Twenty One

6.3K 221 9
                                    

Twenty One

"GISING SENYORITA!" Ani ng isang tinig. Napabalikwas siya ng bangon at nagsimulang umiyak. Kinalampag naman ng babaeng tadtad ng tattoo ang kwarto niya--scratch that dahil hindi ito kwarto. Isa itong kulungan. May rehas ito at medyo basa basa pa. May tunog rin ng daga. Hindi niya alam kung anong ginawa niya at inilagay siya rito.

"Aba! Buti naman at gumising na ang prinsesita!" Ani ulit ng tinig. Humagulhol lang siya at niyakap ang binti niya. Nag-angat siya ng tingin ng maramdaman niyang may humaklit sa munti niyang braso. Ramdam niya ang pagdiin ng mga kuko nitong mahahaba sa payat niyang braso, "Mommy! Daddy! Help me, lolo!" Sigaw niya at nagpapasag pero isang malakas na sampal lang ang natanggap niya. Mas lumakas naman ang hikbi niya. Napamura ang babae, "Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang ngumawa? Pesteng batang ito. Galaw!" Saka siya itinulak ng babae. Napasadsad ang mukha niya sa maputik na training ground.

Nakarinig siya ng tawanan at nakita niya ang mga bata na nasa edad 9 pataas na tinatawanan siya. May mga mentor rin na nakangisi sa kanya. Napabuntong hininga ang babaeng nagdala sa kanya rito, "Putang ina naman, Bullet! Bumangon ka riyan! Lampa! Walang kwenta!" Naiinis na saad nito at sumenyas sa dalawang mentor, "Pahirapan niyo nang magtanda!"

"Opo." Ani ng dalawa. Iniwan na siya ng babae pero hinabol niya, "Please, get me away from here!" Naiiyak na saad niya ngunit tinulak lang siya nito na nagong dahilan para pagtawanan ulit siya ng mga taong nanunuod sa kanila. Umupo ang babae at hinawakan ng mariin ang panga niya. Patuloy ang pagtulo ng luha mula sa mumunti niyang mga mata, "Wala na ang magulang mo, kung gusto mong mabuhay lumaban ka." Saka siya nito tinulak.

Nang makaalis ang babae ay may panibago na namang kumaladkad sa kanya.

'Mommy, daddy, where are you? I need you.' Naiiyak na isip niya at pinilit makisabay sa mga taong nasa paligid niya. Madalas ay siya ang ginagawang target ng mga ito.

AWANG-AWA na nakatingin sa kanya si Fernando. Iniiwas nito ang tingin sa batang binabantayan niya ng naroob pa ang magulang nito. Nilingon niya ang lalaking katabi, "Gerardo, paano mo nakakayanan na tingnan ang apo mo na saktan nila ng ganyan? Siya na nga lang amg nagpapaalala ng mga magulang niya sa'yo at sinasaktan mo pa?" Madamdaming tanong niya sa kausap. Ito kasi ang nagutos na pahirapan ang apo.

Hindi ito sumagot ag nanatiling nakatitig sa batang walang awang inuulan ng tadyak at suntok na hindi naman nito nagawang salagin lahat dala ng maliit na nga siya, napakarami pa nila. "Gerardo this has to stop. You may be my best friend but I cannot just watch while your doing everything to kill your grandchild!"

"Pinatay ko ba?" Tanong nito sa kanya at nilingon siya ngayon niya nakita ang sakit at pighati sa mga mata ng kaibigan, "Sana nga namatay na lang siya para hindi ako laging may paalala na namatay ang anak ko dahil sa batang 'yan! At ang isa ko pang anak ay nakaratay ngayon. Lahat para lang mailigtas ang batang 'yan." Walang emosyon ang boses nito ngunit puno naman ng emosyon ang mga mata nito.

Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya pa maaring sabihin ang lahat sa kaibigan dahil alam niyang hindi ito maniniwala sa kanya, "Bakit hindi mo na lang siya patayin, Gerardo kung ganun rin naman ang gusto mong gawin nila sa kanya? Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa?"

Nilingon siya nito pero hindi na muling nagsalita. Tahimik lang itong naglakad papalayo. Napabuntong hininga naman si Fernando pero nanigas ng marinig ang sinabi ni Gerardo. Mahina pero rinig na rinig niya.

