EPISODE 14

190 4 4
                                    

Happy 19thMonthsarry SLATINs pasensya na kung medyo dramatic ang mga scenes dito iyon lang kasi ang tinakbo ng imahenasyo ng inyong abang lingkod e sana ma-enjoy nya pa din kahit papano******

So totoo pala ang balita na umasinso kana? –agad na bungad ng kadarating lang nang di inaasahang bisita –kapwa natulala si Tin at Alex ng makita si Luz –tinitigan lang ito ng dalawa nang matagal –ano hindi mo man lang ba ako aalukin ng maiinom Anna

Anong ginagawa nyo ho dito? –bagkos na tanong ni Tin sa tiyahin

Ganyan ka na ba ngayon bumati sa akin ha Anna –anong pinagmamalaki mo itong maliit na shop nyo ng kaibigan mo?

Ano ba talagang sadya mo dito?

Kailangan ko ng tulong mo –diritsang sagot naman ni Luz

Huh!!! –nagpapatawa ka ba? –at sa akin ka humihingi ng tulong ngayon –kung gusto mo nang matitirhan –sorry po pero wala po akong bahay na mapapatuluyan sayo –barong-barong lang po ang bahay namin ni Kobe dahil sinanla mo sa bangko ang bahay na pinaghirapan ng mga magulang ko –galit nyang pahayag sa tyahin –matagal nya nang gustong isumbat ito pero ngayon lang sya nagkalakas loob na harapin ang tyahin –at ngayon ho iba na ang may ari ng bahay na iyon  -kaya kung gusto mo nang matitirhan wala po akong magagawa para dyan

Hindi bahay ang kailangan ko Anna pera –may sakit ako kailangan ko ng gamot –malumanay nang saad nito

Tindi nyo rin tita no –ayoko sanang manumbat pero sa twing naalala ko kayo at yung ginawa nyo sa amin ng kapatid ko –hindi ko mapigil ang sarili kong magalit ng paulit ulit sa inyo ng anak mo –kayo ang sumira sa maganda sana naming kinabukasan –hindi na napigil ni Tin ang kanyang sarili dahil sa inis nya sa tyahin nakapag salita sya dito ng masakit

Bibigyan mo ba ako o hindi ang dami pang sinasabi –galit na baling nito sa pamangkin

Sandali lang po –mawalang galang na po ha -  singit ni Alex sa dalawa –ang kapal din naman ng pagmumukha nyo ho ano? –kayo na nga ho tong nangangailangan ng tulong mula kay Tin –kayo pa ang galit –oh ito isang daan umalis na ho kayo dito bago pa ako magpatawag ng polis

Hindi pa tayo tapos Anna makikita mo

Anong makikita ni Tin –si Alex na ang sumagot –nakapameywang pa itong hinarap si Luz –sisirain mo ulit ang buhay nya? –hindi na ngayon nag-iisa si Tin aling Luz kaya mag-isip-isip ka muna bago ka gumawa ng hakbang dahil hindi ko na hahayaan na ulitin nyo pa ang kawalang hiyaang ginawa nyo sa magkapatid –layas na ho at hwag na hwag na ho kayong magkakamaling bumalik pa dito –hay!!! –galit na bumuntong hininga si Alex –aga-aga nambubwesit –nasabi nalang nito bago nya binalingan si Tin na naupo sa dulong bahagi ng waiting area ng shop nila

Tinay –nag-alalang dinaluhan nya ito dahil tahimik itong umiiyak

May sakit sya alex pero pinagsabihan ko pa din ng masama

At naniniwala kang may sakit yun? –halos pasigaw na saad ni Alex –ganon ba ang may sakit umasta? –hindi ako naniniwalang may sakit yun Tinay –oo sige malamang may sakit nga sya –kunsumisyon baka hinahabol na sya ng mga pinagkakautangan nya at nabalitaan nyang kumikita kana at dahil alam nyang mabait ka –pwedi ba Tin for once kalimutan mong kamag-anak mo yun

Alex alam mong hindi pwedi sila nalang ni Den ang kamag-anak namin ni Kobe –naiiyak pa ring saad ni Tin

At kayo ba tinuring nilang ganon kahit noong buhay pa ang mga magulang nyo ha? –ni minsan ba naramdaman mong tinuring nila kayong kamag-anak –mahinahon ngunit galit paring saad ni Alex –sige na umuwi ka na muna ako na munang bahala dito –iling lang ang sinagot ng dalaga –oh sya kung ayaw mong umuwi ayusin mo yang sarili mo baka malasin tayo ng araw nato –mahaba-haba pa kaya ang bubunuin natin –nakangiti na ito ngayon –mabilis naman ding pinahid ni Tin ang kanyang mga luha at inayos ang sarili

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon