{bts | JiKook pt1} 06 - Fools

1.1K 54 51
                                    

JiKook short story ; pt1  FOOLS



Jungkook's POV


"Jungkook, may assignment pala kayo sa Math."

"Hoy, Kookie, mababa na naman score mo sa English."

"Samahan kaya kita doon sa music instructor mo, gusto mo?"

"Hoy Jungkook! Hoy seagull!"

"Jungkook, kanina pa ako--"

"HYUNG PWEDE BA KUNG KUKULITIN MO KO NGAYONG HAPON, MAS MABUTI NA UMUWI KA NALANG! KANINA KA PA!" singhal ko kay Jimin. Nakakunot ang noo ko't nagsasalubong ang mga kilay nang sinigawan ko siya. Abala ako sa pag-aayos ng music sheets ko at ng earphone ko.

Imbes na magalit sa akin si hyung, ngumiti lang siya sa akin. Isang masayang ngiti, na pati mga mata niya ay parang kumikinang na hindi ko maintindihan. Ginulo-gulo ni hyung ang buhok ko saka pinulot ang ilang nalaglag na music sheets ko sa damuhan.

"High blood ka na naman. Tara, ililibre kitang ice cream para mapawi yang init ng ulo mo." natatawa niyang sabi habang inaabot sa akin ang music sheets.

Irita kong kinuha ang mga iyon sakanya saka sinilid sa loob ng bag ko.

"Ayokong sumama. Mag-isa kang kumain ng ice cream mo." inis kong sabi. Tumayo na ako sa inuupuan naming bleacher sa may soccer field saka mabilis na naglakad paalis ng campus.

"Yah!" sigaw ni Jimin sa akin. "Jeon Jungkook!"


Hindi ko na siya nilingon, mas binilisan ko pa ang paglalakad. Panigurado hindi na makakasunod 'yun sa akin. Sa ikli ba naman ng mga paa niya, imposibleng makasunod pa 'yun si pandak.

Napangisi nalang ako ng makaabot ako sa may gate. Paglingon ko ay walangPark Jimin na nakabuntot sa akin.


Tumungo ako sa may bus stop saka sumakay. Nang makahanap ako ng upuan sa may tabi ng bintana, agad kong sinandal ang ulo ko sa may headrest. Kinapa ko ang isang papel sa may bulsa ng bag ko saka kinuha ito at binasa.


Official representative of Busan School of Performing Arts

13th Daesang Performing Arts Competition 2016

Jeon Jungkook, 8th grade, Singing Category


Masaya kong itinago ang cerificate na nagpapatunay na official candidate na ako sa prestihiyosong patimpalak na 'yun. Pakiramdam ko tatalon mula sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang tuwa. Sa halos isang daan na sumabak sa Preliminaries, nakasama ako sa top 10 at irerepresent niya ang eskwelahan nila sa contest. Halong kaba at pressure ang nararamdaman ni ko pero mas nangingibabaw ang tuwa. Kapag tinanghal siyang panalo sa Dasaeng Contest, ipapadala siya sa Seoul at doon naghihintay sakanya ang napakaraming oportunidad bilang mang-aawit.

Tanging ako at ang music instructor at vocal coach ko lang ang nakakaalam na napasok ako sa Preliminaries ng Daesang. Pero panigurado ako, bukas na bukas ay kakalat ang balita. Matapos kasi ang ilang taon, ay may muling magrerepresent sa Busan School of Performing Arts sa Singing Category.

At ako 'yun.


Napatingin ako sa may unahan at napakunot ang noo ko nang mapansin na hindi pa umaandar ang bus kahit puno na ito. Nakatingin din sa may pintuan ng bus ang ilang pasahero at may kung anong pinaguusyosohan. Bahagya akong tumayo at natanaw ko sa unahan ng bus si Jimin hyung na mukhang nakikipagtalo sa driver ng bus. Hindi ko sila marinig pero base sa mga galaw ng kamay nila, tila ba pinagsasabihan ng driver si Jimin hyung na wala nang bakante sa loob at kailangan na niyang bumaba.

THE PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon