A/N: at dahil nawala ko ang plot ng story nato at hindi ko na mahagilap sa isip ko kung ano dapat ang mangyayari sa kwentong to… bahala nalang kayong umintindi basta idinugtong ko nalang sya sa EP-10… balak ko sana hwag nang tapusin to kaya lang feel ko ang kwento nato eh at gusto ko mag-sulat ngayun echos;;;; here it goes pero parang wala namang kwenta ang UD ko kaso kailangan lang sa susunod na EP!!! pasensya na ito lang ang nakayanan......... ****
Pagkagaling ni Zanjoe sa bahay ni Slater agad na syang pumuntang munisipyo at mabilis namang natapos ang kanyang kailangan doon –malaki ang pasalamat nya sa dating kaklase na ngayun ay doon na nagtatrabaho para sa tulong nitong ibinigay sa kanya –kinuha nya ang kanyang celphone at nag text –magkita tayo sa lugar
Oh Alex saan ka pupunta –tanong ni Tin sa kaibigan ng mabilis itong nagligpit ng gamit
May pupuntahan lang ako saglit lang to -sagot naman ng kaibigan
Saan nga –harang ni Tin sa pintuan
Ngayun kasi ang usapan namin nung may ari ng place na gusto natin –sagot naman ni Alex pero hindi tinitingnan ang kausap
Lex sigurado ka na ba dito? –akala ko ba pagka graduate na natin? –papano kung ngayun na nila kailangan ng pera –saan tayo kukuha ng ganon kalaki
Ano ka ba bakla –makipag-usap palang ako –kung hindi talaga pwedi e di bibitawan nalang natin hanap nalang ulit tayo ng pwesto –oh sige padaanin mo na ako –baka mamaya hindi ako mahintay noon
Gusto mo samahan kita? –alok ni Tin
Hwag na dito ka na lang diba may mga sponsor na dadating ikaw na bahalang umasist kay donya Judith –pagkasabi mabilis na kinuha ni Alex ang kanyang bisikleta at umalis –tinanaw nalang siya ni Tin mula sa window glass ng opisina ng foundation
Senyorito -pukaw ni Alex sa lalaking nakatayo sa harap ng bakanting establishment
Alex nadyan ka na pala –baling naman nito –tsaka ano yun? –senyorito? –batukan kita dyan e –biro ni Zanjoe –tara na doon tayo –yaya ni Z kay Alex papuntang McDo –maghanap ka ng maupuan natin ako ng mag-order –ano bang gusto mo? –saad ni Zanjoe
Kahit ano Z ikaw na bahala –sagot naman ni Alex habang iniikot ang mata nito sa lugar
Mabilis naman din naka order si Zanjoe at inabot nya kay Alex ang isang order –sabay abot nito ng envelop
Ano to? –tanong ni Alex habang sumusubo ng fries
See it for yourself –nakangiting sagot naman ni Zanjoe –pero Alex yung usapan natin ha –hindi muna pweding malaman ni Christine to? –darating din yung araw na ipaalam mo sa kanya to –pero sa ngayun ingatan mo to kung hindi –bitin na sabi nito at sumubo ng burger
Kung hindi ano? –patay tayo kay Tin? –patuloy ni Alex sa sasabihin ni Zanjoe –bakit kasi ayaw pang ipasabi eh
Alam mo naman diba –kanina nga dumaan ako sa kanila –may pina deliver si Slater na washing machine –ayun galit na galit –alam mo naman yang kaibigan mo e –kaya itago muna natin sa kanya to –at least kung alam nyang ikaw ang gumawa ng paraan matutuwa yun
So kilan ko dapat ibigay sa kanya tong mga document nato na magpapatunay na ang itatayo naming negosyo ay kanya pala? -Hoy –untag ni Alex nang bigla nalang bumuntong hininga si Zanjoe na pagkalalim-lalim
Basta malalaman mo din kung kilan mo dapat ipaalam sa kanya ang lahat
Masayang bumalik si Alex sa Foundation at agad nyang niyakap ang kaibigan –bakla pwedi na nating umpisahan ang pagtayo ng negosyo natin –masiglang balita ni Alex dito