Jheanna Anne's POV
Nandito kami ngayon sa mall kumabaga ba part two kuno ng family bonding namin ayon kay Jc dahil sa nakaraang araw biglang tumawag yung parents niya at pinapunta kami dun sa mansyon nila.
"Baby where do you want to go?" Tanong ko kay baby Mj habang naglalakad.
"I want to watch a movie." Sabi niya habang tumatalon talon.
"Stop jumping baby you might slip in the floor." Pagbabanta ni Jc sa kanya kaya tumigil ito sa pagtalon.
"What movie do you want to watch?" Malumanay kong tanong sa kanya.
"Kungfu Panda 3." He said in excitement.
Nagkatinginan kami ni Jc sa isa't isa at sabay na napatawa.
Bumili na kami ng ticket saka bumili ng pop corns at tuluyan ng pumasok sa loob ng sinehan.
★★★
Matapos naming manuod ng sine nagyaya si baby Mj na kumain kaya nandito kami ngayon sa jollibee dahil dito niya gustong kumain.
"Mommy I want more fries."
Ngumiti ako saka inabot sa kanya ang fries na malapit sa akin.
"Bakit hindi na natin siya turuan kung paano mag salita ng tagalog nang sa ganun maintindihan niya." Kibit balikat na suggestion ni Jc.
" I'm looking for it, masyado na kasi akong busy this past few days."
"Ano kaya kung kumuha tayo ng isang private totur para sa kanya?"
Napatingin ako sa kanya ng masama dahil sa sinabi niya.
"What? Its just a suggestion."
I rolled my eyes as I looked at him seriously.
"Nandiyan naman si Lean na pwedeng magturo sa kanya kung may free time siya."
"Sabagay."
Hindi ko na siya sinagot at binaling ko na lang ang tingin ko sa anak ko na kanina pa tahimik.
"I don't understand the both you."
"Its not that important baby so you don't need to know okay."
He just nodded as an answer so I just shut my mouth and eat quietly.
Matapos naming kumain nag libot ulit kami at tumingin na rin ng mga damit para kay baby Mj lumalaki na kasi siya kaya marami na sa damit niya ang hindi niya masyadong nagagamit dahil hindi na kumakasya sa kanya.
Dumiretso kami sa Arcade dahil yun ang request ng anak ko.
Pagkapasok namin bumili na ng token si Jc.
"Daddy I want play that also." Turo niya dun sa may laruan ng basketball.
Walang sabi sabi ay binuhat niya ang anak namin at naglakad patungo dun sa kinaroroonan ng game.
"Huwag mo na ngang pinag bubuhat yang anak mo dahil matanda na yan." Panenermon ko sa kanya.
This coming month ay magfafive years old na siya kaya hindi ko na siya binubuhat.
"Ikaw nga binebaby mo pa rin siya."
Napa irap na lang ako dahil totoo yung sinabi niya.
"Maglaro na nga lang kayo." Yun lang ang sinabi ko at pumunta sa isang upuan dito.
Masaya ko silang pinapanuod na naglalaro ng basketball dahil ang cute nilang panuorin.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Millionaire
Teen FictionA simple girl who is forced to marry a millionaire because her parents won't be able to pay the money they borrowed from the Fuentes family ...