"Kung tunay man siyang Letrico, makakayanan niyang iwasan kahit pa sibat ni kamatayan."

Nilingon niya ang papalayong kaibigan at napailing, "Kung alam mo lang ang tunay na nangyari, Gerardo. Ikaw mismo ang papatay sa bunso mong nakaratay ngayon."

ISANG BUWAN na ang nakalipas mula ng maiwan siyang magisa, kapag gabi ay wala siyang ginawa kundi tawagin ng paulit ulit ang magulang niya at umiyak hanggang sa makatulog siya. Kapag umaga naman ay hindi niya na pinapakita na mahina siya.

Dalang-dala na siya sa masamang pinapakita ng mga tao sa kanya. Mabait naman na prima ang daddy niya at matapang rin. Ganun rin ang mommy niya kaya ano ang nagawa niya para pahirapan siya ng ganito?

Kapag nagkakamali siya ng galaw kahit pa konti lang ay latigo agad ang natatanggap niya. Ilang sampal, suntok, at latigo pa ba ang kailangang tanggapin ng mura niyang katawan bago ito tuluyang bumigay?

Sa buong buhay niya ay ngayon lang niya hiniling na sana ay mamatay na lang siya. Sana ay siya nalang ang naputukan ng baril at nahulog sa bangin. Ang isa pang hindi niya maintindihan ay kung bakit sa kanya isinisisi ang pagkamatay ng mga magulang niya? Hindi sila naniniwala na ang tito Amago niya ang gumawa nang lahat, sa halip ay bilang parusa daw sa mga sinasabi niya hindi siya pinapakain.

Nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya. Nagmamadaling bumangon siya at sumiksik sa gilid. Ano na naman ang gagawin sa kanya, may mali na naman ba siyang nagawa? "Tama n-na po. I won't--d-di ko na po uulitin." Aniya sa mahinang tinig at humikbi. Medyo nahihirapan siya sa pagtatagalog dahil hindi siya gaanong nasanay roon. Mas sanay siya sa ingles at spanish. Napatigil sa paglalakad ang tao.

"Beatrice Uraine..." ani ng boses. Pakiramdam naman niya ay binalot ng lamig at galit ang puso niya ng marinig ang boses na iyon.

Walang iba kundi ang lolo niya. Ilang beses niya itong hiningan ng tulong tuwing nanunuod ito sa kanilang training ngunit ni isang beses hindi ito tumulong. Mas nilalapitan pa nito ang ibang kasamahan niya samantalang siya itong bugbog sarado. "Lumayo ka! Hindi kita kailangan! I asked for your help yet what did you do? Go away! I want Ama Fernando not you! Go away, Gerardo! I loathe you!" Sigaw niya. Nagbabaga ang mga mata pero hindi siya ni minsan lumabas sa madilim na parte ng pinagtataguan niya.

Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Gerardo pero pinagwalang bahala niya lamang ito, "Matulog ka na. I don't have time for your petty whims." Saka niya iniwan ang apo na hindi parin nagpapakita. Lalabas na sana siya nang marinig niya ang sigaw ng anim na taong gulang na apo.

"Go to hell." Anito sa mapanganib na boses. Napapikit siya sa sakit. Tila sinaksak ng libu-libong kutsilyo ang dibdib niya. Kung nanggaling yon sa iba ay hindi niya yun papansinin ngunit nanggaling 'yon sa isang anin na taong gulang na batang babae. At ang mas masakit, apo niya ang batang babaeng yon.

'Kasalanan ko, patawad apo.' Isip isip niya at umalis na sa lugar na iyon. Kailangan niyang panindigan ang desisyon niya para mapatatag ang apo niya at hindi maging mahina. Wala nang mag-aalaga dito kundi ang sarili mismo.

--------------

Sinong hindi naawa kay Bullet? Grabe kayo ha? Haha. Everything on italic is what happened in the past. You want to know why Bullet is hell bent for her vengeance? Read.

Btw, grabeee tatlong update isang araw? Yaan na ginanahan ako e. Oh siya, basa lang ha? Ayos!

Hunting Bullet ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon