Chapter 12

12.2K 222 0
                                    

Aileanna's POV

Nandito na ang lahat sa hotel.

Ay, hindi pala lahat wala pa
pala si Jhean.

Nakapagtataka nga kung bakit wala pa siya eh nauna sila ni Jc na pumunta dito.

Hindi ko naman malapitan si Jc dahil marami siyang inaasikaso na bisita.

Maya maya pa ay nakita ko si Ellize na papalapit sa aking kinaroroonan.

Nung nakalapit na siya sa- akin nagtanong siya ng pati ako ay hindi alam ang sagot.

"Nakita mo ba si Jheanna? "

"Kanina ko pa nga hindi nakikita eh."


"Tara dun sa labas abangan na lang natin siya dun kung darating man siya."


Naglakad na kami papunta sa labas para dun namin siya abangan kung darating man siya.


Sana naman hindi niya gagawin yung mga sinabi niya sa akin nun.

Maya maya pa ay may tumugil na sasakyan sa harapan namin. Nakahinga ako ng maluwang nung nakita ko siya na lumabas sa sasakyan.


Nilapitan naman agad siya ni Elize nung makita niya ito.

Saan naman galing tong babaeng to at may putik yung gown niya?


"Ohh my god. Jhean where have you been at bakit ngayon ka lang nandito? Saka  bakit puro putik yang gown mo ha?"  Sunod sunod na tanong ni Ellize sa kanya.

"Cemetery." Tipid na sagot ni Jhean at halata sa kanya ang lungkot siguro namimiss niya lang sina tita.

"Ano ka ba naman bagong kasal ka pa lang sementeryo na agad ang pinuntahan mo." - Elize

Napailing na lang ako sa sinabing yun ni Elize pero si Jhean napangiti lang sa kanyang sinabi.

"Tara na dun at ng makapag palit ka na ng damit." aya nito.


Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa isang room para dun na siya mag palit ng damit.

John Caleb's POV

Nangunot ang noo ko nung makita ko si Jheanna na kararating lang at puro putik ang gown niya.

Saan naman kaya to nanggaling? Napailing na lang ako at binalik ko ang atensyon ko sa kausap ko.


Matapos kong aasikasuhin ang mga bisita namin napag desisyunan ko na lumabas muna saglit para magpahangin.

"Where are you going?" Pag tatanong sa akin ni Mom.

Hindi pa nga ako nakakalayo nagtatanong na siya agad.

" Hindi pa nga dumarating si Jheanna eh aalis ka na."

Dumating naman na siya. Kaso hindi ko na lang yun sinabi.

" Sana nga hindi na lang siya dumating eh." pabulong kong sabi.


"May sinasabi ka?"


"Sabi ko po mag papahangin lang ako sa labas."

And with that tumalikod na ako sa kanya para maka alis na sa lugar na yun.

Nung nakalabas na ako napa buntong hininga ako dahil hindi pa rin ako maka paniwala na ikinasal na ako and it's not my dream wedding and not for the right person.


" Ang lalim ata ng pinag hugutan natin ng hininga ah."

Napatalikod agad ako nung marinig kong may nagsalita sa likuran ko.

At mas kinagulat ko pa nung makita ko si Carl na naka pamulsa habang nakatingin sa langit.


Agad akong tumakbo tsaka ko siya inakbayan at ginulo ang kanyang buhok.


"Uii ano ba! Huwag mo namang pagtripan yang buhok ko."


Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at tuloy pa rin ako sa pag gulo sa kanyang buhok.

"Buti naman at nakarating ka."

"Aba! Hindi naman pwede na palampasin ko yung araw ng kasal mo no. Kaso hindi ko nasaksihan kung paano kayo nagpalitan ng vows." Naka ngisi niya sabi.



Kung hindi ako kinasal hindi na talaga siya dadalaw dito sa Pilipinas?


I forgot siya nga pala si Carl Adrian Sanchez kapatid siya ni Elli at siya lang naman ang isa na sa tinuturing kong kapatid kahit na pinsan ko siya.

Lagi siyang busy sa business na pinahawak sa kanya ni tito Arnold kaya nakapagtataka na nandito siya ngayon.

"Tsk! Kung hindi pala ako kinasal ngayon hindi ka pupunta dito sa Pilipinas ngayon?"


Nagkibit balikat lang siya sa tanong kong yun at pumasok na sa loob kaya sumunod ako sa kanya.

Jheanna's POV

Habang nag uusap kami nina Eli nakita ko si kumag papalapit sa amin at may kasama siyang lalaki.

Nung nakalapit na siya sa amin . pinakilala niya sa amin yung kasma niyang lalaki.


"Hey! I want you to meet my cousin Carl Adrian Sanchez."


Sanchez? Kaanu ano niya kaya si Elli?

"Hai guys." Nakangiting bati niya sa amin.

Well gwapo din naman siya kaso mas lamang parin si Jc, hindi naman sa kumakampi ako sa kaniya pero yun naman kasi ang totoo.


Tumingin siya sa akin bago siya nag salita.


"So you must be Jheanna." sabi niya sa akin na nakangiti kaya ngumiti na lang din ako.

Buti pa siya palangiti hindi tulad ng isa diyan.

" Hello sister wala ka lang man bang sasabihin? sabi niya habang nakatingin kay Elli.

Ahh so magkapatid pala sila ni Elli.


" It's nice to see you here kuya." -Elli


"And you are?" baling niya kay Lean na kanina pang walang imik sa likuran namin.

Bago pa mag salita si Lean ay nagsalita ulit siya.

"You must be my sisters personal maid." sabi niya.

Masyado namang maganda ang kaibigan ko para mapagkamalan niyang maid.



" Anong sabi-" hindi natapos ni Lean ang sasabihin niya dapat dahil nag salita si Tita Carmina.


" I want to thank you all for coming today and I hope your enjoying this party because this will be the celebration of my son's wedding."


Pumalakpak naman yung mga tao at bumaba naman siya dun sa mini stage at naki salo sa ibang mga bisita.

I'm Married to a MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon