EPISODE 10

233 7 1
                                    

Nang makarating si Slater sa bahay tinulungan ito ni Eting sa pag-akyat pagka-alis ng huli dahan-dahan syang pumunta sa favorite spot nya sa bahay at doon binuhos ang oras sa pag-iisip kung papano makakabawi kay Tin –alam kung galit na galit ka sa akin at hindi ko alam kung mapapatawad mo pa nga ako pero hinihiling ko na sana balang araw makapa mo sa puso mo ang patawarin ako hindi man ngayun sana balang araw

Hindi namalayan ni Slater na inabot na pala sya ng gabi –nagising siya sa mahinang tapik ni Kigoy sa kanyang balikat –boss bakit dyan ka natulog tara na ho sa loob –tumalima naman ang huli ng tulungan sya ng katiwala sa pagtayo –may kailangan ka pa boss? –iling lang ang sinagot ng binata –kaya iniwan na sya nito matapos maihiga ng maayos

Pabaling-baling sa Slater sa kanyang higaan hangang sa nagising syang pawisan –habol nya ang kanyang hininga ng makabangon –ilang gabi na rin syang nanaginip ng babaing umiiyak at pinagtatawanan lang nya nagmamakaawa yung babae sa panaginip –Tin I’m sorry hindi nya napigilang mai-usal

Tin anong plano mo after graduation –tanong ni Alex kay Tin na naka-upo sa kabilang cubicle ng foundation office

Maghanap ng trabaho syempre para sa kinabukasan namin ni Kobe –saad naman nito sa kaibigan –Ikaw anong plano mo?

Magtrabaho din para makapagtayo ng negosyo –nakangiting turan naman nito na parang pini-picture ang maaring mangyari sa buhay niya –Tin magtayo kaya tayo ng negosyo kahit maliit lang pero alam nating atin talaga tayo ang boss hindi na natin kailangan magpa-alila –dagdag pa nitong pahayag sa kaibigan

Alex gustuhin ko man pero wala naman akong capital pang share para sa naisip mong negosyo –sagot naman nito –anong negosyo ba ang gusto mong itayo?

Alam mo bakla sabi naman ni Alex habang papalapit ito sa pwesto ni Tin umupo ito sa harap ng dalaga at hinawakan ang kamay para tumigil ito sa ginagawa at ituon ang atensyon sa kanya –meron akong maliit na ipon pwedi natin yung gawin capital tapos yun nalang ang papalaguin natin –o di kaya mangutang tayo kay donya Judith babayaran naman natin kapag umayos na ang negosyong itatayo natin –gusto ko sana photoshop maliit lang tapos bibili na rin tayo ng photocopier doon natin itayo sa bayan syempre sa malapit sa school meron na akong nakitang space sana lang pagready na tayo available pa yung lugar –masayang pahayag ni Alex

Kakayanin kaya natin lex? –alinlangang tanong ng dalaga

Ano kaba wala kaba talagang bilib sa mga sarili natin –kaya natin kakayanin natin

Alex salamat ha –kung hindi dahil sayo siguro tuluyan na akong

Ssshhh –putol sa kanya ng kaibigan –kung hindi naman din dahil sa akin hindi masisira ang buhay mo –sorry bakla ha wala din kasi akong alam na pweding pagkukunan ng ganoon kalaki nung mga panahong iyon e –malungkot na pahagay ni Alex –kung sana nakilala mo si donya Judith nung mga panahong nangangailangan ka ng tulong –patuloy pa nito

Alex ano ka ba kung hindi din dahil sa tulong mo baka mas lalong sira ang buhay ko dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa kapatid ko –kaya hwag mong sisihin ang sarili mo –ako naman yung pumayag di ba? –kaya smile na hindi bagay sayo bakla ang magdrama pang comedy ka e –biro ni Tin sa kaibigan

Dahil sa plano nilang magkaibigan mas lalong nagsikap ang dalawa para makaipon para sa sisimulan nilang negosyo oras na makapag-tapos na sila ng pag-aaral

Pati gabi ginawang araw ng magkaibigan –si Tin nagdagdag ng mga tinatanggap na labada para makapag-ipon lang ng sapat –maliban kasi sa gamot ni Kobe medyo mahal din ang binabayaran nya sa skwelahan nito –ayaw naman nyang mangyari na hindi makapag-aral ang kapatid –kahit sa kabila ng kahinaan ng kapatid gusto pa rin nyang may normal na buhay ito –ayaw naman nyang tumanggap ng tulong mula sa kasintahan sapat na sa kanya na alam nyang nariyan lang ito sa oras na kailangan nya ng karamay

SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon