{bts} 04. Fun Boyz

1.5K 58 28
                                    

04.


*riiiiiiing!*

Sa tunong ng bell, nagsilabasan ang mga estudyanteng sabik nang makauwi.

Sa almost thousand student population dito sa StanvilleAcademy imposibleng makalusot ka nalang basta-basta. Uwian na kaya! Syempre labasan na ng mga estudyante, isama mo pa akong nakikisabayan sa kanila.

Halos maipit na ako dahil sa dami ng tao dito sa locker area. Grabe! Nakaka-suffocate! Isama mo pa yung mga pawis, amoy, at ingay ng mga ka-schoolmate ko. Buti sana kung mababango silang lahat edi okay lang sana, e kaso amoy bulok na durian sila. Kawawa ilong ko.

"Oh my god! Andyan na ang Bangtan!" Isang matiling na boses babase ang sumigaw sa may hallway. Taray ni ate, akala mo pinaglihi sa speaker.

Lahat ng estudyante napatigil tapos nagfocus na yung mga paningin nila sa may hallway. Since ang liit kong tao, hindi ko agad nakita ang oh-so famous Bangtan. At aba! Nag-make way pa ang lahat ng estudyante sa Bangtan na kasalukuyang mga naka-ngisi at mukhang tuwang-tuwang pa sa mga nagaganap. Tss! Hindi ko maiwasang hindi mapaismid sakanila.


Sino nga ba ang Bangtan?


Sila ang tinatawag na Casanova ng school, o mas kilala sa tawag na Bangtan. Para sa kababaihan, sila ang diyos ng kagawapuhan at kakisigan. Sa mga lalake naman, sila yung tipong dapat kainggitan. At para naman sa akin, sila yung dapat kuyugin at itapon ang bangkay sa pinakamalalim na bangin, pwede na din sa Han River kung gusto niyong sosyal.


Hindi naman ako galit sa kanila, naiinis lang. Bakit? Kasi lahat pwede nila gawin, kahit magcutting araw-araw, magpasaway sa room at kahit awayin at insultuhin ang teacher. Believe me, kaya nila yun. Pero kapag regular na estudyante, kulang nalang ipa-salvage ng principal. Hustistya naman!

Teka, paano ko nasabi ang mga bagay na yan? Binuka ko bibig ko, with the coordination of my tongue and the vibration on my vocal chords, nasabi ko lahat. Lololol.



Naalala ko last June, pasukan namin nung third year kami...

"Ok, good morning, class! I'm so glad summer has ended already—"

Hindi pa nga tapos si Ma'am magsalita, sumabat na agad yung isang member ng Bangtan. Yoongi ata pangalan nun.

"Syempre, Ma'am magiging masaya ka! Susweldo ka na naman, habang kami balik pasakit. No swaeg." sagot nung Yoongi sabay salpak ng headset sa tenga.


Tawanan lang yung mga weirdo kong kaklase habang yung teacher naman, nanahimik nalang.


Psh. Naalala ko si Yoongi. Siya ang pinaka-cold at mukhang walang pakialam sa mundo. Akala mo siya lang yung nag-iisang tao dito sa mundo. Reason? Malay ko. . . Paki ko sakanya!



Eto pa! Kapag kasama ka sa Bangtan, may priveledge kang matatanggap. Gan'to yan...

"San nyo ba balak tumambay?" Tanong nung... Ewan, basta siya yung leader-leader kuno ng Bangtan.

"Dun tayo sa restaurant nila Jimin!" mungkahi naman nung madaldal na lalake. Hoseok ata pangalan nun. Jusko, kalalakeng tao, matabil! Yung Jimin? Galante daw yun eh. Galante sa pera, pero poorita sa height. Keke

THE PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon