nakalabas din kami ng airport ng matiwasay at nang walang masyadong abala. Dala-dala ang mga bagahe namin, nagmadali kami ni Jimin para makapunta sa pinag-book naming accommodation. Importante ang araw na 'to para sa aming dalawang magkaibigan dahil matagal na namin 'tong pinagplano. Spring season ngayon sa Korea at ngayon ang peak season para makita ang pamumukadkad ng mga cherry blossom.

Yeuido Island ang isa sa pinakasikat na puntahan para makita ang mga cherry blossom. Naglipana sa tabi ng kalsada at sa kada sulok ng lugar ang mga color pink na bulaklak. Maraming turista ang nandito ngayon, kasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Unti-unti nang nagiging okay ang pakiramdam ko. Sa ngayon, kailangan ko munang kalimutan ang nangyari sa panaginip ko.

Inakbayan ko si Jimin at malawak na ngumiti dahil sa wakas matutupad ang pangarap naming dalawa na makabisita dito. Sa sobrang busy sa pag-aaral na sinasabayan ng pagpa-partime, akala namin imposible nang makamit namin ang pangarap namin na makapagbakasyon.

Sinakto namin na sa araw na 'to pumunta dahil kasabay ng cherry blossom sightseeing ay meron din na activities na pinaghanda ang tourism office para sa mga bisita. May mga booth, food court at street performances ngayong araw. Mamayang gabi naman gaganapin ang fireworks display na gustong-gustong masaksihan ni Jimin.

Magkahawak-kamay naming nililibot-libot ang buong lugar, at sa bawat pagkakataon, kinukuhanan ko ng litrato si Jimin o kaya naman ang mga bulaklak sa puno. Hindi mawawala ang asaran naming dalawa, ang bawat pagtawa kapag naka-derp face kami sa mga litrato, ang pagkain habang naglalakad-lakad. Ilang oras na ang nakalipas pero hindi ko pa rin maramdaman ang pagod. It could be the amount of sugar in my system turning me into kid with sugar rush, or the happy hormones that makes me giggle and chuckle over silly things and Jimin's funny jokes.

Basta. May kung anong meron sa araw na 'to na sobrang nagpapasaya sa akin.

Hinigit ako ni Jimin sa kumpulan ng maraming tao. It turned out that someone's performing by the side of the street. Dalawang lalake; isang nagpi-piano at isang vocalist. Alam ko ang kantang pini-perform nila ngayon. Spring Day. Isa sa mga paborito kong kanta.

Nakiki-sing-along kami ni Jimin sa kantahan, nakikisama sa pagkaway-kaway habang kumakanta, nakiki-cheer na rin. Sobrang ganda ng boses ng kumakanta, para akong pinapatulog. At kung meron man sa boses niya ng kumakanta ngayon, 'yun ay ang tunog ng kalungkutan. Napatingin ako sa lalakeng kumakanta, at agad namang nagtama ang tingin namin sa isa't-isa habang kumakanta siya.

Natigilan ako at parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang makita ko ang mga mata niya. Perhaps, he had the most beautiful I had ever seen, shimmering under the sunset; dark orbs like galaxy, owning a few stars in them. Napansin ko rin ang bahagyang paglaki ng mata niya nang makita ako.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pamamawis ng palad ko sa kaba at sobrang pag-iisip. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon--kaba, saya, hindi mapakali, hindi alam ang gagawin. Nakilala niya kaya ako? Nananaginip rin kaya siya tungkol sa akin? O baka naman isang malaking pagkakataon lang ang lahat? O baka ako lang ang nananaginip sakanya? O baka nga nababaliw na talaga ako.

Sinubukan kong tumingin ulit sakanya pero nasa iba na siya nakatingin.

"J-jungkook."



xxxxx

this is for @lainekate7 thank you so much for sending the prompt/request! na-challenge ako ng sobra kasi di ako sanay sa mej fantasy-ish na genre but still! i hope you still like it charot ang hirap niyang iklian na tipong pang-one shot lang, so hindi ko na talaga siya hinabaan dahil baka mawala 'yung element of mystery between taekook. kayo ba? kung dudugtungan niyo 'to, ano isusulat niyo? hihi mwa mwa thank u ulit!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon