EPISODE 7

539 8 10
                                    

Ma -pukaw ni Zanjoe sa inang busy sa pag-aalaga ng kanyang mga halaman -nagpasabi kasi si Eting sa asawang si Aps na hindi makakapasok ngayung araw gawa nang nagpapatulong ang bagong kapitbahay nilang magkumpuni ng kung ano man sa bahay

Anu yun anak -baling naman ng donya sa anak

Ma -diba may plano kang magtayo ng foundation para sa mga walang kayang mga estudyante ngunit matatalino naman? -tanung pa nito sa ina

Oo inaayos ko pa ang mga documento anak -bakit ba? -hwag mong sabihing nagbago ang isip mo at hindi mo na ako tutulungan sa project kung to -diba napag-usapan na natin to ng mga kapatid mo 

No Ma -hindi ako magbaback-out -lagot ako kay Viney at Fritzie nyan -may ipapaki-usap lang sana ako -kung pweding kumbinsihin mo si Tin na bumalik sa pag-aaral kahit sa gabi sya pumasok para pwedi nyang iwan kina Kuya Eting si Kobe -sayang kasi Ma -matalino kasi sya at alam kung mataas ang pangarap ng mga magulang niya bago sila nawala -paliwanag ni Zanjoe sa ina

Dont worry son -pipilitin ko si Tin na bumalik sa pag-aaral kung papayag sya dito nya ewan sa atin si Kobe

Thank you Ma -sabay yakap nito sa ina

Anak -alam ko namang mahal na mahal mo si Tin bakit mo pinahihirapan ang sarili mo

Ma natatakot kasi ako na bumalik si Slater kapag nakita nyang OK na naman kami ni Tin -lalaki din ako ma naramdaman kung may gusto ang pinsan ko kay Tin -ayokong nasasaktan lage si Tin Ma -lahat na pweding makapagpasaya sa kanya yun ang nanaisin ko para sa kanya

Pero anak -mahal ka naman ni Tin di ba? ano bang pinag-alala mo?

Alam ko naman Ma na mahal nya ako at pinipilit ni Tin ibigay sakin lahat ng kaya nya pero nararamdaman ko na naghohold back pa din sya -siguro dahil sa mga naranasan nya sa buhay ayoko namang napipilitan lang sya gusto ko totoong magiging masaya sya -kaya ako nalang muna ang lalayo sa kanya kahit na masakit sakin pero di naman po ibig sabihin na pabayaan ko na sya -tutulungan ko pa din sila sa kahit na anung paraan

Senyorito pupunta lang po ako sa bayan ha wala na kasi tayong stock eh mamimili lang ako -paalam ni Kigoy sa kanyang among si Slater

Ewan mo ako dito mag-isa pano pag may kailangan ako sino aalalay sakin -bulyaw naman nito sa katiwala

Naku po -naku po senyorito easy ka lang baka po pag nagulat ako eh ma toothbrush kita -

Ano? tanung naman nito dahil di nya maintindihan ang ibig sabihin ng kasama

Ay sabay kamot nito sa kanyang batok -dont worry po senyorito -may nakausap na po ako na titingin sa iyo pag may kilangan ka sumigaw ka lang -mabait namann ang mga bago nating kapitbahay eh -kaya alam kung mapagkakatiwalaan 

Oh sya sige na umalis kana at nang makabalik ka kaagad -may pa dont worry dont worry kapa dyan -hindi na nag-abalang magtanung si Slater sa kasama kung sino ang iniwan nitong makakasama nya sa pag-aakalang si Eting ito dahil ito lang naman ang tanging nakaka-alam sa kalagayan nya ngayun

Medyo tanghali na at hindi pa naka balik si Kigoy mula sa bayan kaya nag pasya nalang si Tin na magluto nalang baka kasi magutom ang amo ng bagong kapitbahay at kaibigan -mabait naman kasi si Kigoy sa kanila ni Kobe kaya nung nakiusap ang huli na kung pwedi eh ito muna ang tumao sa bahay hindi sya nagdalawang isip na pumayag -at sa rasong sobrang na miss nya ang dati nilang bahay -kahit man lang sa ganitong paraan nakakapasok pa din sya sa bahay nila dati

Natapos na syang magluto ngunit wala pa din si Kigoy kaya sumaglit lang muna siya sa kanilang kubo upang pakainin ang kapatid total naman hindi naman tumawag ang amo ng kaibigan ang bilin naman kasi tsaka lang nito pupuntahan kapag tumawag -naisip nya baka nagpahinga lang kasi sabi may sakit daw ngayun ang amo nito

SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon