TRACK 7 - LET GO ; yoonmin
JIMIN
'Di ko mapigilang hindi mapatingin sa dako ni Hoseok hyung nang marinig ko ang malakas niyang tawa. Halos mapaupo siya sa sahig kakatawa, naniningkit ang mga mata, isang kamay nakahawak sa may tiyan na ang isa naman nakahawak sa kamay ni Yoongi hyung. Si Yoongi hyung, ang dahilan ng bawat halakhak at pagtawa niya ngayon. Mula sa reflection ng salamin, natanaw ko ang mukha ni Yoongi hyung, nakatawa din siya. Hindi ko magawang hindi mapansin ang mga tingin ni Yoongi hyung kay Hoseok hyung.
'Di ko rin mapigilang hindi mapabuntong-hininga. Marami akong oras na sinayang at mga pagkakataong pinalipas. Pero ganun talaga, wala na siguro akong magagawa kundi ang pagmasdan siya sa mula dito sa pwesto ko sa loob ng dance studion, pagmasdan siyang pagmasdan ang iba, pakinggan siyang tumawa dahil sa kung anong sinabi ni Hoseok hyung, makita siyang nakasandal sa balikat ni Hoseok kapag pagod siya galing sa studio.
"Jimin, may gusto ako sayo." pag-aamin ni Yoongi. Hindi ko alam kung nasabi niya 'yun dahil totoong may tama siya sa akin o sadyang malakas ang tama ng alak sakanya. Tarantado kasi talaga sila Jin hyung na pinilit sinama si Yoongi hyung sa inuman nila ni Namjoon.
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni hyung. At nagpapasalamat akong nakayuko siya ngayon para hindi niya makita ang tila pamumula at pag-iinit ng pisngi at tenga ko. "Hyung, anong s-sinasabi mo?" tanong ko, pinipilit ang sarili kong huwag magsisigaw sa tuwa o pumiyok sa kaba.
"Seryoso ako, Jimin. Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sakin, ako lang naman 'yung taong nangungulit sayo lagi na gawan ka ng music piece para sa dance routine mo, pero Jimin.."
Tumingin lang ako sakanya hanggang sa unti-unti rin siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Malinaw sa paningin ko ang pagtutubig ng mga mata niya, pati na rin ang panginginig ng kamao niya na 'di ko alam kung dahil ba sa kaba o dulot ng hanging umiihip ngayong gabi sa labas ng shared room namin ni Taehyung.
Masarap pakinggan ang mga ganung salita. Masarap sa pakiramdam 'yung malaman mo na may taong nandiyan para sayo, may gusto sayo, mahal ka. Pero kilala ko ang sarili ko, alam kong hindi ako nararapat para sakanya. Wala akong swerte sa mga ganitong relasyon. Takot akong masaktan o mapaiyak siya sa mga susunod na araw, na baka maglaho ang kinang sa mga mata niya at mapalitan iyon ng luha.
"Sorry, hyung" Tanging sagot ko saka pumasok sa loob ng kwarto at sinara ang pinto.
Papasok na sana kami ni Namjoon hyung sa coffee shop nang makita ko si Yoongi hyung sa loob na may kung anong kini-kwento kay Jungkook. Napansin ko agad ang pagngiti niya nang lumapit sa pwesto nila si Hoseok hyung na may dala-dalang kape na in-order nila. Agad akong tumalikod at akmang lalabas na sana nang hawakan ako sa balikat ni Namjoon hyung at tinaasan ako ng kilay, naguguluhan.
"Jimin naman, ano ba? Hindi sa lahat ng oras tatakbuhan mo si Yoongi sa tuwing makikita mo siya. Akala ko ba kaibigan mo pa rin siya, ba't parang hindi na ganun 'yung turing mo sakanya pakatapos mo siyang--" aniya.
"Mauuna na ako sa classroom, hyung," sagot ko, hindi na siya hinayaang tapusin pa ang gusto niyang sabihin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at winakli ang kamay niyang nasa balikat ko saka naglakas palayo.
Narinig kong napaungol sa inis si hyung. Wala akong pakealam. Basta ako, gusto ko lang makalayo-layo sa lugar na 'yun. Malayo sakanya, sakanila.
"Ikaw na nga 'tong nambasted, ikaw pang may ganang maging bitter at lumayo sakaniya?" pangaral ni Namjoon hyung, mabilis na naglalakad para makasunod sa akin.
BINABASA MO ANG
THE PLAYLIST
Short Story[SHORT STORY COMPILATIONS by dakilangswaeg 2015] random. otps and ships. fluff. angst. bangtan