{bts} 03. Butterfly (On Stage: Prologue)

2.5K 127 66
                                    

Note: THE FOLLOWING SCENES ARE ALL WORK OF FICTION. IT DOESN'T REFLECT THE TRUE-TO-LIFE HAPPENINGS OF BTS. THIS STORY IS INSPIRED BY THE SONG BUTTERFLY AND THE ON STAGE: PROLOGUE VIDEO OF BTS. Kamsahamnida~



(Play video on media section for BGM)

BUTTERFLY

Jin's POV



4:56am

Kring! Kring! Kring!~

Nagising ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Nakapikit pa ang isa kong mata nang subukan kong silipin kung cellphone ko nga ba talaga ang tumutunog. And when I confirmed that the ringing cellphone was mine, I lazily picked it up and answered.

"Oh, V?" medyo paos kong tanong sakanya.

"Hyung."

Agad akong nahimasmasan mula sa aking pagkakatulog.

Iba ang boses ni V, ibang-iba sa 4D alien na kilala ko. Malungkot ang tunog ng boses niya--sa sobrang lungkot, parang gusto kong ibaba ang tawag na 'to at kalimutan ang boses niya. Hindi ako sanay, hindi ako sanay na makita o marinig siyang nasasaktan.


"Gusto kitang makita, hyung."


Napabalikwas ako kaagad mula sa kama. Umunat-unat muna ako saka nagsimulang magpalit ng damit. Kinuha ko ang susi ng kotse sa maliit na jar na nakalagay sa mesa saka lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng kotse. Maingat kong kinapa ang stereo habang nakatingin sa daan, dahan-dahan ko itong in-on saka naghanap ng magandang kanta.

Nasakto ako sa isang radio station kung saan pinapatugtog ang kanta nila EXO-sunbaenim. I kept on humming to the beat, sabay headbang ng kaunti. Maya-maya nakatanggap ako ng text. Tumigil muna ako saglit sa tabi ng daan para basahin ang text.


1 message from V:

Hyung, nandito ako sa abandonadong building. Puntahan mo ko.


Sa abandonadong building? Bahagyang kumirot ang ulo ko sa nabasa ko. Pumikit ako ng unti para maibsan ang sakit ng ulo ko, pilit ko ding pinakalma ang sarili ko. Nang maramdaman kong kaya ko na, pinaandar ko na ulit ang sasakyan at nagmadaling nagmaneho.

Ano ba kasing ginagawa dun ni V?

Bakit siya nandun?


Nang makarating ako sa abadonadong gusali na sinasabi ni V, agad ko siyang hinanap. Madilim ang loob nito. Binuksan ko ang cellphone ko at ginamit bilang flashlight ang flash ng camera. Muntik pa akong matalisod ng mga bagay na nagkalat sa loob. Maraming lumang kahoy at nagkalat na tuyong dahon.

Pinilit kong tinahak ang madilim na loob ng abandonadong gusali, kahit na medyo nangangatog na ang tuhod ko. Malamig ang paligid at kung ano-anong tunog mula sa iba't-ibang insekto ang naririnig ko. Sa di malamang dahilan, nakapasok ako sa isang maliit na kwarto.

Dead end.

Iyon na ang pinakasulok na silid sa gusali, pero wala pa rin akong V na nahahanap.

Ititext ko na sana siya ng mahagilap ng flash ng camera ko ang sahig.


Nangilabot ako sa nakita ko.

THE PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon