Chapter 38

9.2K 156 0
                                    

Jheanna Anne's POV

It's been 1 month since Lean and I started to work at Thaokhamlue.



Masaya naman ang pagtatrabaho ko dun dahil masayang kasalamuha yung mga empleyado dun sa Thaokhamlue.



Kaso pag minsan na-oOP kami ni Lean dahil nagsasalita sila ng Thai at hindi english kaya tatahimik lang kaming dalawa pero kahit papano hindi sila mapanghusga.



Well anyway's nandito ako ngayon sa kwarto at nag aayos para sa pagpasok ko sa trabaho.



Tamang tama na mataposaong makapag ayos may kumatok sa pituan.



"Jhean, kain na." Sabi ni Lean matapos itong kumatok.



"Sige sunod na lang ako."



Narinig ko na lang ang yabag ng kanyang paa paalis. Lumabas na rin ako para kumain dahil medyo nakaramdam na rin ako ng gutom.



Pagkababa ko dumiretso na ako sa dining area at nakita ko dun sina Jacob at Lean na naka upong hinihintay ako.



"Ang tagal mo! Gutom na ako eh." Pagmamaktol ni Lean.



Hindi ko na lang siya kinibo at umupo na sa upuan. Biglang sumama yung pakiramdam ko nung makita yung ulam namin na fried egg and ham.



"Wala na bang ibang ulam diyan?"Ttanong ko sa kanilang dalawa.



"Wala na yan lang yung naluto na ulam." Sagot ni Lean habang sumusubo ng kanin.



"Kumain ka na nga  ang dami mong arte."



Hindi naman ako maarte eh, dahil sa sinabi ni Lean pinilit ko pa ring kumain kahit na gusto nang bumaliktad ng sikmura ko.



Pangatlong subo ko na nung hindi na talaga kinaya ng sikmura ko kaya agad akong pumunta sa sink para ilabas ang kinain ko kanina.



Nakakainis naman to! Lastweek pa tong nangyayari sa akin tuwing umaga pag gigising ako tatakbo agad ako sa banyo para sumuka oh di kaya pag kumakain tulad ngayon.



"Ano ba yan, lastweek pa yan ah! Bakit hindi kana mag pacheck up baka kung ano na yan. " Alalang sabi ni Lean pagkabalik ko.

I'm Married to a MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon