2nd PartJeon Jungkook's POV
Isang masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa backstage; kakatapos lang kasi ng isang contestant mula sa kabilang eskwelahan. Pumikit ako habang pinapakalma ang sarili ko. Pinapakalma ko ang mabilis na kabog ng puso ko, hindi pwedeng maging basa ang mga palad ko mamaya sa pagpiano.
Sinipat ko ang noo ko, chini-check kung wala na akong sinat. Matapos kasi ng pangyayaring nosebleed nung isang araw, nagpacheck up ako sa doktor kasama ang muisc instructor ko. Ang sabi, dala lang naman daw yun sobrang pagod.
Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko, rason para mapalingon ako.
"Kaya mo 'yan, Jungkook-ssi. Magaling ka, wala ka dapat alalahanin. Nanunuod ang mga kaklase at magulang mo ngayon." Sabi niya sa akin.
Bahagya akong ngumiti saka tumango.
Dumating na ang isa pang contestant. Ngumiti ako sakanya, and even wished him goodluck. Natatandaan ko siya, siya yung second sa Daesang noong nakaraang taon. Hindi pa siya nagsisimulang tumugtog, may mga nagtatapon na sakanya ng rosas at bulaklak—ganun kataas ang expectation ng tao sakanya.
Napaatras ako sa backstage, napi-ppressure na naman ako. Tatalikod na sana ako ng may mapansin akong bumukas na pinto sa audience area. Napakunot ang mga noo ko habang tinitingnan ang isang lalake na nakikisiksikan na makaupo sa unahan. Kasama niya ang nakababata niyang kapatid, kung hindi ako nagkakamali. Nang makumpirma kong siya nga 'yun, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa tuwa at excitement.
Pumunta siya.
Andito si Jimin para manuod.
Ni hindi ako mapakali sa backstage habang hinihintay kong matapos ang performance nung contestant. Nanginginig ang mga kamay ko, para bang nangangati na itong diinan ang keyboard ng piano. Kinokondisyon ko din ang lalamunan ko para maayos ang pagkanta ko.
Hindi ako makapaniwala na sa loob ng ilang araw na pagliban ni Jimin sa klase, dito kami sa contest venue muling magkikita. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko; kinakabahan, natutuwa, napipressure, excited, natatakot na baka mapahiya ako sa harap nila. Pero bukod sa lahat, mas nangingibabaw pa rin ang excitement kong pumunta sa entablado, kumanta at maiparinig sa unang pagkakataon ang performance ko kay Jimin.
"Let us now welcome, contestant number 8 from Busan School of Performing Arts—Jeon Jungkook!" napatingin ako sa stage nang marinig ko ang pangalan ko galing sa emcee.
Itinutok sa may bukana ng exit kung saan ako lalabas ang spotlight. Huminga ako ng malalim, inayos ang suot kung suit saka dahan-dahan na naglakad papunta sa may stage. Malakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao, nakita ko din ang mga magulang kong nakatayo at pumapalakpak sakin. Gumaan lalo ang loob at bahagya ko silang nginitian.
Halos hindi ko makita ang mukha ng ilang tao dahil medyo dim ang lights sa audience area pero sa kabila noon, angat na angat ang aura ni Jimin. Nakikita ko siya sa gitna ng maraming tao. Unti-unti akong kumalma.
Umupo na ako sa harap ng piano. Inunat ko ang mga daliri ko saka nilapag sa keyboards ng piano. Huminga ulit ako ng malalim saka nagfocus.
"Kailangan mo lang isipin 'yung taong nagpapasaya sayo habang tumutugtog ka."
"Kailangan mo lang isipin 'yung taong nagpapasaya sayo habang tumutugtog ka."
"Kailangan mo lang isipin 'yung taong nagpapasaya sayo habang tumutugtog ka."
BINABASA MO ANG
THE PLAYLIST
Short Story[SHORT STORY COMPILATIONS by dakilangswaeg 2015] random. otps and ships. fluff. angst. bangtan