Tita -hihingi sana ako ng pera pang enroll ko po sa kolehiyo -kausap ni Tin sa tyahin
Naku Anna -pwedi bang sa susunod na semester ka nalang mag-enroll baka kasi hindi ko maalagaan si Kobe ng maayos pati na itong bahay -sa Manila kasi mag-aaral ang pinsan mo -kaya kilangan ko ring lumuwas maya't -maya
Hay naku Tin -sabad naman ni Deniesse -hwag ka nalang mag-aral -dahil walang magbabantay sa kapatid mong abnoy -alam mo naman yang hindi naman nagpapalapit ng ibang tao yan -kaya kahit na kumuha pa si mama ng mag-aalaga dyan para magkapag-aral ka -hindi rin magtatagal
Sobra ka naman Deniesse kung makatawag kang abnoy sa kapatid ko parang hindi mo sya pinsan -maktol ni Tin
At bakit hindi ba totoo ang sinabi ko -bakit sa tingin mo normal ang kapatid mo -tingnan mo nga yan -turo pa ni Deniesse kay Kobe
Oo alam kong may deperensya ang kapatid ko pero hwag mo naman ipagdiinan -dapat nga ipagtanggol mo pa sya dahil kamag-anak mo eh -pero ikaw pa itong nangungutya sa kanya -sagot naman ni Tin sa mga pahayag ni Deniesse
Oy kayong dalawa dyan tumigil na nga kayo sa bangayan nyo -para kayong asot pusa -awat ni Luz sa dalawa
Eh kasi si Tin mama eh -sumbong pa nito sa ina
Tama na sabi -Anna alam kung gusto mong mag-aral pero sa sitwasyon natin ngayun mahihirapan tayo kung sabay kayo ni Deniesse papasok
Pero Tita -Deniesse hindi pweding hindi ako mag-aral -pangako ko po kina mama at papa na magtatapos ako
Eh wala na nga sila diba -mabuti sana kung nandito sila dahil sila ang mag babantay kay Kobe eh wala nga diba patay na -shunga ka talaga kahit kilan -dagdag pa ni Deniesse
Makalipas ang ilang buwan napapansin ni Tin na hindi na nag-uuwi ang tiyahin at pinsan nya sa Laguna -kaya nagtataka naman ang huli kung bakit -hangang isang araw may postman na dumating at hinanap siya -ako po Si Anna Christine Dizon -ano po yun? -saad naman nya sa nagtatanung na postman
May Sulat po kasi para sayo galing sa bangko -saad naman ng huli
Bangko? -nagtataka man ay tinanggap na rin nya ang sulat -matapos maka perma sa receiving umalis na ang postman -naiwang nagtataka naman si Tin -at laking gulat nya nang mabasa na kailangan nilang lisanin ang bahay dahil sa hindi pagkakabayad mula sa pagkakasanla nito sa bangko at kailangan na itong elitin ng bangko -papanong naisinla tong bahay? -sino? -imposibling sina mama at papa dahil pinaghirapan nilang ipatayo to para lang isanla sa bangko -mga tanung na naglalaro sa isip ni tin ng mga sandaling iyon -kaya nagpasya ang dalaga na pumunta sa bangko -kasama ang kapatid na si Kobe dahil wala naman syang mapag-iwanan sa bata dahil may pasok ang kapitbahay na si Aps at Eting na tanging nilalapitan lang ni Kobe
Nanlumo si Tin sa napag-alaman na ang Tita Luz nya pala ang nagsanla ng bahay nila ilang buwan matapos mamatay ang kanyang mga magulang -bininta nya na nga ang bukurin at jeep pati bahay sinanla pa nya -saang kamay ako ng diyos kukuha ng 150,000 pesos sa loob ng isang buwan -kung ang pinagkakakitaan ko lang ay ang paglalabada at pagiging serbedora sa restaurant ni Mam DJ -magkano lang ba kita ko -sa gamot pa nga lang ni Kobe kulang na -kausap ni Tin sa sarili -habang naglalakad sila pauwi
Aateee -aanu poo nangyayaaarii -saka lang nagbalik sa kasalukuyan si Tin ng marinig ang kapatid
Ha? -wala may iniisip lang ang ate
Pagkarating nila Tin -agad syang pumunta sa bahay ni Eting at Aps -habang si kobe naman ay naglalaro sa bakuran nila
O Tin kumusta ang lakad mo -bungad ni Aps -
Ate Aps -sinanla pala ni Tita Luz ang bahay -binigyan ako ng isang buwan ng bangko na palugit para mabayaran yung utang na 150,000 pesos -nanlulumong kwento ni Tin kay Aps -saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera ate Aps -pinaghirapan nila mama at papa na ipatayo ang bahay na yan -saad ni Tin habang tinitingnan ang bahay nila -saan ko ititira si Kobe ngayun -alam ko ate Aps kahit magtrabaho ako magdamang hindi ako makaka-ipon ng ganun kalaking pera sa loob ng isang buwan