Chapter 21

12K 223 3
                                    

Papunta na ako ngayon sa office ng lalaking yun dahil may gusto daw siyang ipagawa sa akin.

Dito na rin pala nagtatrabaho si Lean dahil hindi na daw  siya komportable sa hotel ngayon.

Ewan ko ba sa babaeng yun maganda na nga sa hotel na yun pupunta pa siya  sa isang opisina.

Kung si Elli naman ang itatanong niyo pinatigil na rin siya ng kanyang mga magulang kaya siya na ngayon ang nag mamanage sa business nila dito sa Pilipinas.

Habang naglalakad ako  papuntang  office ni kumag may narinig akong nag babangayan  nagmumula  ata dun sa may elevator.

Hindi pala nag babangayan dahil parang yung babae lang ang nagagalit dahil siya lang ang nagtataas ng boses.

Lalagpasan ko sana sila nung makita ko na si Carl and Lean pala yung nag babangayan.

Hindi nga pala ulit nagbabangayan dahil si Lean lang ang galit samantalang si Carl pa cool lang.

Ngayon na nilalapitan ko sila maririnig ko na yung mga pinag sasabi nila.

"Akala mo kung sino ka ah." Lean

"Nag sorry na nga ako diba!"
Carl

Bago pa makapag salita si Lean agad akong sumingit sa kanila.

"Lean?"

Napatingin naman siya sa gawi ko at agad akong nilapitan.

"Umagang umaga nagsisigaw ka diyan."

"Hee! Tumigil ka nga diyan. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Pinapunta kasi ako ng kumag na yun dahil daw may ipapagawa sa akin." Kibit balikat kong sagot sa tanong niya.


"Sinong kumag?"

Napatingin agad ako sa likuran ko para tingnan kung sino yung nagsalita.


Sa laking gulat ko nakita ko si kumag na naka kunot yung noo niya na nakatingin sa akin.


"Ah eh-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nag salita ulit siya.


"To my office now."


Bossy ah kala mo naman kung sino.

Hmmpp!

Nag paalam na ako sa dalawa at sumunod sa kanya papuntang office niya kuno.


Carl's POV

Hey! My name is Carl Adrian Sanchez.


Siguro alam niyo naman na kapatid ko si Elizabeth ano.


Nandito ako ngayon sa company ng pinsan kong si Jc.


Nag punta ako dito dahil wala lang. Wala akong magawa kaya napagtripan kong pumunta  rito.


Habang nag lalakad ako sa may hallway nang may  biglang bumangga sa akin kaya hindi ako naka ilag.


Kalalabas lang niya sa elevator. Pano ko nalaman?


Ehh kakabukas lang nung elevator eh.


Magsasalita pa lang ako nung naunahan niya akong magsalita.


"Pwede ba naman mister tumingin ka sa dinadaanan mo." Sabi niya habang inaayos yung mga gamit niya.



Aba at ako pa ngayon ang hindi nakatingin sa dinadaanan ko? Siya kaya tong hindi naka tingin ehh.


I'm Married to a MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon