EPISODE 3

581 10 11
                                    

Makalipas ng ilang araw nakalabas na rin si Kobe sa hospital -ngunit parang ayaw parin tantanan ang magkapatid ni tadhana -dahil pagdating nila sa kanilang bahay ay nandoon na ang mga tauhan na pinadala ng bangko para paalisin sila at ang ibang gamit nila ay nasa labas na -mabuti na lamang at naayos na nila Eting at Aps ang maliit na kubo na lilipatan ng magkapatid -yung ibang gamit na hindi inangkin ng bangko at hindi naman kakailanganin ng magkapatid ay napagpasyahan nalang nilang ibenta at ng may kunting pera silang magamit

Oh Alex -di ba off mo tonight? -may show ka ba? -tanung ng kanyang amo

Ahmm wala po Sir -ibabalik ko lang tong pera na pinabigay mo dun sa nakasama namin -ayaw nya kasing tanggapin tama naman daw po yung natanggap nyang bayad -pahayag ni Alex sa amo

Ha! -gulat namang saad ng amo ni Alex -kakaiba yung kakilala mo ha -sya lang yung nakilala kong nangangailangan ng pera na ayaw tanggapin yung binigay na tip -Alex matanung nga kita -sino ba talaga yun? -hindi siya isang -ngunit hindi nya maipagpatuloy ang gustong sasabihin sana

Oo sir -hindi sya  isang bayarang babae nagkataon lang na wala na syang ibang makakapitan at kailangan nya ng pera dahil buhay ng kapatid nya ang nakasalalay -ito po Sir -sige po salamat aalis na po ako -paalam ni Alex sa amo

 Dahil nataon naman na nandon sa bar ang magkaibigan at nakita ni Ryan ang may-ari ng bar si Slater na mag-isa lang sa table na inokupa ng magkakaibigan kaya nilapitan niya ito -Dude sabay abot ng maliit na sobre -untag ni Ryan kay Slater naging kaibigan na rin kasi nila ito dahil pinakilala ito nila David sa ibang kaibigan 

Ano to Dude -tanung nman ni Slater kay Ryan sabay abot ng sobre at sinilip nya ito -bakit? -at tinaas pa nya ng bahagya ang naturang sobre

Hindi daw tinanggap nung babae yan -tsaka ayaw sabihin ng tauhan ko ang totoong identity nung babae dude -hindi na rin ako nagpilit dahil sa nagpa-alam kung hindi naman pala talaga bayaran yun -napilitan dahil nasa bingit ng kamatayan ang kapatid -balita ni Ryan sa napag-alam

Dude -tulala kana naman dyan -puna ni David sa kaibigang si Slater -ano ba talaga ang nangyari sayo ha -ilang buwan kanang ganyan ah -ibalik mo na yung Slater na kaibigan namin please -pakingkoy na saad pa ni David

Sira -sagot naman ni Slater 

Seriously dude -tayo lang naman ang nandito gusto mo pag-usapan -total nasa dance floor pa sina Jerico at Anthony -hindi kasi nila kasama si Carlo sa lakad nila tonight busy kasi ito sa paghahanda sa nalalapit na kasal nila Marjie

Hindi dude okay lang ako 

Dude kilala kita siguro hindi kasing lalim ng pagkakilala ni Carlo at Jerico sayo pero dude matagal na rin tayong magkaibigan kaya kilala na kita -pansin ko lang kasi pagbalik natin dito sa Manila after nung stag party ni Carlo ganyan ka na -siya ba ang dahilan nyan?

Ha -sinong siya? -gulat namang tanong ni Slater

Yung babae na kasama mo -mabilis namang sagot ni David

Hi-hindi -tanggi naman ni Slater

Kung hindi sya sino oh ano? -dude tinapik pa ni David ang balikat ng kaibigan -if you want to keep it secret then fine -but if ever you want to open it up we're all here -btw wala kabang balak sagutin yang phone mo kanina pa yan ring ng ring ah girlfriend mo ata yan

Tumango lang si Slater bilang sagot -pero bago makatayo ang kaibigan bigla itong nagsalita -dude thank you 

Kanina pa naka uwi si Slater at nakahiga pero ayaw pa din syang dalawin ng antok kahit na nakainom sya kanina sa bar kasama ang mga kaibigan -dahil sa twing ipipikit nya ang kanyang mga mata ang magandang mukha ng babaing yun ang lage nyang nakikita -sino ka ba talaga -saan kita pweding makita? -ano ba meron ka bayaran ka lang pero bakit ginugulo mo ang buhay ko -pati relasyon ko sa girlfriend ko nanganib na masira dahil hindi ka maalis sa isip ko -kausap ni Slater sa kanyang sarili

SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon