Jheanna Anne's POV
Ngayong araw na ang hatid namin sa hantungan ng anak ko.
Umuwi na rin ng bansa sina Elize at Jacob nung malaman nila ang nangyari.
Yung kasal naman nina Carl at Lean na magaganap sa susunod na buwan ay napostponed dahil sa pagkamatay ng kanilang inaanak.
Nagsimula na naman akong maluha ng makita ko nang tinatabunan ng lupa ang kabaong ng anak ko.
Nung mga nakaraang araw lang ang saya saya namin tapos ngayon parang nawala na lahat nang yun kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana binigay ko lahat ng oras ko sa kanya.
Sana naturuan ko siyang magsalita ng tagalog para kahit papano marunong siya ng tagalog sana naibigay ko lahat ng gusto niya bago pa siya namatay sana naicelebrate niya man lang ang fifth birthday niya.
Ang daming sana na hindi ko man lang nagawa minsan nga iniisip ko kung I'm worth it to be his mother.
"We're sorry for your lost." Yan ang karaniwang sinasabi ng mga tao bago sila umalis matapos matabunan ng lupa ang kabaong ng anak ko.
"Mauna na kami sa'yo Jhean I hope you can overcome this." Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango.
"Thank you Bliss sa pagpunta." Nginitian niya lang ako, tinap niya ako sa aking balikat bago umalis.
"Jhean let's go." Aya sa akin nina Lean pero umiling lang ako.
"Mauna na kayo susunod na lang ako."
"Pero --" Hindi na siya natapos dahil inunahan siya ni Carl.
"Tara na andiyan naman si Jc hayaan muna natin sila." I just gave them faint smile.
Nakatayo lang ako dun hanggang sa may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likuran.
"Let's go." Agad akong umiling sa sinabi niya kaya medyo lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin.
Hinarap ko siya at tiningan sa kanyang mata at ngumiti, I'm sure I'll miss him badly.
"Can we talk?" Nangunot naman yung noo niya pero kalaunan ay tumango rin siya.
Nandito kami ngayon sa isang French Restaurant dahil dito ang naisipan niyang puntahan.
Hindi ko ginagalaw ang pagkain na inorder niya dahil wala akong ganang kumain.
"Sorry huh." Panimula ko ayaw ko nang umiyak dahil pagod na rin ako.
Magsasalita sana siya pero pinigilan ko siya.
"Ako lang dapat ang mag sasalita kung maari huwag kang sumabat." Pagtataray ko sa kanya na siyang nag pangisi sa kanya.
"Sorry kasi hindi ko napakilala ng maaga yung anak natin. Sorry dahil sa akin hindi mo siya nakasama ng matagal." Huminga ako ng malalim.
"Ayos lang dahil kahit papano nakilala ko siya at nakasama kahit sa konting panahon lang." Ngumiti naman ako dahil naiintindihan niya.
"Isa rin sa rason kung bakit kita gustong maka usap ay." Huminga muna ako ng malalim bago tinuloy ang sasabihin ko.
"Ay gusto kong mag paalam."
Napakunot naman yung noo niya dahil sa sinabi ko.
"Bakit ka nag papaalam?"
"Gusto kong lumayo at mag isip isip and I need to fix myself."
"But I can help you fix it." Agad akong umiling dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Millionaire
Teen FictionA simple girl who is forced to marry a millionaire because her parents won't be able to pay the money they borrowed from the Fuentes family ...