Masayang nagsalo-salo ang mga malalapit na tao sa buhay nina Alex at Tin sa pagtatapos ng dalawa sa kolehiyo -katulad nung opening ng shop nila –pero si Tin hindi mapakali –hindi mawala ang tingin nya kay Zanjoe na masayang nakipag-usap sa mga kaibigan at kay Slater -hindi nya maipaliwanag kung ano pero may nararamdaman syang kakaiba
Christine –pukaw sa kanya ni donya Judith dahil tahimik lang syang nakaupo sa isang sulok –bakit ka ba nagmumokmok dyan –dapat magsaya ka kasi celebration nyo ito ni Alex
Uhmm ok lang naman po ako donya Judith –pagdadahilan nya
Oh e bakit ka nga nandyan lang sa sulok?
E kasi donya Judith
Christine ano bang bumagabang dyan sa isip mo ha –tanong ni donya Judith ng hindi nya tinuloy ang sasabihin
Kasi po –nakayukong sabi nito –kanina po kasi
Christine –look at me –utos sa kanya ni donya Judith –what is it?
Si Z
Oh ano namang tungkol sa nobyo mo?
Kanina po kasi bigla nalang sumakit ang ulo nya –buti nalang po mabilis syang nakapag break –kwento nya dito –may hindi po ba ako alam?
Naku baka nalipasan lang ng gutom yun –sagot ni donya Judith at bigla nalang itong tumayo sa pagkaka-upo dahil baka mahalata ni Christine na naging uneasy sya –sandali lang iha ha aasikasuhin ko lang yung mga sponsor natin sa foundation
Sige po –tanging nasabi ni Tin at binalik ang atensyon sa pagtingin sa boyfriend –pero hindi na nya ito makita sa pinagpwestuhan kanina
Bro –pwedi ba kitang maka-usap –bulong ni Zanjoe kay Slater –tumango naman ang huli –nung tumayo si Zanjoe agad naman sya sumunod dito –medyo bumalik na sa normal ang lakad ng huli –sa loob sila ng kwarto ni Zanjoe nag usap
Anong meron Z bakit kailangan pa dito sa kwarto mo? –usisa ni Slater
Slater I need favor from you –diritsang saad ni Zanjoe
What is it?
Can you look after Christine and Kobe for me? –while I’m away –for the meantime? –seryosong tanong ni Z sa pinsan
Why? -where are you going?
I need to go back to States –please? –I just want to make sure they are safe –and that Tin will not get hurt again –gusto ko lang may magbantay sa kanila
How long? –and alam mo namang hindi ako pinapansin ng kasintahan mo di ba?
Bro –hindi mo naman kailangan sundan sya lage e –siguraduhin mo lang na ok sila –pwedi kang magtanong kina Alex oh kina Jhonna –kay kuya Eting –o kaya si Kigoy ang palapitin mo
Z –what wrong? –putol ni Slater sa mga sinasabi nito
Nothings wrong bro –I just want Tin and Kobe be safe –and wala naman akong alam na pweding gumawa nun maliban sayo –alam kung concern ka sa kanila kaya kung ok lang sana sayo na gawin ang request ko –pero kung ayaw mo naman ok lang din –lets go back downstair –at nagpati-una na itong lumabas ng kwarto –hindi na hinintay ang sagot ng pinsan
Nagkasalubong si Tin at Zanjoe ng palabas ang huli sa main door –mahal saan ka galing? –tanong ng dalaga dito
Sa kwarto lang mahal may kinuha lang kami ni Slater –sabay tingin nito sa nakasunod na pinsan –halika –hinawakan nya ang kamay ni Tin at giniya ito palabas ng bahay –kahit medyo madilim na at may mga bisita pa sila –naglakad silang dalawa na magkahawak kamay