Hindi sagana ang buhay ni Anna Christine Dizon –hindi rin naman salat –may saya –may lungkot –kung baga isang tepikal na buhay ang meron siya kasama ang mga magulang at kapatid
Malaki ang lupain ng mga magulang ni Tin –pagsasaka ang kinabubuhay nila –may taniman ng palay –gulay –saging –mais –at kung anu-ano pang makikita sa bukirin
Kung tutuusin hindi dapat sila maghihirap dahil sa lagi namang sagana ang ani ng mga ito –dahil ang mga magulang mismo nito ang nag-aaruga ng kanilang sakahan -kung sila lang ang nakikinabang ng lahat ng ani -pero hindi dahil nakapisan sa kanila ang kapatid ng ama kasama ng anak nito si Luz –sa kanila rin ito nakatira simula mamatay ang mga abuelo –may isang anak sa pagkadalaga si Luz si Deniesse –magkababata sila pero para silang aso’t pusa –parang hindi magpinsan laging mainit ang dugo ni Deniesse kay Tin –at laging sinasabi ng mga magulang ni Tin na intindihin nalang ang pinsan total naman daw ay siya ang mahaba ang pasensya
Harvest season –pinangako ng mga magulang nila Tin na ipasyal silang magkakapatid sa Enchanted Kingdom tuwang –tuwa ang dalawa lalong lalo na ang kapatid nitong si Kobe -kahit kasi sa Laguna sila nakatira pero ni minsa hindi pa sila nakapasyal sa pamusong pasyalan dahil sa laging sabi ng ama nila na hwag unahin ang kaprestso
Sabi ng ama nila pagkatapos daw nilang mag deliver ng kanilang ani ay pag-uusapan nila ang pagpunta sa Enchanted Kingdom –pero maghahating gabi na hindi pa rin dumating ang mga ito
Aaaateee ggggutttommm nnna Kkkooobeeee –sabi ni Kobe sa kanyang ate
Si Kobe ang pinakamamahal nyang kapatid ay mentally challenge –siya ang matyagang nag-aalaga nito pagkagaling sa school dahil ayaw ni Kobe na iba ang nag-aalaga sa kanya gusto nya ang ate Tin lang nya o kaya si Mama at Papa nila
Si Tin din ang matyagang nagtuturo kay Kobe magsalita at magsulat na kahit hindi nakakapasok sa school ay marunong itong magsalita, magbasa at magsulat
Aaaattteee mammaataaggaggaaaal paaaa baaa siisiilaaa uuuuwiii mamma pappppaaaa –guugutooommm naaa Koooobeee eeehhh –reklamo ni Kobe
Hindi ko nga alam bunso eh –dapat kanina pa sila naka uwi baka natraffic lang sila sa Manila –pag-aalo naman nya sa kanyang kapatid -kumain ka nalang ha susubuan ka ni Ate okay?
Aaaayaw –gusstoo hinnntayyy mamma papppa –maktol ni Kobe
Pero sabi mo gutom ka na –alo naman sa kanya ni Tin –sige kain ka na muna tapos pagdating nila mama at papa kain ka uli –okay bayun?
Ookkkayyy –sagot naman ni Kobe
Hangang sa makatulog nalang si Kobe hindi pa rin dumating ang kanyang mga magulang –kinabahan na si Tin kaya ginising nya na ang kanyang tyahin
Tita –katok ni Tin sa kwarto ng tyahin--tita -tita Luz pukaw uli ni Tin
Ano ba Anna nang-iisturbo ka eh malalim na ang gabi ba't ayaw mo pang matulog nandadamay kapa -sa lahat ng taong nakakasalamuha ni Tin ang tyahin lang ang bukod tanging tumatawag sa kanyang Anna -palahaw ng kanyang tuyahin
Tita kasi hindi pa rin dumating sina mama at papa eh -makikibalita lang sana ako kung tumawag sila sa sayo? -tanung ng dalaga
Ay naku wala hindi sila tumawag -matulog kana -maya maya lang darating din ang mga yun -baka nagka abirya lang ang sasakyan nila -at sinarado na nang tiyahin muli ang pinto ng kwarto
Matamang naghihintay si Tin sa mga magulang hangang sa may kumatok sa kanilang pintu-an -sa pag-aakalang ang mga magulang na ang dumating mabilis na binuksan ni Tin ang pinto kahit na nagtataka kung bakit walang tunog ng jeep nila na huminto sa bakuran