Makalipas ang ilang araw na hindi pagkikita ni Tin at Zanjoe -nagkaroon din sila nang pagkakataon na magsalubong -nang daanan ni Zanjoe si Eting para magtungo sa bukurin -tag-ani kasi kaya kailangan nilang maaga pupunta
Nilapita siya ni Tin -Z pwedi ba tayong mag-usap -simula ng dalaga -noon pa man gusto ko nang sabihin sayo ang nakaraan ko pero ayaw mo akong pakinggan -akala ko tanggap mo talaga kahit ano pang klaseng tao ako
Tin -putol naman nito sa dalaga -Oo tanggap kita kahit ano pa ang nakaraan mo -pero ang hindi ko matangap bakit si Slater -bakit ang pinsan ko pa -sa malungkot na boses nito -
Sorry -sabi ni Tin -hindi ko alam kung sino ang maging customer ko ng gabing yun -hindi ko rin alam na kamag-anak mo sya -tukoy nito kay Slater
Tin -putol nya ulit dito saka nalang muna tayo mag-usap -marami pa akong gagawin -masakit pa kasi dito -turo nito sa kanyang puso -baka mas lalo kitang hindi maintindihan -ayokong mawala pagmamahal ko sayo -sa ngayun hayaan mo muna akong sarilinin kung anu man nandito -turo nito sa kanyang dibdib at sentido
Si Slater hindi mapakali -ni isa sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan wala itong narinig basta nagbihis lang sya kasama ng iba -ngayun kasi ang araw ng kasal ng kaibigang si Carlo at Marjie
Brod -tawag sa kanya ni Jerico -ano bang problema mo ha? babae? -kumanta pa ito ng bahagya
She maybe the face i cant forget , A trace of pleasure or regret, maybe my treasure or the price i have to pay
Ssshhh -saway ni Slater dito -tumigil ka nga Jerico -ayusin mo na yang buhok mo ok -ngunit parang walang narinig ang kaibigang patuloy na kumanta
She maybe the beauty or the beast, maybe the famine or the feast, may turn each day into a heaven or a hell
Kaya pinili na lang ni Slater na lumabas sa naturang silid at nagpasyang hintayin nalang ang mga kaibigan sa labas ng hotel -habang naghihintay ang huli -naisip nya ang huling tangpong ginawa nya -alam nya lubhang nasaktan si Tin -wala mang ekspresyon ang mukha nito pero sa dami ng luhang nag-unahang kumawala sa mga mata nito -alam nyang masakit -ano ba kasing nangyayari sayo Slater -bakit ba gusto mong nasasaktan ang babaing yun sa twing magkakalapit kayo -hindi ka naman nya inaano -wala naman syang ginawang masama sayo -pero bakit ayaw mo syang hayaang mamuhay ng tahimik -ahhh -iling naman nya -nakokonsensya kalang Slater -kausap naman ng isang bahagi ng kanyang pagkatao -humingi ka na lang ng sorry nasa kanya na yun kung tatanggapin nya o hindi basta mag-sorry ka -naputol lang ang kanyang pagmuni-muni nang lumabas na ang mga kasama para pumuntang simbahan
Kahit sa reception parang wala sa sarili si Slater sunod lang sya ng sunod sa kung ano man ang pingawa ng mga naroon sa kanya -dahil sa hindi kasundo ng barkada ang girfriend nyang si Deniesse kaya hindi imbitado ang huli -pero hindi pa rin ito nagpa-awat pumunta pa rin ito -kaya para walang gulong mangyari nagpasya nalang si Slater na umalis na rin sa reception -at inuwi si Deniesse
Ngayun pala ang kasal nila Carlo at Marjie hindi mo man lang ako sinabihan -tampong saad ng kanyang kasintahan -hangang ngayun ba hindi pa rin ako tanggap ng mga kaibigan mo? -ano ba kailangan kung gawin para maging kaibigan din nila ako? -patuloy ni Deniesse
Ngunit lahat ng sinasabi nito ay wala syang naintindihan -patuloy lang syang nagdrive hanggang sa makarating sila sa bahay ng dalaga -pagkababa ni Deniesse agad na pinatakbo ni Slater ang kanyang sasakyan -nagtataka man ang dalaga wala na itong nagagawa dahil mabilis na nakalayo ang sasakyan ng boyfriend
Hindi alam ni Slater kung saan sya pupunta -hindi nya namalayan na binaybay nya na ang daan papuntang Laguna -dumiritso ang huli sa bahay ni Tin -agad syang kumatok sa pintong kahoy ng bahay ng huli -agad naman syang napagbuksan ni Tin