WHEN SHE FALL IN LOVE
By: XIUNOXKI
(ANG KUWENTO ITO AY KATHANG ISIP LAMANG... O, HINDI?)
"'Yong feeling ng ma-in love? Matamis? Nakakakilig? At iyan 'yong, ayaw mo siyang mawala sa paningin mo. Gusto mo sa 'yo lang siya. Gusto mo, ikaw lang ang tinitingnan niya. At ayaw mong pahawakan siya sa iba, kahit dulo ng daliri niya, o kahit dulo ng kuko niya..."
Ganyan ma-in love si Krisabel. Pero wala pa siyang naging nobyo. Pero in love siya, matagal na.
Isang tricycle ang huminto sa tapat ng tindahan ni Krisabel. Bumaba ang binata na nagpahinto sa oras niya na feeling niya nasa romantic movie siya at napakabilis ng tibok ng puso niya. "Hi, Bel!" matamis ang ngiting bati ng binata. Iyan ang kinalolokohan niya, si Jose. Isang tricycle driver, binata, guwapo, matipuno, mukhang mabango kahit pawisan, at ang pinakahinangaan niya rito ay ang dalawa nitong dimples sa magkabilang-pisngi.
"Hi, Jose!" kilig na tugon ni Krisabel na may pagguhit pa ng puso sa hangin.
"Pautang naman, kahit isang bote ng long neck lang. Nagkayayaan kasi ang tropa," sweet na hiling ni Jose.
Pa-sweet din ang ikinilos ni Krisabel pero mabilis pa sa kisapmata. Agad niyang inabutan ng dalawang bote ng alak si Jose. "Dalawahin mo na. Baka mabitin kayo ng tropa mo," malambing na sabi niya.
Sinadyang mahawakan ni Jose ang kamay ni Krisabel nang kunin nito ang mga bote ng long neck na nakalagay na sa plastik. "Salamat, Bel," pasasalamat ng binata na may kasamang kindat at pagpapalalim ng mga dimples sa mukha bago ito umalis sakay ng tricycle.
Hindi naman magkamayaw sa kilig si Krisabel na parang gusto nang maihi. Patalon-talon pa siya sa loob ng maliit niyang tindahan. Kung nililista niya lang ang mga nakuha ni Jose sa tindahan niya, isang notebook na ang nakonsumo niya. Ulila na si Krisabel, at mag-isa na sa buhay dahil wala naman siyang kapatid. Sampung taong gulang siya nang mamatay ang kanyang ina, at noong isang taon naman namatay ang kanyang ama. Malayo sa mga kabahayan ang bahay nila na may mataas na bakod. Pero hindi naman siya nalulungkot sa buhay niya kahit mag-isa lang siya at ni kaibigan wala. Para sa kanya kasi, kasama niya lang lagi ang mga magulang niya at binabantayan siya. At may Jose siya na inspirasyon niya para magpatuloy sa buhay at maiisipang huminga paggising sa umaga.
Bago pa lang sa baryo nila si Jose. Galing itong Maynila at ngayon nakatira sa lola nito. Ulila na rin si Jose at wala ring kapatid. Nang unang makita pa lang ni Krisabel ang binata ay humanga na siya rito. Nasakay siya nito sa minamaneho nitong tricycle nang galing siya sa bayan at namili ng paninda. Hinangaan niya ang lakas nito nang buhatin nito ang mga bigas na pinamili niya. At nang malaman niya ang kuwento ng buhay nito sa pagiging ulila rin nito, naisip niyang itinadhana silang magkakilala at magsama. Halos isang taon at kalahati na niya ring minamahal ang binata. Na ewan kung lihim dahil mukhang inuuto na siya nito at ginagamit ang charm nito para mapautang niya.
"Akin ka lang, Jose," usal ni Krisabel. Lumabas pa talaga siya ng tindahan niya para tanawin ang binata. At nagdisesyon siyang maagang magsara ng tindahan.
Naligo si Krisabel na todo kuskos sa katawan at tatlong beses pa nagsabon at nag-shampoo. At kanina, limang beses siyang nagsipilyo. Nakangiti siyang pumasok sa kuwarto niya para magbihis. Makikita sa kuwarto niya ang mga koleksiyon niya ng mga pictures ni Jose na nakadikit sa mga dingding na palihim niyang kinunan. Mga kuha sa kung saan-saang lugar. Pina-print niya ang mga pictures na may iba't ibang sukat. Ang pinakamalaking picture ay nilagay niya pa sa frame. Ang pinakapaborito niya sa mga litrato ay ang kuha ni Jose habang mahimbing na natutulog sa bahay nito. Pina-print pa niya ang isang litrato kung saan mahimbing na natutulog si Jose sa punda ng unan niya na lagi niyang yakap kapag matutulog na siya, hahalikan niya ito bago pumikit at hahalikan muli pagkagising niya sa umaga.
BINABASA MO ANG
HORROROSAN
HorrorLOVE. HATE. REVENGE. DEATH. OO, KUWENTONG KATATAKUTAN ITO. HUWAG MAG-ISIP NG KUNG ANO. (SHORT STORY & ONE SHOT COLLECTION) (HORROR, MYSTERY/THRILLER) PS: PASENSIYA NA KUNG NAND'YAN SA COVER ANG MUKHA KO. HAHA!