Thirty Six
RAMDAM NIYA ang mga titig ng kung sino sa kanya kaya't dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang mukha ni Ezekiel na nakatitig sa kanya ng mariin. Ngayon niya lang napansin na nasa isang puting kwarto siya. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib, Where am I? Nasa ospital ba ako?
"I'm not that stupid to bring you to a hospital. They will ask questions and I'm too lazy to answer those questions." Anito sa malamig na tinig. Tumango lang naman siya at hindi na nagsalita. Niligtas ba siya ni Ezekiel? Bakit wala siyang matandaan? Nakita niyang tumayo si Ezekiel, mukhang aalis na ito.
"W-where are you going?" She didn't want to stutter and look vulnerable but it came out that way when she uttered those four words. Shit!
Tiningnan lang siya nito pero hindi na sumagot. Napabuntong hininga naman siya ng lumabas ito ng kwarto. Hindi pa ba sila okay? Natigilan siya sa pag-iisip. Hell, she should not care! Hindi iyon ang dahilan kung bakit siya bumalik sa personal hell niya. Hindi siya naghahanap ng karomansa.
Tapos na ang panggagamit mo sa kanya, Bullet. aniya sa isipan. Oo nga. Tapos na ang panggagamit niya rito kaya't babalik na naman siya sa hindi pagpansin rito. Delikado siya, at magiging mas delikado ang buhay ni Ezekiel pag napalapit siya rito. The guy already said he loves her. At kahit may kung anong kuryente siyang nararamdaman sa isiping iyon ay hindi pwede.
Hindi sila pwede.
"You look so lost," napalingon siya sa pinto at nakita si Samuel. Kalmado siya tingnan pero alerto ang loob loob niya. Wala siyang armas kaya't kung gagawa ng kalokohan si Samuel ay kailangan niyang makipaglaban ng mano-mano rito.
"I'm not here to fight you." ani Samuel.
"Uh-huh? You expect me to believe that?"
"I already let you get away, right?" kontra nito at tinititigan siya sa mata, "Or you already forgot about that?"
"I remember everything but that doesn't mean I'll put my guard down when you're around. I'm still wary of your presence. Now tell me, why are you here?" tanong niya rito. Lumapit ito ng ilang hakbang saka umupo sa dulo ng kama.
"How are you feeling?"
"What do you care about what I feel?"
"Because what I'm about to say will concern your emotions. And if you're not yet emotionally and mentally stable then I'm going." anito sa seryosong tinig. Mentally stable? Really? Ginawa pa siya nitong baliw.
"Go straight to the point." aniy sa nagtatagis na bagang. Pinipigilan niya ang kyuryosidad niya. Curiosity kills the cat ika nga. At maihahalintulad siya sa pusa dahil kahit ilang beses na siyang pagtangkaan, nabubuhay parin siya. Minsan tingin niya, sumpa ang pagkakaligtas niya sa mga trahedya.
"Fine." ani ng lalaki at tumayo. Tinitigan siya nito sa mata, "Remember when I told you we were never on the same boat?"
BINABASA MO ANG
Hunting Bullet ✅
Action[Lady Criminals Series #1] What will you do if the most hunted down criminal is a girl with a deceiving look? ** Chaos. That's what's currently happening in the Philippines. A dangerous criminal named Bullet escaped the jail. Everyone in the organi...