Thirty One
NAPATIGIL SIYA sa paghalik sa babae nang biglang tumunog ang alarm. Nagangat siya ng tingin, at napakunot ang noo. Napansin niya naman ang agarang pagbibihis ni Minerva na para bang nagmamadali ito.
"What's happening?" Tanong niya nang marinig niya ang mura ni Minerva. Dahan dahan naman siyang nagbihis habang tinitingnan parin ang babae ng punong pagtataka.
Nilingon siya ng babae, "Nakatakas si Bullet." Anito sa malamig na tinig.
Nanigas naman siya. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Gaya ng babae ay nagmadali rin siyang nagsuot ng damit hindi pa niya nasusuot ang tshirt nang bigla siyang lumabas sa kwarto. Narinig niyang tinawag siya ni Minerva pero hindi niya ito pinansin.
Isa lang ang nasa utak niya, ang mahanap si Bullet.
HINIHINGAL SIYA nang makalabas na siya ng tuluyan sa Underground Society. Nagpalingon lingon siya at nakita ang isang bakod na pwede niyang akyatin para mas maging mabilis. Agad niya rin iyong inakyat at hindi na inanda ang sakit ng daliri na kanyang binali sa susunod na lamang niya iyon titingnan ang dapat niyang maunang isipin ngayon ay kung papaano siya tuluyang makakaalis.
Sa hindi malamang dahilan ay nahihilo siya dala na rin siguro ng sobrang pagod at kanina niya pang pagtakbo. Sa sobrang pagod at malamang ay kawalan ng dugo ay hindi niya namalayang na-out balance na pala siya at nahulog mula sa pader na nilalakaran. Napadaing siya ng maramdaman niya ang malakas na pagkakalagapak ng likod niya sa semento.
Isang nakakabulag na liwanag at isang napakalakas na pag-ingit ng mga gulong na gumagasgas sa semento ang narinig niya bago niya ipinikit ang mga mata.
Pero nagulat siya ng makitang isang pulgada na lamang ang layo ng kotse sa kanya. Pinikit niya ang mata sa pagod. Kailangan niyang makatayo, kailangan niyang makatakas. Napadilat siya ng maramdaman ang yabag ng paa na papalapit sa kanya. Bagama't pagod ay pikit mata niyang kinuha ang baril at tinutok sa papalapit.
"Sino ka?" nanghihinang tanong niya.
"Ikaw, sino ka? Kasamahan ka ba ni Fanco? Bakit ka duguan?" sunod-sunod na tanong ng boses sa kanya at base sa boses nito ay babae ang kausap niya. Pinilit niya ang sariling tumayo o kahit umupo man lang bagama't hinang-hina hindi niya pwedeng ipakitang pwede siyang patayin ano mang oras sa ganitong kalagayan. Saka niya idinilat ang mga mata para makita ang isang babaeng nakasuot ng isang long gown na tila ba kakagaling lamang nito sa party saka may baril na hawak sa kanya.
Napataas ang kilay niya at sapilitang tumayo. Nakita niyang nakatitig ang babae sa bawat galaw niya. "Pakialam ko sa Franco mo? Sino ba 'yan?" maangas na tanong niya saka nagsimulang maglakad. Kahit pa alam niyang paika ika at paekis ekis ang mga hakbang niya. Nakaramdam rin siya ng panlalamig ng buong katawan.
"Carlo, help her."
"Are you sure, Andy?"
BINABASA MO ANG
Hunting Bullet ✅
Action[Lady Criminals Series #1] What will you do if the most hunted down criminal is a girl with a deceiving look? ** Chaos. That's what's currently happening in the Philippines. A dangerous criminal named Bullet escaped the jail. Everyone in the organi...