Nandito pa rin ako sa bahay tutal wala naman daw pasok ngayon sa trabaho si Lean kaya nag stay muna ako.
Mamaya na lang siguro ako uuwi.
"Nag paalam kaba sa asawa mo nung umalis ka sa inyo?"
"Hindi." Tipid kong sagot sa tanong niya.
"Bakit naman hindi? Pano kung mag alala yung tao dahil hindi ka umuwi?"
Napatawa ako sa sinabi niyang yun. Yung lalaki na yun mag aalala sa akin? Kalokohan.
"Bakit ka tumatawa?"
"Pasensya na hindi ko napigilan ei."
"Bakit nga?"
Tumigil na ako sa pag tawa at hinarap siya.
"Ehh kasi natawa ako sa sinabi mong yun."
"Wala namang nakakatawa sa sinabi kong yun ah."
"Pano naman kasi sinabi mo na mag aala sa akin yung lalakeng yun eh malabo namang mangyari yun."
Tumayo na ako sa pag kakaupo ko at nag simulang maglakad papunta ng kusina.
Pero napatigil ako dahil sa sinabi niya.
"Pano kung oo? Hindi naman natin yun masasabi diba?"
Napangisi ako sa sinabi niyang yun tsaka nag salita.
"Malabong mangyari." Sagot ko na walang kaemo emosyon at tuluyan na akong pumasok ng kusina.
***
Alas dos na ng hapon ng makarating ako dito sa mansyon ng mga Fuentes.
Dapat kaninang 9 pa ako umuwi dito pero nag pumilit ako na dun muna ako kung hindi nga ako pinilit ni Lean na umuwi siguro bukas pa ako umuwi dito.
Lumakad na ako papasok ng mansyon para maihanda ko na yung mga gamit ko dahil may usapan kami nina Lean at Elli na pupunta kami ng Baguio for a short vacation.
Para bang bonding rin namin yun dahil matagal tagal na rin na hindi kami nag sama at nagkita.
Paakyat na ako ng hagdan pero napatigil ako dahil may nagsalita mula sa likuran ko.
"Where have been at bakit ngayon ka lang umuwi?"
Alam ko ng si kumag yung nagsalita dahil boses lalaki at siya lang ang lalaki sa bahay na to maliban lang sa mga driver at body guards.
Tumalikod ako para harapin ang naka ngunot at seryosong mukha niya.
"Ahh s-sa bahay d-dinalaw ko l-lang si L-Lean." Kanda utal utal kong sagot pagka harap ko sa kanya.
Teka lang bakit ba ako nauutal? Wala naman akong kasalanan sa kanya. Just stay calm Jhean.
"And you didn't even bother to ask my permission o di kaya sana ay nag paalam ka man lang sana kay manang Iza bago ka umalis." Nag simula ng tumaas ang kanyang boses.
Nakaramdam ako ng takot dahil sa pagtaas ng kanyang boses.
Pero bakit ba ako natatakot? Inhale! Exhale! Kaya mo yan.
"Sorry na. Ehh hindi-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan niya akong magsalita.
"At tapos ngayon alas dos kanang umuwi yan ba ang tamang oras para sa may asawa na umuwi huh?"
Aba teka nga lang muna bakit ba siya nagagalit eh wala naman akong ginawang masama ah.
"Bakit ka ba nagagalit?"
Napa face palm siya dahil sa tanong kong yun.
"Bakit ako nagagalit? Bakit? Sino bang hindi magagalit kung ang asawa mo man lang ay hindi umuwi ng isang gabi at inumaga siya ng uwi? Sige sabihin mo sinong hindi magagalit dun?"
Ano? Teka ano bang paki alam niya? Akala ko ba napag usapan na namin to?
"Bakit ka ba nangingi alam? Diba ang usapan walang paki alaman?"
"Pasensya na huh kung nangi alam ako hindi ko lang maiwasan na mag alala."
O_O
Ano daw?
Mag alala?
Ohh my G! He's worried? Totoo ba yun nag aalala siya para sa akin?
"Anong sabi mo nag aalala ka sa akin?" Pagtatanong ko sa kanya dahil gusto ko lang linawin kong totoo man yung narinig ko.
"N-nag aalala ako sa'yo? Hindi ah. Bakit naman ako mag aalala sa'yo?" Tapos nun umalis na siya sa harapan ko at tinungo ang dining area.
Tsk! Magdedeny pa siya? Halata na nga ehh.
Napangiti na lang ko dahil sa sinabi niyang yun. Naglakad na lang ako paakyat sa taas.
Hindi ko na masyadong iisipin yung sinabi niya at baka maistress lang ako mahirap na.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Millionaire
Teen FictionA simple girl who is forced to marry a millionaire because her parents won't be able to pay the money they borrowed from the Fuentes family ...