Pag kapasok ko ng kwarto napa talon ako pahiga sa sofa na tinutulugan ko for almost a month or more.
Gusto ko munang umidlip ng kahit limang minuto dahil medyo inaantok na ako at medyo pagod na rin ako.
Siguro mamaya ko na lang aayusin yung mga gamit ko 2:15 pa lang naman.
***
Naalimpungatan ako dahil sa tunog na nang gagaling sa phone ko.
Inaantok pa rin ako kaya tamad ko itong kinuha sa may side table na malapit sa akin.
Bahagya kong binuksan ang isa kong mata para tingnan kung sino ang tumatawag.
- Lean Calling -
Pinindot ko na yung answer button para sagutin ang kanyang tawag.
"Hello?" Tamad kong sagot.
"Anong hello? Kagigising mo lang ba?"
"Bakit ka ba tumawag?"
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na 5:00 ng umaga tayo aalis ng bahay dahil mahaba haba pa ang byahe natin buk-"
Agad akong napabangon sa aking pagkakahiga para maayos ko na yung gamit ko.
3:30 na pala kaya iniwan ko na sa sofa yung phone ko at kinuha yung bag ko sa ibabaw ng cabinet na paglalagyan ko ng mga gamit ko.
Binuksan ko na yung cabinet at kumuha ng ilang mga gamit ko.
Hindi naman kami siguro magtatagal dun sa Baguio kaya hindi ko kailangan ng maraming damit kaya hindi na ako nag abala pang kumuha ng maraming damit.
Habang nilalagay ko na yung huling damit ko sa bag ay narinig kong bumukas yung pintuan.
Akala ko si manang Iza ang nagbukas nito kaya hindi ako nag abalang tumingin sa may pintuan.
"Manang, may kailangan po ba kayo? Pagtatanong ko ng hindi man lang siya nililingon.
Wala akong narinig na tumugon kaya lumingon na ako.
Pero sa laking gulat ko hindi si manang Iza yung nakita ko kundi si JC na nakatayo na nakasandal sa pintuan habang naka pamulsa.
Kumunot yung noo niya nung makita niya akong nag aayos ng gamit ko.
"Ahh! Hehe ^_^. Kaw pala yan akala ko si manang Iza."
Pero hindi niya pinansin yung mga sinabi ko at tumingin siya sa bag ko.
"Planning to leave again without even bothering to say a word?"
Napalunok ako sa kaba dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Ahh ehh sasabihin k-" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.
"Kung naka alis kana?"
"Huh?"
"Do I have to repeat my words?"
Pinagpapawisan na ako ng malamig pero hindi ko pa rin mahanap ang mga dapat kong sabihin sa kanya.
Teka nga muna bakit ba ako kinakabahan? Tsk! Hndi dapat ako kabahan hindi naman siya yung President para kabahan ako.
"Teka nga muna diba may usapan naman tayo nun na walang paki ala-" Again I was not able to finish my speech kasi nag salita na naman siya.
"You don't have to remind me about that. Just forget about that thing."
Eii? Forget about that thing? For what specific reasons?
I was about to talk when my phone rang.
Kukunin ko sana yun pero naunahan niya akong kunin kaya siya na ang sumagot ng tawag.
"Hindi siya sasama and just cancel it." Yun lang ang narinig kong sinabi niya tsaka niya binigay sa akin yung phone ko.
Tumalikod siya sa akin pero bago siya mag lakad paalis tinanong ko kung sino yung tumawag pero kibit balikat lang ang sinagot niya sa akin at tuluyan na siyang nag lakad palabas.
Kinuha ko na lang yung phone ko at tinawagan si Lean.
"Hello?"
"Hello Lean papunta na ako diyan."
"Ahh kasi Jhean about that thing I cancelled it kasi may gagawin pa pala ako. Siguro next time na lang. Sige ah baba ko na to."
"Pero-"
- toot toot -
Hindi pa ako tapos mag salita eh binaba na niya agad.
Urghh! Bakit ba hindi nalang muna nila ako patapusin noh?
Pero bakit kaya hindi na siya matutuloy?
Hindi naman sila busy ni Elli sa susunod na araw ehh yung excitement ko napunta tuloy sa disappointment :'(.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Millionaire
Teen FictionA simple girl who is forced to marry a millionaire because her parents won't be able to pay the money they borrowed from the Fuentes family ...